Chapter 12

1946 Words

Pag alis ni Senyorito ay inayos ko kaagad ang pinamili niya. Nagtabi din ako ng prutas sa dahil sobrang dami niyang binili. Ibibigay ko ito sa mga kapatid ko mamaya para may makain silang merienda. Naglagay na din ako ng karne ng baboy, manok at isda para may mailuto na ulam si nanay. Ang mga karne na natira sa akin ay muntik ng hindi magkasya sa ref ko kaya ang iba ang binaba ko muna at iyon na lang ang uunahin kong iluto. Nang matapos ako sa gawaing bahay ay naligo na ako. Hinihintay ko na lang si Senyorito na makauwi upang makain na kami ng tanghalian. Nagsusuklay ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Napakagat ako ng labi. Kinabahan ako akala ko si nanay na naman at manghihingi ng pera pero nakahinga ako ng maluwag ng makitang unregistered number ito. “Hello?” Hindi na ako nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD