Pagkatapos ng isang oras nilang pag uusap ay pupunta kami ng rancho upang makita ni Senyorito ang maliit na problema doon.
Nauna ng lumabas ang dalawa. Pero bago kami sumunod sa kanila ay nagbilin siya sa akin. He looked at me straight from the eye and then he looked at my cleavage. Napasinghap ako.
“Ayusin mo ang uniporme mo bago ka lumabas. Ako lang dapat ang makakita niyan dahil ako lang ang aakitin mo, hindi ba?”
Tumango ako. Nanginginig ang kamay ko habang inaayos ang butones. Nang matapos ako ay saka lamang naglakad palabas si Senyorito.
Napanguso ako habang nakatingin sa kanyang likuran. Bakit parang wala lang sa kanya na aakitin ko siya? Hindi ba dapat ay magalit siya dahil napagkakamalan siya na bakla ng kanyang ina?
Huminto siya sa paglalakad ng makarating kami sa harapan ng Rancho.
“Maiwan ka muna dito. May titignan lang kami sa loob.”
Tumango ako sa bilin ni Senyorito. Tinitigan niya ako ng ilang sandali bago siya sumunod kina Paul.
Nang makaalis na sila ay tumulong na lamang ako kina Aling Bethy na magluto ng tanghalian ng mga tauhan.
Habang tumatawa ako sa biro ni Lina na isa sa mga kasama namin sa pagluluto ay nakita ko si Senyorito na nakatitig sa akin habang nakahalukipkip.
Ngumiti ako sa kanya. Dinilaan niya ang ibaba niyang labi at muli siyang humarap sa kanyang kausap.
Bumalik ako sa pakikipagkwentuhan kay Lina dahil kinukwento niya ang nangyari kagabi sa paborito kong teleserye. Hindi ako makapanood dahil nasira na ang lumang tv ko.
“Bakit ka nga pala nandito ngayon, Maddie? Dito ka na ba magtatrabaho simula ngayon?”
“Hindi, Lina. Inutusan ako ni Senyora na maging personal na katulong ni Senyorito.”
“Talaga!?” Nagulat ako ng pinagpapalo niya ako sa aking braso. Para siyang uod na binudburan ng asin. “Napakaswerte mo naman kung gano’n!”
Natawa ako. “Paano naman ako naging swerte?”
“Ang swerte mo dahil araw araw mo siyang makikita at makakasama!” sambit niya na para bang napakalaking bagay nito sa ating buhay.
“Eh, nakikita niyo din naman siya dito, hindi ba?”
“Madalang lang pumunta dito si Senyorito dahil marami ang gustong kumuha ng atensyon niya,” tumango ako sa sabi ni Elena.
Pero hindi nag paawat si Lina sa imahinasyin niya. “Ibang iba pa rin kapag palagi mo siyang kasama. Napaka gwapo ni Senyorito, napakanda ng katawan at bonus pa na mayaman! Ang daming nagkakagusto sa kanya pero ilag siya sa mga ito. Kung ako lang ang nasa katayuan mo… baka naghubad na ako sa harapan niya at magpabuntis upang matali na siya.”
Nagtawanan ang mga nakarinig sa kanya. Kalat kasi dito ang balita na patay na patay siya kay Senyorito kaya tuwang tuwa ang ilang matatanda kapag ganito ang usapan.
Pero ako ay napakagat ng labi at tumahimik dahil iyon naman talaga ang tungkulin ko.
“Ikaw ba, Maddie ay hindi naga-gwapohon kay Senyorito?” tanong ni Elena.
Lumingon ako kay Senyorito. Napangiti ako ng nakita ko siya na nakangisi sa kanyang kausap. “Naga-gwapohon din... Lalo na kapag sa malapitan ay para siyang artista…”
Nahiwayan ang mga dalagang kausap ko. Mas lalo akong namula.
“Hoy, Lina,” tawag ni Aling Bethy sa kanya. “Huwag mo ngang binibigyan ng malisya yang trabaho ni Maddie. Ikaw talaga napaka malisosya mo…”
Napairap si Lina sa hangin kaya napatawa ako ng malakas. “Si Nanay talaga, napaka KJ!”
Nag set up sila ng papag sa ilalim ng puno ng mangga dahil masarap daw ang simoy ng hangin dito sa labas kaysa sa loob.
Nagkita ko na nakaupo na sa isang lamesa si Senyorito. May kausap pa rin siya at nakikinig lamang siya.
Ang iba ay tumayo na at kanya kanya na sila sa pagkuha ng pagkain. Kumuha na rin ako ng pinggan at nilagyan ko ito ng kanin at ulam. Kumuha na din ako ng tubig.
Nanlaki ang mga mata ni Senyorito ng masulyanapn niya akong papalapit sa kanya. Tumayo siya at kaagad na inabot ang pinggan na dala ko bago pa ako makalapit sa kanya.
“Pagkain mo, Senyorito.”
Tinitigan niya ng ilang sandali ang pagkain sa pinggan bago bumalik ang mata niya sa akin. “Ikaw, saan ka kakain?”
Tinuro ko ang pangalawang papag mula sa kanyang lamesa. “Doon na lang ako kakain kasabay nina Lina.”
Ngumiti siya.
Muntik ng nalaglag ang puso ko dahil sa kanyang ngiti. Ibang iba ang ngiti na binigay niya sa akin kumpara sa mga kausap niya kanina.
Tumango siya at ituro ang pinggan. “Salamat dito…”
Napaubo ako bago tumango. Umalis na ako bago pa ako mapahiya sa harapan niya.
Natapos ang isang araw na nandito lamang kami sa rancho. Paminsan minsan ay nahuhuli ko na hinahanap ako ni Senyorito. Kapag hindi niya ako makita ay itinataas ko ang kamay ko.
Kapag naman na nahuli niya na ang mata ko ay tumatango siya at malalim na bumubuntong hininga.
Maya maya ay nawala ulit siya sa paningin ko dahil sa dami ng kanyang kinakausap.
Pauwi na kami at tahimik kami na naglalakad ni Senyorito pabalik ng mansyon. Mabagal siyang naglalakad. Ang kanyang dalawang kamay ay nakasuksok sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon.
Mukhang sanay na si Senyorito na marami ang kumakausap sa kanya at nakikinig naman sa mga hinaing ng iba. Pero hindi pa rin maipagkakaila ng pagod sa kanyang mukha.
Dumiretso siya sa kusina at dumiretso naman ako sa aming quarters. Alas sais na kaya oras na ng pag out ko.
Nang makapag bihis na ako ay nakaupo na sa sala si Senyorito. May baso at pitsel sa center table at nasa kalahati na ng pitsel ang laman na tubig. Nakasandal ang ulo niya sa sandalan ng sofa at nakatingin siya sa itaas.
Tahimik akong lumapit sa kanya. Nilagay ko ang dalawang kong kamay sa aking harapan at pinagsiklop ko ito.
“Mauuna na ako, Senyorito…”
Lumingon siya sa akin pero hindi niya ginalaw ang kanyang pwesto. Nagkatinginan kami ng ilang sandali bago siya tumango.
Nakaramdam ako ng awa ng makita ko ang pagod sa kanyang mata.
“Hindi ka na ba maghahapunan dito?” mahina niyang tanong.
“Hindi na, Senyorito.”
“Ayaw mo ba na maghapunan dito? May pupuntahan ka?”
Napangiti ako bago umiling. Totoo na may pupuntahan ako pero hindi ko na babanggitin.
”Hindi naman sa gano’n pero libre na ang almusal, tanghalian at meryenda namin dito. Ayoko na pati ang hapunan ay dito pa…”
Napakunot ang noo niya. “Anong problema doon?”
Napangiti ako dahil alam kong hindi niya maiintindihan. “Ayoko lang na iasa ang lahat ng kakainin ko sa inyo. Ayokong umabuso…”
He clicked his tongue. Sandali siyang nag isip habang nakatingin sa akin. Nagulat ako ng tumayo siya.
