Natulala ako habang nakikita ang tambak na trabaho na nakapatong sa lamesa ko. Hindi ko inaasahan na magiging ganon kadami pagkatapos kong umuwi ng maaga noong Friday para maka-attend ng birthday party ng isang ka-trabaho na ginanap sa isang bar at hindi ko akalain na sa isang hapon na pagkawala ko ay matatambakan ako ng ganito karaming trabaho. Mukhang mapapa-overtime pa yata ako neto, ah.
These papers are stack of financial reports and my job is to read them, look if there’s error and ask the one who made the report to revise and re-submit to me because I have to read it again in order to submit it for the CEO’s approval. It might seem as an easy job but it’s not. It’s mentally draining. Well, all jobs are tiring naman.
Binuksan ko ang office computer at tinype and password na FELIX_IS_USELESS. Do I hate him that much para gawin kong password ang pagiging walang kwenta niya? Hindi naman, but it’s kind of fun. Itinipa ko ang letra ng may buong lakas bago ginawaran ng isang tingin ang glass office na nasa harap ng akin. This building is made of glass. Ang yaman naman ng kompanya nila para ma-afford ang mga materyales sa paggawa nito.
This is a fifteen storey building. All are made of glasses, well except sa mga room partitions, kitchen, and rest rooms. Hindi na kailangan pang maglagay ng bintana dahil salamin naman at kitan-kita mo ang buong syudad kapag lumapit ka sa mga salamin. Ultimo araw, ulan, at kidlat ay makikita mo kahit hindi ka lumabas.
Dahil nga gawa sa salamin ang opisina naming dalawa ay hndi sikreto ang kung ano ang ginagawa ng isa sa opisina nya, maliban nalang syempre kapag magbabanyo. We have a distance of like 5 meters pero kahit ganon ay nakita ko ang pagkakakomportable nyang pagka-upo sa swivel chair habang tinitingnan din kung ano ang ginagawa ko kaya bago ko ibinalik ang tingin sa computer, I raised and eyebrow and rolled my eyes at him. Not even five minutes after, ay narinig ko ang pag-beep ng computer hudyat na may e-mail ako. Hurriedly, binuksan ko iyon sa pag-aakalang isang importanteng business email iyon kaya napabuga nalang ako ng hininga nang nakita ko ang username ni Felix.
From: Felix Jayden Aragon
To: Me
What are you rolling your eyes at, Shy?
Madami ba siyang oras para makapag-email pa siya sa akin ng mga walang kwentang bagay? Kaya, ganoon nga inireply ko sa kanya.
Reply to: Felix Jayden Aragon
Do you have so much time, Felix? If that’s the case, can you help me with this so that I can finish fast and go home early?
From: Felix Jayden Aragon
To: Me
Not even in you dreams, Shy. Was I the one who left early on Friday just to attend a party? Of course not, so suffer now Shiloah.
Reply to: Felix Jayden Aragon
Why do you know so much about my whereabouts? Hmm. Maybe you’ve got plenty of time in your hands, Felix, dahil nagawa mo pa talaga akong i-stalk.
From: Felix Jayden Aragon
To: Me
Lol. You're funny. Hindi mo naman sinabi sa akin na pangarap mo palang maging clown. Patawa ka eh. I would rather lose sleep because of working than follow you in your unworthy adventures, Shiloah. Work now quickly because you’ve got a deadline, if I am not mistaken, and the time is ticking.
His reply made me laugh without humor. Siraulo ba siya? Kung hindi niya sana sinasayang ang oras ko sa pag-I-email niya, hindi ba? Pero bakit nga ba naman ako nagrireply din. Ewan! Muli, ay sinulyapan ko ang gawi niya at nakita ko ang multo ng ngiti sa kanyang mga labi habang itinuturo ang kanyang wrist watch, hindi ko man marinig ang boses nya ay nakikita ko naman sa galaw ng mga labi ang pagmitlang niya ng tick-tock-tick-tock.
“Ang yabang mo,” I mouthed, bilang ganti. You won today, Felix. Bukas ako naman.
