Chapter 1

2005 Words
Suot ko ang kulay puting bestida na bumagay sa puting doll shoes ko, mukha lang akong anghel na ibinaba sa lupa upang maging anak nina Mommy at Daddy. Ganiyan palagi ang sinasabi nila sa akin, kaya ang laki ng pasasalamat nila dahil dumating ako sa buhay nilang mag-asawa. Nagawa ko pang umikot sa harapan nang malaking salamin habang tinatanaw ang sariling repleksyon doon. Bakas ang hindi maipagkakailang labis na pagkagalak sa mukha ko, kung saan kita ko pa ang hindi pantay at bungi kong mga ngipin. Kumakawala rin ang mahihina kong paghagikgik sa nakitang itsura ko. Nang mapagod ay kaagad kong inayos ang headband ko na may halo ng isang anghel, sinuklay ko rin ang makapal ngunit malambot kong buhok. Sa natural nitong pagkakakulot ay mahirap iyon suklayin, lalo kapag basa dahil masakit sa anit at madalas nga ay hindi na ako nakapagsusuklay dahil nakakapagod. Mabuti na lang at nandiyan din si Mommy para ayusan ako. Kung siya pa ay gustung-gusto ang kulot kong buhok, ako naman ay halos isumpa ko iyon. Isa kasi ito sa mga bagay na masasabi kong kahinaan ko, kapag inaasar kasi akong kulot-salot ay mabilis akong umiyak. Asar-talo ako kapag ang buhok ko ang puntirya, kaya sa school ay palagi akong umiiyak dahil din sa mga bully kong kaklase. May ilan pa na hinihila ang buhok ko at sinasabing wig ito, wala akong magawa kaysa magpakalbo ako. Hindi naman din ako pinalaki ni Mommy at Daddy na maging warfreak, kung tutuusin ay ako iyong tipo ng bata na sobrang bait— hindi marunong makipag-away at mapagbigay, lalo sa mga laruan at pagkain na mayroon ako. Kahit nga lait-laitin ako patungkol sa buhok ko, basta lapitan lang nila ako para humingi ng baon ay kaagad ko silang bibigyan. Sa madaling sabi ay utu-uto ako, sa sobrang bait ko ay hindi ko alam na masyado na rin pala akong naaabuso. Sa totoo lang, nakuha ko itong buhok ko kay Daddy na may lahing german, samantala ay purong pilipina naman si Mommy at sa kaniya ko nakuha ang pagiging kayumanggi ang balat at ang mataas na height. Kung tutuusin at siya ring sabi-sabi ng karamihang nang-aasar sa akin ay mukha akong katutubo na tinatawag na aeta. Iyon mga ninuno natin na nakatira sa mataas at tagong bundok kung saan ay kapareho ng itsura ko. "Vanny! Let's go na, baka ma-late tayo sa misa!" Dinig kong sigaw ni Mommy sa labas ng kwarto ko, kaya maagap din akong tumalima. Mula sa maliit na upuan ay kinuha ko roon ang maliit kong bag na kulay pink, sa naturang balahibo nitong design ay malambot iyong hawakan. Nang makalabas pa sa kwarto ay naabutan ko roon si Mommy. "Tara na at tapos na rin ang Daddy mo," dugtong ni Mommy, kapagkuwan ay inilahad ang isa niyang kamay sa harapan ko. Mabilis ko namang inabot iyon at magkahawak-kamay naming tinahak ang daan pababa sa bahay. Dagli ko pang natitigan ang mga kamay naming magkasalikop ni Mommy bago umalpas ang mumunting ngiti sa labi ko. Sa murang edad ko ay napuno ako ng pagmamahal nina Mommy at Daddy, they are giving their best to me para lang mapalaki ako nang maayos at may disiplina. Hindi sila nagkulang, bagkus ay sumobra pa nga. Hindi ko rin masasabi na ako iyong tipo ng batang spoiled brat, kasi kahit papaano naman ay naituro sa akin kung paano maging kuntento sa buhay. Kung ano lang iyong nariyan ay iyon ang tatanggapin ko. Kapag may sobra pa nga ay nagagawa ko iyong i-share sa iba na hindi ko alam; nagmumukha pala iyong suhol para sa iba upang hindi na nila ako asarin, pero kailan man ay hindi naman iyon sumagi sa utak ko. Never din akong humiling na gusto ko ng ganito at ganiyan, hindi ako nainggit sa mga kaklase ko dahil mayroon silang bagay na wala ako. In general, mas marami pa rin ang mga bagay na mayroon ako na wala sila. Kaya sobrang thankful ako for having Mommy and Daddy, they're never left me even in a hard times. Honestly, bagong salta lang kami rito sa Pilipinas, kauuwi lang namin a couple of months