"Aren't you coming with me?" maang na tanong ko kay Lolo nang makita siyang nananatiling nakaupo sa kaniyang trono. Ngayon ang alis namin patungo ng Pilipinas. Nakaayos na ako at dala na ang isang maleta. Saktong alas siete nitong umaga ay mismong flight na namin ni Lolo, pero nagulat ako na matagpuan siyang hindi pa nakahanda. "I'll just follow you in the Philippines. I just needed to meet someone here, it was so sudden that even I was surprised," natural na pahayag ni Lolo at saka pa ngumiti. "I am sorry, meine Enkelin. I promise to follow before the fundraising event." Maang kong tinitigan si Lolo, tinatantya ba kung nagsasabi siya ng totoo, o baka inuuto lang niya ako ngayon na napapayag niya akong bumalik ng Pilipinas. Pero alam ko rin naman na hindi niya kayang magsinungaling sa a