Kaya ganoon ng ang ginawa ko, iginugol ko ang buong umaga sa pagbabasa ng mga reports. Napapabuntong-hininga nalang ako na marami and dapat ayusin. Maraming aayusin, ibig sabihin, maaatras na naman ang pagsubmit ko nito kay Ms. Allona! I have to visit her office later this day.
Sumakit ang batok ko dahil sa walang pahinga kong pagbabasa. Malawak ang 10th floor, may apat na glass offices. Dalawa dito ang opisina namin ni Felix at ang dalawa naman ay maliit na conference room kung saan puwedeng gamitin ng finance teams nasa floor din na ito. Bale, magkatabi ang opisina ko at ang isang conference room habang kaharap ko naman ang opisina ni Felix na katabi din ang isang conference room. Magkatabi man ang conference room at ang opisina ko ay hindi naman nakikita ng bawat isa kung ano ang ginagawa ng mga tao sa loob dahil ang partition nito ay concrete wall. Kase ang pangit naman kapag may nagmi-meeting tapos nakikita nila ang likod ko, hindi ba? O di kaya kada lingon ko ay magkatitigan kami ng kung sino man ang gumagamit noon. Edi nagtawanan nalang kami kung ganoon. Ganoon din ang pagkakagawa ng kay Felix.
Mula sa opisina ko ay tanaw dito ang mahigit tatlumpo’ng cubicles at lahat ay okupado ng mga empleyado. Kalahati sa gumagamit noon ay nagrereport sa akin at ang kalahati naman ay kay Felix. Dahil nga hindi naman sa amin ang building na ito ay napapansin kong hindi masyadong nakikihalubilo ang mga empleyado namin sa empleyado nila Felix. Nag-iiwasan ang bawat isa. Ang awkward no’n, hindi ba? Baka na-aapektuhan ng work environment ang efficiency ng mga tao kaya ba halos palpak ang naipasa nilang report? Kahit two years na kaming nagre-resdide dito ay siguro hindi padin talaga sila nakakapag-adjust ng tuluyan. Hays. I really need to talk this out with Ms. Allona.
Napansin kong kumakain na ang ibang employees kaya napagpasyahan kong pumunta sa office kitchen na nasa left wing, kung nasaan banda ang office ni Felix. Hindi pa ako nakakalapit ay sinalubong na ako ni Agnes, isang employee na palaging late ang reports. Bakit ba to lumalapit ngayon sa akin? Siguro ganoon na naman ang hihingiing pabor.
“Hi, Shy. Magtitimpla ka ba kape? Samahan na kita!” si Agnes. After she said that, she clung her arms to mine as if we are best friends.
“Uh…” hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay biglang siya na ang nagsasalita.
“You know, Shy, I have a favor to ask sana, eh. Kase di’ba we were hanging out together last Friday? Marina and our other friends decided to extend the party until Sunday. Naturally, uminom kami at nagpakasaya. Actually, hangover pa rin nga ako hanggang ngayon, eh, kaya lang pinilit ko nalang talaga ang sarili ko na pumasok today,” dire-diretsong kwento ni Agnes habang kinuha nya ang instant coffee at nilagay iyon sa coffee maker. Parang alam ko na kung yata kung saan papunta ito.
Tinitigan ko lang siya at hindi sumagot. Nilingon niya ako at nginitian pagkatapos ay kumuha ng dalawang mug sa cabinet na sa may uluhan niya banda saka pinagpatuloy ang sinasabi niya.
“So ayun nga, Shy. I wasn’t able to do the report na ipapasa sa’yo because I was busy and my head is pounding right now so I don’t think na magagawa ko rin iyon ngayon. I’m telling you this because I am hoping na you could extend the deadline for me? We’re friends naman, hindi ba?” Agnes said in a pleading and soft voice.
Sa totoo lang, hindi ko gusto na palagi nalang siyang nanghihingi ng pabor na ganito kase nahihirapan din ako dahil may hinahabol din akong deadlines. But I don’t have a heart to say no to people. I was planning to say something but before I could do that, the man who entered the kitchen answered before me.
“Shiloah have plenty of things to do, Agnes, so she can’t do that for you,” Felix interfered rudely.
Oh, gosh!