Nandito na ako sa school pero nasa isip ko parin ang ginawa namin ni Romulus two days ago at kakapasok ko pa lang ngayon dahil masakit ang boung katawan ko kina-umagahan dahil inangkin niya ako ng paulit ng gabing iyon.
"Girl, tulala ka na naman? Sinaktan ka ba niya?" nagaalalang tanong ni ngumiti ako sa kanya to assure na okay lang ako. Medyo mahapdi pa ang pagitan ng hita ko pero kailangan kong Pumasok dahil may mahalaga kaming gagawin.
"Vana, hinahanap ka nga pala ng Tita mo sa akin."sabi ni Billy.
" Bakit daw? "
" May sasabihin daw siya sayo."
Ano namang sasabihin ni Tita sa akin? Bakit ngayon pa ang tagal na tag kong nawala. Dapat ko bang puntahan?
"Billy, pagnakita mo siya mamaya sabihin mo pumunta sa Park nandoon ako mamaya." tumango naman agad si Billy.
Nandito ako sa Park hinihintay ko si Tita dahil nagtext sa akin si Billy na Papunta na daw si Tita. Natatakot ako na baka kasama niya si Tito pero alam ko namang may bodyguard na nakasunod sa akin pero hindi ko alam kung Alin dito.
Napatayo agad ako ng makita ko si Tita na naglalakad papalapit sa akin buti nalang hindi niya kasama si Tito.
Na gulat nalang ako ng yakapin ako nito.Na para bang wala siyang binalak na masama sa akin.
"Ang tagal kitang hindi nakita." simula nito.
"Ano po ang paguusapan natin, Tita?" tanong ko agad kaya naman nawala ang ngiti nito.
"Tungkol sa Tatay mo." nagulat ako pero hindi agad ako nagsalita dahil alam kong kondisyon siyang sasabihin. "Yan pa lang ang sasabihin ko pero kong may konting pera ka diyan pang bili lang ng gatas ng pangkin mo."dahil gusto kong may malaman tungkol sa papa ko ay inilabas ko ang wallet na galing kay Romulus at kumuha doon ng isang libo at ibinigay sa kanya sumisilip pa siya sa wallet ko kaya medyo inilayo ko ito sa kanyan.
Nagbigay ako dahil kailangan ng gatas ng mga pamangkin ko may awa namana ako dahil kamaganak ko parin sila kahit papaano at walang kasalanan ang mga pamangkin ko.
"Mukhang ang ganda ng buhay mo, ah saan ka nakabingwit ng mayamang magagatasan?" napairap nalang ako dahil sa sinabi nito. "Tungkol sa Tatay mo hinahanap ka pero hindi ko na isabi kung nasaan ka dahil umalis ka naman sa bahay."
Pagkatapos naming magusap ay umuwi na ako sa bahay ni Romulus. Naglakad lang ako pagbaba ko jeep at may mga babae sa labas ng gate ng mansyon ni Romulus mukhang mga mayayamang tao.
Ano naman kayang ginagawa nila dito?
Pinagbuksan naman ako ng guard ng gate Napatingin naman sa akin yung mga babaeng nasa labas ng gate ng mansyon.
"What? Siya pinapapasok niyo? Tapos ako hindi?" maarteng sabi ng isang babae.
Hindi siya pinansin ng guard pumasok nalang ako sa loob ng gate. Nandito ata si Romulus dahil mas domoble ang guard na nakapalibot dito sa bahay.
Naglakad ako papasok sa loob ng mansyon at pumunta agad ako sa kwarto ko. Muntik pa akong mapatalon sa gulat dahil nandoon si Romulus nakahiga sa kama ko.
"I've been waiting for you, where have you been?" tanong nito sa akin at naupo sa kama.Hindi naman ako makatingin sa kanya ng maayos dahil naaalala ko ang ginawa namin diyan sa kama niyang hinihigaan.
"Diyan lang kinausap ako ni Tita." sabi ko.
Inilagay ko naman ang bag ko sa sofa at hinubad ang sapatos na suot ko ay Inilagay ito katabi ng tsinelas na gamit ko dito sa kwarto ko.
"I have a surprise for you." Napatingin naman agad ako sa kanya. Gumastos na naman siya sa akin.Sana naman hindi mamahalin para mabayaran ko agad pag naka pag trabaho ako.
"Ano yun?" tanong ko at itinuro niya ang walk in closet. Pumasok ako doon para makapagpalit na din ng uniform ko.
Nanlaki ang mata ko ng may makita akong dalawang aso doon na Syberian husky at Golden retriever na naglalaro sa loob ng walk-in closet ko.
"Do you like it?" tanong ng boritong boses na nasa likuran ko.Tumango tango naman ako at nilapitan ang mga aso."What would you name them?"
Napaisip naman ako kung ano ang ipapangalan ko sa kanila. Galing sila kay Romulus Gabriel kaya ang papangalan ko sa kanila ay Rom at Gab.
"Eto si Rom." hinawakan ko ang husky sa ulo nito. "At ito naman si Gab." inilapit ko naman ang Golden retriever na lalapit sana kay Romulus.
