Ipinark ko ang sasakyan ko sa harapan ng coffee shop na pinakamalapit sa condo ko. Sinadya ko talagang dumaan dito. I wanted to buy something for Felix as a token of gratitude. This is my way of indirectly telling him that I am thanking him for what he did because for once, I convinced myself na isantabi na lang muna ang misunderstanding naming dalawa. Pinipili kong huwag na lang gawing big deal pa iyon. Nagkamali siya, oo, pero alam ko ding he was sorry for it already. I know it.
“Good morning, ma’am!” bati sa akin ng cashier.
“Good morning! Can I have some, uhh… what is your best seller here?”
“For our pastry, we have special chocolate cookies and for coffee, our customers loves our latte macchiato.”
“Sige… I’ll have of each, please. Thank you,” ibinigay ko na sa kanya ang card ko. Hindi rin nagtagal ay ibinigay na sa akin iyong order kaya mabiilis akong naka-alis.
Amanda and Bethany slept to my place. We just watched movies, took a whole lot of pictures, and ate whatever we could think of. It was something we can call girl’s day. Matagal tagal na rin simulang nagkasama kaming tatlo because of our different priorities in life, kaya masaya ako na kahit kaunting oras ay nagkaroon kami para sa isa’t-isa. Kahapon lang sila umuwi. Before they left, inuusisa pa ako ni Amanda kung kailan kami aalis papuntang hometown ko para daw makapaghanda siya ng mga cow girl outfits dahil nga may-ari ang pamilya ko ng isang rancho. Anyway, hindi pa talaga ako sigurado kung kailan kaya hindi ko na muna inisip pa iyon.
Masyado pang maaga kaya wala pa masyadong tao at dim pa ang lights pagdating ko sa palapag. Ang naroon lang ay iilang masipag na empleyado at isang janitor na nililinisan ngayon ang bawat sulok. Habang naglalakad ay tiningnan ko ang hawak ko at napatigil sa harap ng pintuan ng opisina ko, iniisip ko kung paano ko ibibigay sa kay Felix iyon.
Nang nakapagdesisyon ay pumasok muna ako saka nilapag ang coffee at cookies at naghanap ng post-it note sa drawer ng mesa. I don’t think I would be able to thank him personally because I would probably run quickly before I get to speak, or worse, magtarayan na lang kaming dalawa. So I decided to write a simple thank you note. This is the best way I can think of to thank him.
Pagkatapos kong magsulat ay ni-check ko kung maayos pa ba ang cookies, baka kasi pangit na ito tingnan dahil baka naalog ko ng hindi napapansin. Nang nakita kong okay naman kaya kinuha ko ito at muling lumabas ng opisina para pumasok sa kanya. Pagkapasok ko ay nilapag ko ang mga iyon sa lamesa niya saka idinikit ang note sa ibabaw ng box ng cookies. Lumayo ako ng kaunti para tingnan kung maayos ko ba iyong nailagay at nang hindi ako nakutento ay pina-ikot ko ang cup ng kape para mapaharap ang logo. Nang nagustuhan ko na ang pagkaka-ayos niyon ang ngumiti ako at bumalik sa trabaho ko.
Ang hirap pala kapag nasanay na na palagi na lang kaming nagtatalo. Kahit simpleng thank you nahihirapan akong sabihin...
Panay ang lingon ko sa labas dahil alas onse na ay wala pa ring Felix akong nakikita. Kanina, ay dumaan ang grupo ng mga empleyado at inayos ang conference room na nasa tabi ng opisina niya. Inayos nila iyon. Siguro maya-maya lang ay magsisimula na ang meeting nila dahil nagsisipasukan na rin ang mga iba pang empleyado na kasama doon. Napabuntong-hininga ako.
Naiirita ako tuwing iniisip na sayang ang binili ko kung liliban naman pala siya sa trabaho. Pero hindi ugali ni Felix na lumiban sa trabaho. Pero hindi din naman siya aabutin ng ganitong oras kung late siya hindi ba? Ah ewan! Wala akong pakialam kung nasaan siya. Ang tanging inaalala ko lang ay ang kalagayan ng binili ko para sa kanya. Paniguradong malamig na ang kape at maka hindi na rin maganda ang kalagayan ng cookies. Nakakainis! Basta kukunin ko nalang iyong kape at cookies dahil baka langgamin iyon, magalit pa siya at magtatalo na naman kami!
Isinantabi ko muna ang inis na nararamdaman ko at nagpatuloy sa pagbabasa ng mga reports. Sa gilid ng mata ko ay may dalawang taong naglalakad kaya nilingon ko iyon. Tingnan mo nga naman, it was Felix with a woman I am not familiar with. Sinundan ko silang dalawa ng tingin na ngayon ay dire-siretso sa pagpasok sa loob ng opisina niya. Naningkit ang mga mata ko.
“Who are you with, Felix?” I tapped my finger in the table.
Umiling ako at bumalik na lang sa kung anong ginagawa ko. Kaya lang ay lumiilipad ang utak ko sa kung sino ang kasama ni Felix. I am so much distracted na hindi ko na magawa ng maayos ang trabaho ko!
“Hay nako!” tumayo ako.
Bababa nalang ako at bibili ng pagkain tutal ay lunch naman na. Bago tuluyang makalayo ay tanaw ko na masinsinan ang pinag-uusapan nila. What could that be? Who could she be? Kliyente ba siya? Kung oo, bakit siya ang kausap? Siya ba ang authorized personnel to talk to possible clients? Hindi ko alam!
Sinamaan ko siya ng tingin nang nagtama ang paningin namin. I rolled my eyes at him. Nakita man niya ang ginawa kong iyon ay wala akong pakialam.
“Narinig mo na ba?” rinig kong mahinang sabi ng babae na nakasabay ko sa elevator.
“Ang alin?” sagot naman ng kasama niya na abala sa pag-aayos ng mukha niya sa hawak niyang salamin. Samantala ay tumingin muna sa akin ang babaeng nag-umpisa ng kwento bago sumagot ng halos pabulong sa kasama niya. Pasimple ko silang tiningnang dalawa sa pamamagitan ng repleksyon namin sa pinto ng elevator.
“Talaga ba?” napatakip ng siya ng bibig.
“Oo ‘no! Usap-usapan nga ito sa ibang floors eh.”
Saktong nasa tamang palapag na kami ay sumagot pang muli ang babae. “Nako, ano kaya ang mangyayari nyan,” sabi niya sa nag-aalalang tono. Ano kaya iyon? It looks like so many things are happening in this building at ako lang ang walang alam. Hinabol ko ng tingin ang dalawang babaeng nakasama ko sa elevator at minukhaan Binilisan ko ang lakad ko para tanawin ang I.D lace na suot nila. It says Vera Publishing. Ikinibit ko na lang balikat ko sa pag-aakalang wala na man palang kinalaman iyon sa amin.
Iyon ang akala ko dahil habang tinatahak ko ang hallway ng canteen ng building na ito ay nakikita ko ang grupo-grupong mga empleyado na parang importante ang pinag-uusapan. Halo-halo ang mga kumakain dito. Ang iba ay empleyado ng AGO, ang iba naman ay ng Vera. Meroon ding kumakain na mga visitors. Maingay man at magulo ay hindi pa rin nakatakas sa paningin ko ang mga empleyado ng parehong kompanya na serysong nakikipag-usap sa kani-kanilang kasama. Hindi ko man naririnig ay meron sa loob ko na nagsasabing kailangan kong malaman iyon. Pero hindi naman pwedeng lumapit ako basta sa kung sino lang at magtanong, hindi ba? Edi napagkamalan akong chismosa no’n! Hindi naman kasi ganoon karami ang kilala ko at higit sa lahat, kilala ko man ay hindi naman malapit ang loob ko.
“Tatanungin ko na lang si Bethany,” bulong ko sa sarili ko.
Habang kinakausap ko ang sarili ko kung gaano kalungkot ang buhay ko dahil wala man lang akong kasabay kumain ay bigla kaming nagkasalubong ni Eion na ngayon ay hawak ng tray.
“Hi!” masiglang bati ko.
“Hi! Mag-isa ka?” tanong niya sabay baling sa likuran ko para tingnan kung may kasama ba ako.
“Oo, eh. Ikaw din ba? Pwede ba akong makisabay kumain? Medyo marami kasing tao at nahihiya akong kumain mag-isa eh,” I was hoping that he would say yes and angels of God must have heard me because Eion gladly accepted my invitation.
I am an independent woman, okay? Pero hindi naman siguro masama kapag nahihiya akong kumain mag-isa diba? Besides, para naman akong loner noon. Kaya ngayon ay kaharap ko siya sa piniling mesa sa pinakadulo dahil doon na lang may available na upuan.
“’Di ba yung kaibigan mo dito din nagtatrabaho? Hindi ba kayo nagsasabay mag-lunch?” kuryoso niyang tanong habang inaayos ang pagkakalagay niya ng kanyang pagkain.
“Si Bethany? Oo. Nag-i-early lunch kasi iyon eh kaya hindi kami madalas na sabay. Pero minsan naman sinasamahan niya ako,” sagot ko naman pagkatapos ay nag-umpisa na akong kumain at ganoon din siya. Natahimik kami pareho.
“Eion, may gusto sana akong itanong e,” paunang sabi ko. I really am dying to know kung ano ba ang pinag-chi-chismisan ng mga tao dito.
“Huh? Wala akong girlfriend, kung iyon ang itatanong mo,” pabiro niya iyong sinabi pero hindi ko pa rin inaasahan kaya’t nagulat ako at napatigil sa pagkain pero agad din namang nakabawi nang nakita ko ang pagpipigil niya ng tawa dahil siguro sa reaksyon ko. Hindi ko din napigilan at tumawa din ako kasabay niya.
Alam mo iyong pakiramdam na natutuwa kang makipag-usap dahil masaya ang pinag-uusapan at pareho niyong dinadagdagan ng mas nakakatawang mga bagay kaya pareho na kayong halos hindi na makahinga dahil sa sobrang tawa? Ganoon ang estado namin ni Eion.
“I didn’t know you were so funny!”
Tumawa siya. “Ako rin, it is rare to find passionate, intelligent woman, as humorous as you…” he said.
I smiled at him.
Napatigil lamang kami nang may nagbagsak ng tray ng pagkain sa tabi ko. Malakas iyon na pati ang kabilang table ay napabaling sa amin. It was intentional, I assume, dahil nang i-angat ko ang paningin ko sa kung sino man ang gumawa noon ay nabitin ang ngisi ko sa ere nang nakitang si Felix iyon. Hindi ko mabasa ang mukha niya.
“Can we have a seat here? The cafeteria is full,” sabi niya pagkatapos ay inilibot ang paningin sa buong lugar at saka nagpatuloy sa pagsasalita, “at mukhang masaya ang piang-uusapan niyo,” dagdag pa niya habang ang paningin ay sa akin.
“Sure. Upo kayo… ng kasama mo,” pagsang-ayon ni Eion.
Kayo? Kasama? Dahil sa sinabi niya ay muli akong nag-angat ng tingin kay Felix. Sa tabi niya ay nakita kong nakatayo sa likuran niya ang babaeng nakita kong kasama niya kanina. I scanned her. Maputi ang babae, kutis porsela kung tutuusin, at mas lalo pa siyang pumuti dahil sa suot niyang puting dress na hapit sa kanyang katawan. Hanggang balikat ang buhok, matangos ang ilong, mapula-pula ang kanyang pisngi at ganoon din ang kanyang labi. Mukha siyang anghel. In short, maganda.
