Blanko ang mukha ko nang titigan ko si Paul Shin kahit pa gaano nagwawala ang puso ko. Bakit ba siya nandito? Bakit pa siya sumunod? Para lang ba mang-asar? Mariin akong napalunok. Saglit pa akong nagbaba sa katawan niyang hindi ko na halos kabisado. Lumaki at mas naging matipuno ito, mas nadepina ang muscle nito sa kaniyang braso at dibdib. Naghihimutok ang suot niyang black tuxedo. Maging ang binti niya ay maayos na naninindigan sa pagkakatayo. Hindi ko rin alam kung tumangkad ba siya, o pakiramdam ko lang na bigla akong nanliit. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin dito. Pati ang mukha niya ay malayo na sa Paul Shin na una kong nakilala. Lalo ang kaniyang buhok. Mahaba iyon at ngayon ay nakatali para sa pormal na event na ito. Gaano man din kadilim ang kalangitan, wala pa ring katu

