"Anong balak mo sa akin Luke? Ipapatubos mo ba ako kay Calvin?" Nanunuyang tanong niya bigla dito, nasa kaligitnaan na sila ng pagkain at kulang na lang ay subuan siya nito. Napatigil ito sa pagnguya at bumaling ang tingin sa kanya. He was frowning. "He bought you for 1 million dollar right?" Mapaklang tanong nito at saka nakita niyang biglang nagdilim ang anyo nito. "Yes he did." Tipid niyang sagot dito at inaarok ang magiging reaksyon nito. Napasuntok ang kamao nito sa lamesa pagkarinig ng sagot niya na siyang ikinagulat naman niya kaya nakaramdam siya ng munting takot lalo nung makita niyang napatiim bagang ito. "I will call madame x and I double you're price." He said coldly and stand up, hindi na nito tinapos ang pagkain. Napamaang siya sa tinuran nito at sinundan ito ng tingin

