Chapter 26

2095 Words

PAUL SHIN's POV: Pag-aalala? Pagak akong natawa sa sarili at saka pa sinundan ng tingin si Vanessa. Dere-deretso at wala ng lingun-lingon siyang naglakad palayo sa pwesto ko. Tuluyan akong iniwang mag-isa sa sala. Kahit noong umakyat ito sa ikawalang palapag ng bahay ay hindi na niya ako nagawa pang tingnan. Nang mawala siya sa paningin ko ay matagal pa muna akong natulala sa kawalan. Kung simpleng pag-aalala nga lang siguro 'to ay walang problema. Marahil ay hindi ako magkakaganito. Siguro ay hindi ako magsasayang ng panahon para mas mag-alala pa sa kaniya. "Nagseselos ako, Vanny," iyan ang kagustuhan kong sabihin kanina na hindi ko magawa-gawa dahil hindi pwede. Well, how do I say this? Na matagal ko nang gusto si Vanny. Simula umpisa pa lamang. Siguro ay unang pagtungtong pa lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD