Gumising ako nang maaga ngayun para asikasuhin ang asawa ko. Gusto kong baliwalain ang natanggap kong mensahe kagabi kasi wala din naman akong magagawa. Pinonytail ko ang buhok ko saka magbihis ng loose shirt at short shorts ng masatisfied ako sa itsura ko ay nagjog ako pababa at nagluto na.
Sakto naman na tapos akong manghain ay bumaba na si Aslin na naka office attire na. Inaayos nito ang tie niya habang bumaba ng hagdan.
"Goodmor-"
"Manahimik ka nga naririndi ako sa boses mo." Basag niya sakin bago umupo at simula ng kumain. Tiningnan niya ako kaya naman ngumiti ako para hindi niya makita ang lungkot sa mga mata ko.
Kinuha ko ang coffee niya at inilapag sa lamesa. Umalis muna ako at pumunta sa sala para manoud muna ng TV. Hindi muna ako sumabay sa kanya sa pagkain baka magalit naman siya sakin. Baka kong ano na naman ang sabihin niya sakin.
Nakatoun ang atensyon ko ngayun sa palabas sa TV kaya nagulat nalang ako ng sumigaw si Aslin.
"BINGI KABA!? SABI KO LIGPITIN MO NA ANG PINAGKAINAN KO!" Lumapit ako sa kanya at ningitian na naman siya. Kahit saktan niya pa ako at sigawan hinding hindi Ako Magsasawang ngitian siya kahit sa kaloob looban ko ay nasasaktan na ako. Kumunot naman ang noo nito ng tignan ko ito.
Inayos ko ang tie niya at pinagpag ang pangitaas niya. I feel him stiff that makes me happy, kahit papano ay may epekto parin pala ako sa kanya. Akala ko kasi ay wala.
"Have a good day Mr Heldon. Take care, i love you." E ki-kiss ko na sana siya sa pisngi niya ng tinulak niya ako ng napakalakas dahilan para madapa ako at bumangga ang tuhod ko. Gusto kong sumigaw sa sakit pero pinigilan ko kaya napaluha nalang ako.
"M-malalate kana, Aslin." Hindi ko siya hinarap at patuloy lang na nakayuko. I wanted to curse in pain.
Shit! I feel something broke.
Narinig ko ang pagbukas at sarado sa gate namin na hudyat na nakaalis na ang asawa ko. Hindi man lang niya ako tinulungan dito. Ano pa ba ang ineexpect ko eh wala naman talaga yung pakialam saakin.
Mangiyak ngiyak akong naglakad palapit sa couch kahit masakit ang tuhod ko ay tiniis ko para makuha ko lang ang phone ko. Agad kong tinawagan ang kapatid ko ng makuha ko ang selpon ko.
Calling Jurine/ Urine...
[Hello, babygirl? Goodmorning.]
Napaka malumanay ng boses nito.
"Kuya... puntahan mo ako dito please."
[Okay.]
Bigla sumeryoso ang boses nito na para bang nahimigan nito may nangyaring masama saakin.
Namamaga ang tuhod ko at sinubukan kong lumakad ulit pero masakit na talaga siya. Hindi na ito bago sakin pero masakit parin. Sa sinabi kong hindi ito bago saakin ay totoo ito. May mas malala pa nga akong naranasan ko noon kesa dito.
umupo muna ako sa couch habang naghintay ng ilang minuto at dumating na si Urine na nagsalubong ang dalawang kilay.
"At ano na namang kahayupan ang ginawa sayo ng asawa mo?!" Galit niyang tanong. Sinuri nito ang tuhod bago walang pasabing kinarga niya ako ng pangbridal style at isinakay sa kotse niya.
"Pagkatapos natin sa hospital ay hindi kana babalik sa bahay ng demonyong yun at kalimutan mong may asawa siya!" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Urine.
"Please kuya! Just give me sometime at kapag hindi ko na kaya ay kusa akong sasama sayo." Pagmamakaawa ko. Sana naman makinig siya sakin dahil hindi ko kayang iwan si Aslin. Kahit magkanda lumpo pa ako ay hindi ko iiwan ang asawa ko. Mahal na mahal ko si Aslin at gagawin ko lahat wag lang niya akong iwan.
"Wag ka ngang magpaka martyr dyan Alic! Harap harapan na siyang nambababae at ikaw tong si babaeng mahal siya at pinapatawad lang siya!" Hindi ko nalang siya tiningnan at tinoun nalang ang atensyon ko sa dinadaanan namin hanggang sa marating namin ang hospital.
Pinahiga ako ng nurse sa isang hospital bed at ipinasok niya ako sa isang room at iniksray ng doctor ang tuhod ko. Pagkatapos nilang icheck ang tuhod ko ay may nilagay silang parang oil at nilagyan ng leg cylinder cast.May binigay rin na resita ang doktor sa Kuya ko at tinangu.an naman siya nito.
Nakawheelchair parin ako palabas at dala ni Kuya ang tungkod ko. Pinasakay niya na ako sa kotse bago siya pumasok sa driver seat. Tahimik lang kami sa loob nangsasakyan habang nagdridrive siya. Napatingin naman ako sa palagid ng makita kong hindi ito ang daan pauwi sa bahay namin ni Aslin. Tatanungin ko na sana siya ng bikla siyang magsalita.
"Sa condo muna kita iuuwi. Wala ng pero-pero wag kang mag-aalala dahil iuuwi na kita bukas na bukas din." Hindi na ako sumagot at bumuntong hininga nalang. Mahirap kasi kalabanin ang isang Jurine Ken Hunters.
* * *
"Kumain kapa nga! Ang payat na payat muna Alic at nagdi-diet kapa, Tsk. Parang kang walking bamboo eh." Galit namang saad ni Jurine. Kasi ayaw niya pa akong paalisin sa kusina at gusto pa niya akong pakainin nang marami pero busog na busog na ako eh.
"Kuya busog na ako. Maawa ka naman sakin." Inilayo ko ang pinanggan sakin ang sumandal sa upoan habang hinihimas ang tyan ko. Feeling ko tuloy kakatayin ako bukas.
"Tama ng sat-sat at kumain kana." Seryoso talaga siya kaya kumain nalang ako ulit kahit busog na busog pa ako.
Kumain na kaya si Aslin? Biglang pumasok yun sa isipan ko sana naman ay pauwiin na ako ni Kuya bukas para hindi magalit si Aslin sakin. Paniguradong nag aalburuto na ito sa glit kasi walang nagluluto sa kanya o baka naman masaya ito ngayun kasi wala ako sa bahay.
Nang matapos na akong kumain ay nagpresenta naman si Kuya na siya na daw ang maghuhugas at hintayin ko nalang siya sa sala. Nalaman ko din na after 1 month ko pa bago tanggalin ang itong cast ko.
Umupo na ako sa sofa at nilagay naman sa gilid ang tungkod ko at inon ang TV.
Kung mabuntis kaya ako magbabago ba pakikitungo sakin ni Aslin at mamahalin na niya ako? O baka naman ay mananatili siyang walang pakialam sakin pero sa anak namin meron? Di bali na basta wag niya lang saktan ang anak ko kagaya ng pagpapasakit niya sakin.
Hay. ano ba itong pinagsasabi ko. Baka nga palayasin ako non pagnabuntis ako. Napabuntong hininga nalang ako.
Ting!
Kinuha ko ang phone ko sa mini table na nasa harapan ko tiningnan kong sino ang nagtext
From: Allison
Hey, sorry sa pagiging FC pero pwede ba mag gala tayo bukas? I just want to talk to you.
Kahit naging kabit to ng asawa ko ay hindi naman niya ako pinahirap at tinuring naman niya akong kaibigan. At isa pa ako naman talaga ang sumingit sa relasyon nila kaya nga nagtataka ako kung bakit ni isang beses ay hindi niya ako inaway.
To: Allison
Gusto ko sana pero hindi ako pwede bukas eh. Next time nalang.
From: Allison
Sge.
"Sino yang katext mo?" Halos mabitawan kuna ang phone ko sa pagkagulat dahil sa biglang pagsipot ni Ihi! I glared at him.
"Hoy Ihi! Wag mo nga akong gulatin." Tumawa naman siya kaya sumimangot nalang ako.
"Tawa tawa kapa dyan!" Umupo siya sa tabi ko ginulo ang buhok ko.
"Atleast dito may naririnig kang tawa di katulad sa bahay niyo." Napayuko nalang ako sa narinig ko at bumuntong hininga naman siya. Totoo naman kasi. Napaka boring ng bahay namin kasi hindi naman kami nagkikiboan ni Aslin eh.
"Alam mo hanga din ako sayo eh. Sinasaktan kana nga tinutulak mo parin ang sarili mo sa asawa mong gago." Umiling ako sa kanya. i rested my head on his shoulder.
"Kahit gago yun mamahalin ko parin yun kahit saktan pa niya ako araw araw ay patuloy ko parin itutulak ang sarili ko palapit sa kanya. Kung mahal mo ang isang tao mag-tiis ka hindi yung susuko ka nalang basta-basta." Mahabang sagot ko sa kanya at kinurot siya sa braso niya.
"Pero kahit na mahal mo siya kailangan mo namang maglagay nang limitasyon. Kailangang mahalin mo rin ang sarili mo baka dumating ang panahon na marealize mo na baka hindi talaga kayo at sa panahong yun ay lunod na lunod kana at hindi na maka-ahon pa." Puno ng sinseridad ang tono ng pananalita niya kaya tiningnan ko siya.
"Na inlove kana ba Jurine Ken Hunters?"
"Once, but i just broke her." Umupo ako ng maayos ang tinignan siyang maigi. Kahit walang emosyon ang mukha nito ay kitang kita ko naman sa mga mata nimo ang lungkot. hindi na ako nagsalita at hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko kaya ibinalik ko nalang ang ulo ko sa pagkakadantay sa braso nito.
___________________________________________
Maaga akong gumising para maaga din akung iuuwi ni Kuya sa bahay namin ni Aslin. Tapos na akong maligo at magbihis. Naka white plain dress lang ako at naka tsanilas. Hindi ko nga alam kung bakit may ganitong damit dito sa bahay ni kuya. Wala naman kasi akung pamalit kaya nakihiram nalang ako. Sinuklayan ko muna kung buhok at bumabas na nakatungkod.
Naabutan ko si Kuya na nagkakape sa kusina kaya nilapitan ko siya.
"Tapos kanang kumain?" Umupo ako sa tabing umupo.an niya.
"Hindi pa. Sabay na tayo." Pinaghain niya ako at sabay na kaming kumain. Tahimik lang kaming kumain hanggang sa natapos nalang kamin. Pagpasok naman namin sa kotse ni Kuya ay tahimik parin siya.
Nong nag-usap kami ni Kuya Jurine ay pagkatapos non ay naging tahimik na siya at naging one liner na din. Sino kaya yung babaeng sinasabi niyang he just broke her heart. Wala pa kasi itong pina-pakilala sa amin eh kaya nagulat ako kahapon sa sinabi niya
"Kuya bababa na ako ah?" Tumango naman siya at hinalikan ako sa noo ko. Hinawakan ko ang kamay niya at tumitig diretso sa kulay kape nitong mga mata.
"There's always second changes. Hanapin mo ang puso mo at wag mong suko.an" Bumaba na ako at binuksan ang gate namin. Nagulat naman ako ng makita ko ang kotse ni Aslin sa garahe. Alas dyes na ah bat nandito pa siya? Kahit nakatungkod ako ay nagmadali akong pumasok sa bahay at wala namang tao sa first floor kaya pumayak ako sa taas kahit masakit ang tuhod ko. Binuksan ko ang kwarto ni Aslin at i saw him... Kissing a woman above his bed while his ands roamed around her body. It broke my heart into a million pieces and good thing i closed back the door without me falling into my knees behind the closed door.
It all happen again. Why can't he just respect me? Ginagawa ko lang tanga ang sarili ko. Im just His Nothing what do i expect?
