Nandito ako ngayon sa Hospital kasama ko si Jenie sa loob ng private room ng mama niya at ang papa naman niya ay nasa ICU. Tulog ngayon si Jenie,gising ako dahil inisip ko kung hinahanap ako ni Romulus.Huminga muna ako ng malalim bago ko ipinikit ang aking mata. Aalisin ko muna sa isip ko si Romulus.Wala pang ilang minuto ay may kumatok na sa may pinto kaya napamulat ako. Napatingin naman ako kay Tita at Jenie na kapwa masarap ang tulog.Dahan dahan akong tumayo para hindi magising si Jenie. Dahan dahan ko ding pinihit ang sedura ng pinto at binuksan ito ng kotse lang,sinilip ko kung Sino ang nasa labas,nilakihan ko agad itong bukas ng makita ko'ng si Blade iyon. "Hi."bati nito at nakataas pa ang isang kamay habang ginagalaw ang mga daliri."Can we talk?" Tiningnan ko Muna Yung dalawa