ago at galing ng Germany. For some reasons na hindi na umabot pa sa akin ang rason ay pinalayas kami ng parents ni Daddy, pero kung hindi naman ako nagkakamali ay dahil ayaw ng parents ni Daddy si Mommy. Simula kasi nang maisilang ako ay ganoong sitwasyon na ang nakalakihan ko. Just imagine 'yung five years mahigit na pagtitiis ni Mommy sa mga masasakit na salitang binibitawan sa kaniya nina Lola at Lolo, pati si Daddy na anak nila ay nagagawa na rin nilang saktan at palayasin. And for the second time around, thankful pa rin ako na ang unang lenggwaheng itinuro sa akin ni Mommy ay ang mother tongue niya. Kaya hindi mahirap sa akin na makisabay at makibagay dito sa Pilipinas. May alam din naman akong german words, nakaiintindi rin ako since pure german sina Lolo at Lola na hindi marunong magtagalog. Meanwhile, tinuruan lang din ni Mommy si Daddy ng salitang filipino. Sa ilang buwan na pananatili namin dito, so far, masaya kami na malayo kami sa magulo at maingay na paligid. Although, medyo naninibago pa ako sa mga taong nakakasalumuha ko. As if they were seeing an alien when they look at me. Hindi sila sanay sa curly hair ko, kaya siguro ay ako na lang ang mag-a-adjust na intindihin sila, pati na rin ang mga kaklase kong palagi akong kinukutya. "Let's go, honies!" baritonong banggit ni Daddy nang makalabas siya ng bahay, kasabay nang pagtunog ng kotse na nasa harapan namin ni Mommy kung saan kami naroon. Siya na rin ang nagbukas ng pinto sa back's seat upang doon ako papasukin, iginiya pa ako ni Daddy sa loob at siya mismo ang nagkabit ng seatbelt ko dahilan para bumungisngis ako. Nasilayan ko naman ang pagngiti niya kung kaya ay lumarawan sa paningin ko ang malalim nitong dimples. "Ich liebe dich," pahayag nito sa tonong germanic language. It means, I love you. Sa sinabi niyang iyon ay humagikhik ako, lalo pa nang masuyo niyang abutin ang magkabilaan kong pisngi at nanggigigil na pinisil. Mas lumakas ang pagtawa ko, rason para lingunin kami kaagad ni Mommy nang makapasok ito sa passenger's seat. Nangingiti niya kaming pinagmamasdan hanggang sa bitawan din ako ni Daddy na nagawa pa niyang mas guluhin ang buhok ko dahilan para mapahiyaw ako sa pinagsamang pagkaasar at tuwa. We're living a simple family and yet we're happy and contented. Wala ni isa sa amin ang naghangad na magkalayu-layo kami, kasi ang sabi ni Daddy— mananatili kaming isang pamilya hangga't nabubuhay sila. Alam ko naman din na darating ang araw na iyon kung saan ay iiwan na nila ako dahil totoo na hiram lang ang buhay. Ngunit parang hindi ko kakayanin kapag dumating ang araw na iyon, sana ay matagal pa silang mabuhay. Gusto ko na masilayan nila ang paglaki ko, maging ang pagtatayo ko ng sariling pamilya kung saan ay tatawagin silang Lola at Lolo ng magiging anak ko. Nakakatawa, ano? Sa batang edad ko ay sobrang matured ko palang mag-isip. Hindi pa nagtagal nang isarado ni Daddy ang pinto sa gilid ko, saka naman siya pumasok sa pwesto nito mula sa driver's seat kung saan mabilis din niyang pinausad ang kotse. Sa biyahe ay naging masaya kaming tatlo. Nakangiti lang ako habang tinatanaw ang mga nadadaanan namin sa paligid, mula sa salamin ng bintana ay kitang-kita ko ang sariling repleksyon ko, partikular ang bungi kong ngipin na sumasalamin kung gaano ako kasaya. Maaraw ang kalangitan, maalinsangan ang kapaligiran na tila ba walang puwang sa mundo namin ang kalungkutan. Kaya hindi ko alam kung paanong sa isang iglap, naging madilim ang mundo ko. "Daddy!" sigaw ko nang masaksihan ko kung paano sumalpok ang isang kotse sa sinasakyan naming kotse. "Ahh! Mommy!" Sa lakas ng pwersa at impact nito ay ilang beses kaming nagpagulung-gulong sa kahabaan ng kalsada hanggang sa bumangga ang kotse namin sa isang mataas at matayog na puno. Siya namang pag-alingawngaw ng pag-iyak ko. "Mommy!" umiiyak kong banggit habang hindi ko halos maigalaw ang katawan dahil sa labis na takot na lumulukob sa akin. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga, sa kadahilanan pang umuusok ang labas at loob ng sasakyan ay hirap kong maaninagan sina Mommy at Daddy na nasa harapan ko kung kaya ay panay ang pagtawag ko sa kanila. Wala ni isang sumasagot sa bawat pagtangis ko, rason para maging doble sa lakas ang pagtawag ko. Wala rin akong marinig na boses galing sa kanila, o maski ang kaluskos nila para sabihing naroon pa sila kasama ko. "Daddy!" Iyak lang ako nang iyak sa katotohanang nangyayari. Para akong nabibingi sa sobrang katahimikan na pumupuno sa paligid, walang langitngit o kahit ang paghinga nila ay hindi ko marinig. Mayamaya lang nang magulat na lang ako nang bumukas ang pinto sa gilid ko. Kaagad ko itong tiningala, kaya mas umalingawngaw ang malakas kong pag-iyak sa kabuuan ng lugar. Ano man ding pagtanaw ko sa mukha nito ay hindi ko makita, tirik ang araw sa labas ngunit naging malabo ang paningin ko. Nakita ko na lang ang dalawang kamay nito na siyang tinatanggal ang pagkakakabit ng seatbelt ko, nang tuluyang maialis ay walang pagdadalawang-isip na iniahon ako nito sa pagkakaupo ko roon. Nagmukha lang akong iniahon sa pagkakalunod ko na nagawa kong makalanghap ng hangin ngayon. Nang tuluyan akong maibaba ay naging sunud-sunod ang mabibigat kong paghinga, kasabay nang pagtangis ko. "Mommy! Daddy!" pagtawag ko sa kanila sa pag-aasam na isa sa kanila ang nasa harapan ko. "Let's go, hija." Dinig kong sambit ulit ng boses na iyon na siyang hawak-hawak ang isa kong kamay. "Let's get out of here." Doon ko na-realize na hindi siya iyong tao na inaasahan kong ililigatas ako. Ano man ding sabi nito o paghila sa akin ay hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan mo, lalo sa reyalisasyon na hindi siya si Mommy. Ang bilin pa naman nila sa akin ay huwag akong sasama sa mga estranghero. Isa pa, ayokong iwanan sina Mommy at Daddy dito. Hindi pwede na umalis ako sa tabi nila at natatakot ako na kapag nangyari iyon ay baka hindi ko na talaga sila makita pa. "No, please. My Daddy is on the driver's seat, my Mom is also there. Please, save them at least," umiiyak kong pagmamakaawa. "All right, we will. But first, kailangan muna kitang mailayo rito. We will save them," sagot niya kung kaya ay iyon ang pinanghawakan ko nang sumama ako sa kaniya. Dinala ako nito sa patag, sa mismong gilid ng kalsada, roon ko lang din natanaw ang isang lalaki na kasama niya. Saglit nila akong iniwan doon upang balikan sina Mommy at Daddy upang tulungan din. Ngunit sa kalagitnaan nang paglalakad nila palapit at pabalik doon ay halos magliwanag ang paningin ko nang biglang sumiklab ang apoy sa kabuuan ng kotse kung saan naroon sina Mommy at Daddy. Sa nangyari ay para akong binuhusan ng malamig na tubig at pinagsasampal ng libu-libong tao kung kaya ay parang namanhid ang buong katawan ko. Kasabay nang pag-awang ng labi ko. Gaano man kainit ang paligid ay nanlalamig ang buong pakiramdam ko, hindi ko magawang ipagpatuloy ang pag-iyak ko dahil literal na napanawan ako ng kaluluwa. Tanging paninitig lang sa malaking apoy ang nagagawa ko. Bumalik iyong babae at lalaki sa kinaroroonan ko at saka ako madaling hinila palayo, pero nagmistulang lang akong estatwa na hindi gumagalaw. Mayamaya lang nang maging sunud-sunod ang pagpatak ng mga luha sa pisngi ko. "Come here, hija," saad ng lalaki na pilit akong hinihila, kalaunan nang buhatin niya ako at dere-deretsong naglakad palayo. "No!" Tila ba roon lang ako natauhan, marahas akong kumakawala sa bisig nito ngunit naging desidido ito na makalayo kami sa lugar na iyon. Akala ko ba ay tutulungan nila si Mommy at Daddy? Just like the story of a princes and princesses, I want a happy ending. Hindi ganito ang pinangarap kong buhay. I want a happily ever after— pero mukhang dito pa lamang magsisimula ang buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD