"Maayos na talaga ang pakiramdam mo?"nagaalalang tanong ni Blade sa akin. "Oo, dalawang araw mo na akong pinahilata sa private room na Yun, ang mahal tuloy ng babayaran mo."masungit na saad ko sa Kanya. "Barya lang Yun kay Romulus."tinaasan pa ako nito ng kilay. "Alam ko ay Pupunta kayo Sa US para doon ang honeymoon niyo, may bahay niya doon."pagku-kwento nito, tumango lang ako sa Kanya. Gising na din si Romulus at gusto ako nitong Makita kaya Hinayana na ako ni Blade na lumabas ng kwarto. Dalawang araw na din Hindi bumibisita ang Tatay ko dito hahanapin niya daw ang nag send sa Kanya ng package at pagbabayarin niya ito. "Blade." mahinang tawag ko sa Kanya kaya napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin na parang hinihintay ang sasabihin ko."Yung Mommy ni Keno, bumalik na ba