Tog!
"Ara-aray..." mahinang daing ko. Hindi ko namalayan na sa pinto.an pala ako nakatulog. Hinimas himas ko ang ulo kong nauntog sa sahig at kinuha ang tungkod ko at pumasok sa banyo para makapaglinis sa katawn ko.
Nangmatapos akong maligo ay magbibihis na sana ako ng hindi pala ako nakadala ng pangpalit nang damit. Pinatuyo ko muna buhok ko bago ko tinapisan ang katawan ko. Inabut ko ang tungkod ko at lumabas nasa banyo.
Kay muntikan ko nang mahampas si Aslin sa tungkod ko sa pagkagulat. Di ko alam na nandito pala siya.
"Kung may kailangan ka pwede bang mamaya muna sabihin? Mabibihis lang ako." Nakayukong saad ko sa kanya. Hindi ko siya narinig na sumagot pero naramdaman ko ang paglapit niya. Nakakahiya kasing nandito siya at hindi pa desinte ang itsura ko.
Hinawakan niya ang nguso ko at inangat ito para magtama ang mga mata namin.
"Dito na titira si Lesly at wag na wag mo susuwayin ang mga iuutos niya sayo." Malamig ang boses niya at hindi pa naman ako nakakasagot ay lumabas na siya sa kwarto ko. Gusto ko siyang sampalin at sigawa pero hindi ko magawa.
Papatirahin na naman niya ang kabit niya dito? Babalik na naman ako sa pagiging yaya nila.
Kahit hindi pa ako bihis ay sumalampak ako sa kama ko at umiyak na naman. Bat ba hilig niya ako paiyakin at paasahin? O ako itong mahilig umasa? Pagud na ako pero nakit hindi ko parin kayang iwan siya.
Narinig ko ang mga tawanan at nilang dalawa. Hindi kailanman ay nakita kong ngumiti ang asawa ko sakin. Palagi lang kasi siyang galit sa lahat ng mga ginawa ko para sa kanya. Bigla namang sumagi sa isip ko ang napakasakit na idea na dapat kong gawin.
pabayaan nalang siya..
Tumayo ako at nagbihis. Kahit alam kung masasaktan lang ako paghinayaan ko siya ay isinawalang bahala ko nalang. Aanhin ko ang kasiyahan ko kung ang asawa ko mismo ay siyang numero unong isinusumpa ang kaligayahan ko?
Bumaba na ako at naabot silang dalawa na naghaharutan sa sala pero tuloy tuloy parin ako sa paglakad papunta sa kusina para ipagluto sila. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa paa ko at bitbitk ko pa ang tungkod ko.
"Babe, diba sabi mo kasambahay mo lang ang kasama mo dito?" Narinig kung tanong nong Lesly kay Aslin. Sapagkakaalam ko wala naman kaming kasambahay dito sa bahay ah. Kahit alam kong masasaktan ako kapag nakig ako sa pinag-uusapan nila ay ginawa ko pa rin.
"Yes babe." Malambing na sagot ni Aslin kay Lesly. Di kailan man ay ginamit sakin ni Aslin ang tono na yan.
"Yung nasa kusina na babae siya bayong kasambahay mo?" Pagtutukoy sakin ni Lesly. Ako pala ang sinasabi ni Aslin na kasambahay niya? Naman?
"Oo." Maikling sagot niya. Hindi ko kinaya kaya nagmadali akung umakyat ka kwarto at nag mok-muk don. Kinuha ko ang phone ko at pinili nalang magpa-music ng mga pop-songs. Ayaw ko munang magpa music ng love songs baka mabuto ko sa pagmumukha ni Lesly ang phone ko mas masisira pa ang mukha ng bwesit na yun.
Nag mulat ako ng mga mata at hindi ko man lang alam na nakatulog pala ako sa pamamagitan ng pagpapa-music.
Bumaba ako at naabutang ko ang isang tahimik at mga yapak ko lang ang naririnig ko. Dumiretso ako sa kusina at binasa ang nakasabit na papel sa fridge.
Wag kanang magluto at maghintay. May date kami ni Lesly.
Then the next thing i knew is cried really hard. It really hurts when the one you love is dating someone.
Pinili kung lumabas ng bahay at tinawagan si Allison.
[Hello? Are you okay]
"Pwede ba akung pumunta sa bahay mo? Baka mamatay na akosa sakit dito eh."
[Sure, ill just text you my address.]
Pumara ako ng taxi. Bakit ganito? I hate this feeling! Gusto ko munang magpahinga. Ang sakit na kasi panandali.an lang to at babalik din ako sa kanya.
"Ma'am nandito napo tayo." Binayaran ko muna si Manong driver bago ako bumaba. Nasa tapat ako ng isang malaking bahay na at gate na color black. Nag doorbell ako at sumalubong sakin ang ngiti-ngiting si Allison.
She hugged me i can feel her tummy its kinda hard kaya bahagya akung lumayo sa kanya at tinitigan ang tiyan niya
"Spicy Chicken! You're pregnant?!" She fake smile and nodded. Pinapasokniya ako sa bahay niya bago siya nag explain sa lahat ng nangyari kanya.
"Im 3 months pregnant and guess? You're bachelor cousin is the father." Pananganga ako sa sinabi niya.
"Sino?"
"Zalh Hunters." Natulala ako sa sinabi niya at hindi ko magawang igalaw ang katawan ko. like how? paano nangyari yun?
" What happened to you leg?" Tanong nito sakin ng makita nito ang itsura ko. Inilalayan ako nitong pumasok sa bahay niya at pinaupo sa couch.
"Nadapa lang ako. Hindi ko alam na magiging ganito pala ako ng dahil sa simpleng dapa lang." Ilie and i hope she'll buy it.
"ahh ganon ba" Sagut nito sakin na para bang hindi ito naniniwala.
"So my cousin?" and then she rolled her eyes and sigh. Resting her back to couch while caressing her tummy.
" Yeah, its very unexpected. Nakakatawa diba? sa lahat ng tao ay sa pinsan mo pa talaga." Tumawa ito habang nakatitig lang sa kisame.
"Well, may mga bagay talaga na mangyayari na hindi natin inaakalang mangyayari." Then we both laugh.
Nasa kusina na niya kami ngayun at kasalukuyan syang nagbabake at ako naman ay nakaupo lang sa stool.
" Allison can i ask something?" She glanced at an nod while mixing the ingredient in the mixing bowl.
" Bat ang bait mo sain kahit inagaw ko na sayo ang lalaking mahal mo" I ask. I think this is the right time to talk about that thing kasi kami lang namang dalawa dito sa bahay niya eh.
"At first nagalit ako. well sino ba ang hindi diba? boyfriend ko siya pero sa iba siya ikakasal. But when i saw you, my anger just vanish when i see through your eyes that you really love him. Then i came to realize that you did that because you love him and your parents wanted it too."
" Ikaw? bakit hindi mo ako sinugod nong tumira na ako sa bahay niyo? i thought you will explode like a boom but i was wrong." she chuckled lightly.
" Because i dont have any rights. Ako ang sumingit sa relasyon niyo kaya ako ang nag adjust. Sapat na kasi sakin na makitang masaya si Aslin kahit hindi sakin basta't nakatira alng kami sa iisang bubong. I know that it sounds crazy but i just cant let him go. I'm just so inlove with him." I know sadness is now visible in my eyes but i dont care. Im too tired to pretend that Im okay and Im happy.
"Oh let just cut this crap yknow?" She laugh. Lumakad ito palapit sakin at nabigla ako ng yakapin ako nito.
" Lets just forget that thing and lets start a new." I hugged her back and nodded.
******
Sa bahay na niya ako natulog kasi ayaw ko namang umuwi kasi magiging kalbaryo na naman ang buhay ko. Kahapon din ay napag-isipan namin ni Allison na bisitahin ang kapitd niya sa Nebraska na kasama ako at pumayag naman ako dahil nandon din naman si Eran eh.
"Hey! Tulala ka ata?" Nabalik ako sa wisyo ko ng nagtanong si Allison na nasa tabi ko.
"Wala. Gusto ko lang malaman kung sa pagbalik ko ba ay mahal naba ako ni Aslin." Ngumiti ako nang napakapait. Tubi naman siya sakin at ningitian ako.
"Baka sa mga oras na 'to ay hinahanap kana pala niya at narealize niyang importante ka pala."
"Hahaha. That fast eh? Impossible, Lesly's staying at his house. I think he wouldn't bother looking for me." Mahina naman niyanh tinampal ang braso ko bago tumawa.
"Ano kaba. Look at you! You're a devil before you meet him and now you're a living angel- Oops! Don't ask me why i know that you're a devil before." I slowly nodded and sigh. Pano ko kaya nakayanang maging mabait eh sa una pala ay mas demonyo pa ako kay Ian noon? Pag-ibig nga naman, nakakapagbabago sa lahat.
"Wait- Diba may tattoo ka sa lower back mo? Patingin naman o." Yes i have tattoo. Hindi lang isa kundi dalawa.
"Here." Pinakita ko sa kanya ang tattoo kung arabic na ang meaning ay 'Devin Fire' at pinakita ko din sa kanya ang nasa upperback ko na natatakpan ng buhok ko. Ang nalagay naman nito at A. LOVE ME PLEASE.
"Alam mo ang hilig niyong mga Hunters sa tattoo, Si Ian ay may tattoo rin pati na si Zalh at Jurine." Andami talagang alam ng babaeng to. Pero ang tattoo ni Zalh ay nasa bundang ano niya! Tinignan niya ba?!
"Tinignan mo ang ano ni Zalh!" Napasigaw ako dahil hindi ko akalain na titignan niya! Alam ko dahil sinabu sakin ni Jurine ito dati eh.
Tumawa naman siya ng mahina." Ani kaba! Makikita mo naman eh pwera nalang kung ni r**e ka o isinapilitang gawin yun sayo." I fake smile para hindi niya malaman ang nangyari samin ni Aslin. Tumawa lang siya ng tawa ang cute niya tuloy.
"Tumigil ka nga sa kakatawa diyan baka makapanganak ka ng shukoy ng wala oras!" Asik ko sa kanya pero mas tumawa pa siya ng malakas.
"Hay! Lets eat im starving !" Ginamit pa ng bruha ang brazilian accent niya.
"Kakakain lang natin kanina ah? Gutom kana? Sabihin mo nga sakin Ally, baby bayang nasa tiyan mo o Anaconda?" She 'tsk' bago niya ako hilahin palabas ng bahay niya. Pinatigil ko naman siya ng akmang bubuksan na niya ang kotse niya.
"Magbibihis lang ako sandali okay? Naka sleeveless at jogging shorts at rubber shoes pa ako eh." Kakagaling ko lang kasing mah gym sa bahay niya eh. Umiling iling lang ang bruhilda at full force akung pinapasok sa kotse niya. Tsk! Kung hindi lang ito buntis eh kanina ko pa ito sinipak takraw!
"San tayo kakain, buntis?" Tanong ko sa kanya ng nagsimula nasiyang magdrive.
"Eh kung sabunutan kita?" Natatawang saad niya kaya napatawa nalang din ako." Pizza House tayo kakain! My gawd gusto kunang kumain..." Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siyang umiiyak.
"Hoy anyare?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.
"Gutom na ako...." Mga buntis talaga napaka emotional! Tinawanan ko nalang siya at inon ang radio sa kotse niya.
*-*-*-*
"Hindi kapa busog?" Ikatlong tanong kuna ito kay Ally pero walang humpay parin ito sa pagkain. Suminyas muna siya bago sumagot.
"Tapos na, ang sarap ng pizzashit!" Tumawa siya ng napakalakas kaya nag-sitinginan ang mga tao samin pero tong si Allison ay tumawa lang ng tumawa.
"Happy..." Bigla naman akung natigilan at pati narin si Allison na tumawa. At ang sumunod na nangyari ay kinaladkad ako ni Aslin palabas at sa pilitang isinakay sa kotse niya.