"Are you kidding me?" nakataas ang isang kilay na habang nakatingin sa akin. Natawa naman ako sa itsura niya nakaupo na ako sa sahig dahil nilalaro ko ang dalawang tuta.
"Sa kanila ka naman galing kaya dapat sa kanila ka i-pa-pangalan." sinamaan naman niya ako ng tingin. "Bakit ayaw mo ba?"
"How about you name the husky and I will name the golden retriever." suggest naman niya at naupo na din sa tabi ko.Binuhat nito ang golden retriever. "I will name you Xena."
"Sige papalitan ko na ang Rom ano nalang Ace."
Nagkasunod naman kami sa pangalan ng mga aso kaya kinabukasan ay pumunta kami ng pet store para makabili ng mga kailangan ng mga tuta.
Nasa iisang sasakyan lang kami nila Romulus habang yung dalawang tuta naman ay nasa backseat naglalaro. May kasama parin kaming bodyguard nasa unahan namin yung isang sasakyan na may mga bodyguard. At may isa pang sasakyang nasa likuran namin.
Kaya napapaisip ako kung gaano ba kadelikado ang buhay ni Romulus tuwing aalis siya kailangan pa ng maraming bodyguard marami ba siyang kaaway o kailangan lang niyang magingat dahil bilyonaryo siya.
Pagpasok namin sa pet shop ay na alerto ang may ari ng shop buhat buhat ko si Ace at si Xena kay Romulus.
"Goodmorning, Sir, Maam, Ano po ang mga Kailangan ng alaga niyo?"
"Things for the dogs."
Binigyan naman niya kami ng Food and Water container, food Canned, Collar, 6-foot leash, dog bed, doggy shampoo with conditioner, Plastik poop baggies at Kung ano ano pa. Jusko mga nasa sampung libo ang nagastos ni Romulus para sa mga asong ito.
Hindi na kami dumaan sa vet dahil kakukuha pa lang nito kahapon kaya umuwi agad kami. Pagdating namin sa mansyon ni Romulus ay may mga babae na naman.
Pag bukas ng gate ay papasok sana ang mga babae kaya lang ay na harangan agad sila ng mga guard.
Lumabas ako at si Romulus ng kotse kinuha ni Romulus ang binili niyang double stroller para sa dalawa at inilapit ito sa akin. Inilagay ko naman si Xena at Ace doon.
Siya ang nagtutulak nun habang nakatingin sa amin ang mga guard nila tapos may Lumapit na guard kay Romulus.
"Sir, nandito po ang mga kaibigan niyo." tumango lang sa kanya si Romulus at patuloy na tinulak ang stoller dala ko naman ang ibang mga gamit ng mga aso.
"Gab, may friend pwede bang dito muna kami? I can't stay in hotel." sulubong sa amin ng mga limang kalalakihan.
"Gab, ang dami mong chicks sa labas baka naman pwede niyong papasukin, alam mo na." kumindat ang ito kay Romulus.
"Ano yan?" tanong ng isa na nakatingin sa aso. "May kasama ka pala."
Tumingin sila sa akin pero hindi sila pinansin ni Romulus nagdire-deretso kami Papuntang kwarto ng mga aso. Maliit lang naman yung spasyon parang kasize lang ng mga kwarto sa maids quarter.
Nakasunod din naman ang bg na dala ang ibang mga gamit ng aso. Ibinaba ni Romulus ang dalawang aso sa kwarto nito. Inilapag naman ng mga ito ang mga dala nila.
"I will fix the baby gates." Sabi niya at inilabas sa lagayan ang gates na binili niya. Nagsipasukan namana ng mga kaibigan niya.
"I'm Zyder." pakilala ng isa sa akin.
"Vana." sagot ko habang inilalabas ang ibang gamit ng na bili namin.
"Blade." itinaas pa ng isa ang kanilang kamay.
"Charl." yung isa na tinitingnan ang gamit na bili namin.
"Rey." nakatingin lang siya kay Romulus na nagaayos ng gate.
"Miguel." sabi ng isang lalaki na nilalaro si Xena at Ace.
Pagkatapos naming ayusin ang kwarto ng aso ay bumama na Yung lima Kasama si Romulus.Kaya ako naman ay pumunta sa kwarto ko para makapagpalit.
Pagtapos ko namang magpalit ay tinawagan ko si Jenie para isabi sa kanya na hinahanap ako ng Papa ko.
"Alam mo magpatulong ka sa future husband mo na tulungan ka tungkol diyan sa papa mo." suggest naman niya.
Napagulong naman ako sa kama ko at tumitig sa kisame.
"Sige, hihingi ako ng tulong sa kanya."
Nang matapos ang tawag niya ay bumama ako dahil kakain na kami.Dati tuwing kumakain kami ni Romulus ay tahimik lang kami pero ngayon sobrang ingay ng mga kaibigan niya.
Nagaasaran pa sila na parang hindi sila businessman. Kaya pagkatapos naming kumain ay nauna akong pumunta sa kwarto ko dahil magiinuman daw muna sila.