Chapter 87 - SPG

2057 Words

Nang makababa ng cabin sa ferris wheel ay ramdam ko ang init ng katawan ko. Hanggang ngayon ay pawis na pawis ako. Damang-dama ko rin ang malakas na pagwawala ng aking puso. Maging ang paghinga ko ay pilit ko pa ring hinahabol. Habang naglalakad naman ay tanaw ko ang ilang mga matang nakatitig sa akin. Nangunot ang noo ko, lalo lang din nag-init ang batok at pisngi ko. Madali ko namang kinapa ang mukha ko. Sinigurado ko kaninang maayos ang damit at buhok ko kung kaya ay kampante ako. Nakapag-retouch din naman ako, loose powder at lipstick bago bumaba. May dumi ba sa mukha ko? "Nakita kaya nila?" wala sa sariling bigkas ko nang ma-realize iyon. Posible naman na gano'n, kahit pa sabihin na nasa pinakataas kami kanina noong ginawa namin iyon. Hindi ako mapakali. Tiningala ko si Paul Shin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD