Dumating na ang araw na pinakahihintay ko… Ang kaarawan ni Senyorito! Excited akong bumangon sa aking kama. Dumiretso ako sa aking banyo upang maligo na. Gusto ko na sanang batiin sa text si Senyorito pero mamaya na lang dahil ayaw kong malaman niya na alam ko ang birthday niya ngayon. Baka makahalata pa siya sa sorpresa namin mamaya sa kanya. Kakatapos ko lang maligo. Habang nagsusuklay ako ng aking buhok ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Senyorito. “Hello, Anthony…” “Good morning, baby. I have news for you…I’m going home later...” Napatili ako sa saya. “Talaga? Anong oras ka ba ba-biyahe?” He chuckled sexily. “After lunch. Are you that excited to see me? Hmm?” “Oo, Anthony. Pag uwi mo…” huminga ako ng malalim. “...pwede ba tayong mag usap?” “Baby, nag uusap na tayo ngayon, h