“Ihahatid na kita…”
Umiling ako. “H-hindi na, Senyorito. Malapit lang ang apartment ko dito. Kayang kaya ko naman lakarin…”
“I insist. I…” napahinto siya ng tumunog ang telepono niya. Kinuha niya ito. Malalim siyang bumuntong hininga. “f**k…”
“Mukhang may gagawin ka pa. Mauuna na ako.”
Napilitan siyang tumango. “Mag iiingat ka sa pag uwi mo.”
Napangiti ako. Tumango ako. “Salamat, Senyorito. Magpahinga ka na pagkatapos ng gagawin mo dahil mukhang pagod ka na…”
Napanguso siya dahil sa pagpipigil ng ngisi. Ngayon ko lang narealize na parang malambing ang pagkakasabi ko. Nag init na naman ang mukha ko.
“Don’t worry, baby, I will..”
Tumango ako at mabilis na tumalikod sa kanya. Napakagat ako n labi ng marinig ko ang masaya niyang halakhak.
Dumaan muna ako sa bahay nila nanay upang ibigay ang pera. Nakita niya ako mula sa kanilang bintana kaya nagmadali siyang lumabas. Hindi ko pa naabot ang kanilang gate na kahoy ay hinila na ko ni nanay papunta sa madilim na ilalim ng puno ng mangga.
Lumingon si nanay sa kanilang bahay. Naninigurado siya na walang nakakita sa akin. “Lasing ang Tito mo kaya dito na lang tayo mag usap..”
Tumango ako kahit na masakit. Inabot ko kay nanay ang limang daang piso. “Ayan lang po muna ang kayang kong ibigay, Nay. Sa sahod ko na lang po ulit ang iba.”
Tumango si Nanay kahit na alam ko na disappointed siya.
“Sige, salamat dito, anak. Mag ingat ka sa pag uwi mo..”
Niyakap niya ako ng ilang sandali at tumalikod na siya.
Nanghina ako at napahawak ako sa puno ng mangga. Nakita ko mula dito sa kanilang bintana na nagsasandok na ng kanin si Nanay at nakaupo na ang dalawang kapatid ko. Habang si tito naman ay tahimik na umiinom ng alak sa tabi nila.
Tumalikod na ako bago pa lumalim ang pag iyak ko. Naglakad na ako pabalik sa aking apartment ng kumukulo ang aking tiyan.
Nagsisisi tuloy ako.
Sana pala ay tinanggap ko na ang alok ni senyorito na doon na maghapunan sa mansyon.
Tuwing nadiyan si Tito ay halos hindi na ako ipakita ni nanay sa kanya. Hindi ko alam kung bakit takot na takot siya na makita ako ni Tito, kahit masulyapan man lang ay iniiwasan niya.
Pagdating ko sa aking apartment ay wala pala akong kanin. Sana pala ay bumili muna ako sa karinderya bago umuwi dito.
Nagpalit na lamang ako ng damit at humiga na. Hindi ko mapigilan na mainggit sa mga kapatid ko dahil may nanay na nag aasikaso sa kanila.
Nanay ko din naman ang nanay nila pero hindi ko maramdaman.
Kinabukasan ay naabutan ko si Ella sa quarters namin. Naghubad ako ng damit sa harapan niya. Sanay na sanay na kaming magbihis kahit na nasa harapan namin ang isa’t isa dahil pare pareho naman kaming mga babae.
“Ang ganda naman ng suot mong bra!”
Tumango ako. “Bago lang ito…”
“Ayan ba yung bagong bili mo kay Lina, doon sa brochure? Ganyan din ang bili ko pero kulay pink! May kapartner na panty ‘yan ‘di ba?”
“Oo, maganda at saktong sakto sa akin. Kahit na may kamahalan ay sulit naman.”
Nagdadalawang isip ako na bumili ng ganitong bra dahil hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang presyo. Mabuti na lang at mabait si Lina. Pinayagan niya akong maghulog sa kanya ng dalawang buwan.
Humarap na ako sa salamin at nag umpisa na ako na suklayin ang buhok ko. Napahinto ako ng hinawakan ni Ella ang likuran ko. Hindi ko napansin na nakatingin pa pala siya sa akin.
“Alam mo, Maddie. Bagay sayo ang nakalugay,” hinawakan niya ang buhok ko. “Kung huwag mo na lang kaya itali ang buhok mo? Total naman ay nakasunod ka kay Senyorito palagi kaya hindi mo naman kailangan na mag complete uniform.”
Ni minsan ay hindi pa ako nag lugay ng buhok simula ng magtrabaho ako dito.
Matagal ng sinasabi sa akin ni Richelle na bagay sa akin ang maglugay ng buhok dahil mas lalong kumikinang ang mga mata ko. Pero dahil sa trabaho ay hindi ko magawa.
Binaba ko ang aking kamay. Pwede naman siguro akong maglugay dahil hindi naman mabigat ang trabaho ko ngayon.
Napangiti ako kay ella. “Sige, susubukan ko…”
Paglabas ko ng quarters ay bumungad sa akin si Nana.
“Nasa munisipyo ngayon si Anthony. Bilin niya sa akin na maglinis ka na lamang sa kanyang kwarto at hintayin siya doon.”
Tumango ako. “Sige po, maglilinis na lang ako habang hinihintay ko siya…”
“Patian mo na din ang comforter, punda at kubre kama niya.”
“Opo, Nana…”
Ang aga naman ni Senyorito na umalis, hindi ko ma lang siya nakita. Magtatagal kaya siya doon?
Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng panghihinayang. Iwinaksi ko na lamang iyon sa isip ko at nag umpisa na akong maglinis ng kanyang kwarto.
Mukhang nagmamadali si Senyorito kanina dahil naiwan niya sa sahig ng banyo ang kanyang damit. Nang makalapit ko sa shower ay namula ko ng nasa paanan lamang ang kanyang boxer brief.
Pinulot ko ito at mas lalo akong namula.
Naglinis na ako bago pa umandar ang utak ko kung saan saan.
Birhen pa ako at ngayon lamang ako nakahawak ng ganyan. Kahit na may naging kasintahan na ako ay hindi kami umabot sa ibang bagay.
Nahalikan niya na ako pero isang segundo lamang ang lapat ng aming labi. Gusto niyang patagalin ang halikan namin pero hindi ako komportable kaya hanggang doon lang kami.
Napahinto ako sa pagtanggal ng kobre kama.
Bakit ba simula ng magtrabaho ako kay Senyorito ay ganito na lamang palagi ang laman ng utak ko?
Bakit tuwing lumalapit siya ay namumula, kinakahaban at nanginginig ako? Anong meron sa kanya na hindi ko nararamdaman sa ibang lalaki?
Mahina kong sinampal ang aking mukha. “Hindi ikaw ang aakitin ni Senyorito, Madie. Ikaw ang mang aakit sa kanya,” paulit ulit kong binabanggit sa aking sarili.
Bumaba na ako at isinalang ko sa washer ang maduming comforter, punda at kobre kama. Pagkatapos ay bumalik na ako sa itaas.
Kumuha ako ng panibagong sapin ng kanyang kama. Nahirapan akong tanggalin ang kobre kama ni Senyorito kanina dahil mabigat at malaki ang kanyang kutson. Panigurado ay mahihirapan din akong magsapin pabalik.
Nag umpisa ako sa may ulunan. Isiniksik ko na sa isang gilid ang dulo ng kobre kama pagkatapos ay sa kabila naman. Gumapang ako papunta sa kabila.
Nakaluhod ako sa kama at nakatalikod ako sa pinto. Nakaangat ang aking pwetan dahil nahihirapan akong isiksik ito dahil sa mahigpit ang garter. Sana pala ay bumaba muna ko para hindi ako mahirapan.
Bababa na sana ako sa kama pero biglang bumukas ang pinto. Sa bilis ng paglingon ko ay mukhang nasaktan ang leeg ko.
Napasinghap ako at hindi makagalaw ng nakita ko si Senyorito sa pinto hawak niya ang doorknob na nakanganga at hindi din makagalaw sa gulat.
Ilang segundo kaming nagtitigan at hindi gumalaw. Maya maya ay napagtanto ko na hindi maganda ang pwesto ko!