Clementine POV Matapos ang naganap na tamaan ng cake kahapon sa canteen ay lahat ng nag aaral sa Vampire High ay nagagalit sakin. Maliban kay Lit na proud na proud sa ginawa ko. Hindi ko naman talag gustong gawin yun kay Fin, pero kasi hindi naman tama yung ginagawa niya sakin. Ikaw ba naman paliparan ng upuan ng dalawang beses at buhusan ng juice at dugong iniinom niya kahapon diba? Syempre yung uniform ko mga te'h nilabhan ko nanaman kagabi buset. Sa dahil sa naganap kahapon, ang daming nag bago. Kung dati na ningingitian ako ng ilang nadadaanan ko ay ngayun sinasamaan nila ako ng tingin. May ilan pa nga hinaharangan ako ng daan tapos binabangga bangga. Joskopo big deal ba yung samin ni Fin? Supalpal ko sa kanila yang Fin nila eh. Maaga akong umalis ng room namin ni Lit dahil ayoko