Pagkasabi nun ni Eion ay inayos ni Felix ang pagkakalapag ng pagkain niya at umupo sa tabi ko. Binalingan ko ang babaeng kasama niya na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin at nakayuko.
“Sit, Coraline,” utos ni Felix.
Coraline. That’s her name, huh?
Para namang robot na sumunod ang babae. Maingat niyang nilapag ang hawak niyang tray at iginawad ang paningin kay Felix na para bang mawawala ito sa paningin niya.
Siguro ay naramdaman niya ang mga mata kong nakamasid sa kanya kaya nataranta ako nang nagtama ang paningin namin at huli na para iwasan ko pa iyon. Sa halip ay pinilit ko ang sarili kong bigyan siya ng ngiti. She smiled back and slowly, nagsimula na siyang sumubo ng pagkain.
The four of us went silent. My stomach churned. Bumagsak ang paningin ko sa plato ko. Hindi pa ako tapos kumain at marami-rami pang pagkain ang natitira rito per parang nawala na ako ng gana na ipagpatuloy ang pagkain. But then it would be too weird kapag basta na lang ako umalis dito.
Wait. I remembered the coffee and cookies I brought for him! Did he saw it? What about the thank you note? I am suddenly elated about the thought pero bigla din namang nawala iyon nung nagbalik ang naramdaman kong inis. Parang sayang naman ang effort ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi makaramdam ng pagkabigo. This is actually the first time I brought something for him because before, he would turn me down every time I ask him to eat with me.
“Eion, are you done? Let’s go?” aya ko sabay kunwari tingin sa wrist watch ko. Dahil tapos naman na siya ay napatango siya. Kinuha ko ang mga pinagkainan ko pero naunahan niya ako. Siya na mismo ang nagbitbit nito para sa akin. What a gentleman. Napasulyap ako kay Felix na ngayon ay nakatulala sa tray na hawak ni Eion.
“Bro, we’ll go first,” paalam ni Eion kay Felix. “Hello, pasensya na mauna na kami. I am Eion by the way, and this is Shiloah,” magalang na baling naman niya kay Coraline. Pinakilala niya pa ang sarili niya pati na rin ako.
“Nice to meet you, two. My name’s Coraline. It’s a shame that you two finished eating already but I hope we’ll meet again next time,” malambing ang pagkakasabi niya noon. Her voice feels like a feather on your skin.
Eion smiled at her pero nauna na akong maglakad. Nang nakahabol siya sa akin ay agad ko siyang tinanong. “Who was that?” kahit narinig ko naman na nagpakilala siya.
“I don’t know as well. Ngayon ko lang iyon nakita,” si Eion.
“Huh? Akala ko ba friends kayo ni Felix?”
“Ah, hindi naman. I can’t say we’re really friends. You know, Felix is a bit stone-cold plus he is a member of the people in high society. So I think it is only right to say that we’re colleagues with a good relationship.
He is a member of what? Kung ganoon tama nga ang sabi ni Amanda na mayaman talaga si Felix?
Hindi ko na tinangka pang dugtungan ang sinabi niya. Wala rin naman akong sasabihin. Namaalam rin naman siya dahil mauunang siyang bumaba ng elevator. Nang naiwan akong mag-isa ay naisip kong didiretso ako sa opisina ni Felix at babawiin ko ang pagkain na iniligay ko doon. Wala akong pakialam kahit nakita na niya iyon, ang mahalaga sa akin ay makuha ko. Magpapanggap nalang akong wala akong ginawa. Wala na siyang magagawa pa kapag magmamaang-maangan ako.
Bago ako pumasok sa loob ng opisina niya ay nilingon ko muna kung may nakakakita ba sa akin. Baka sabihin nila nag-e-espiya ako sa mga financial reports nila, no! O hindi kaya ay may kukuhanin ako, hindi naman ako magnanakaw. Well, may kukuhanin naman talaga ako but that was mine! I bought it. For him. Pero binabawi ko na.
Dumiretso ako sa lamesa sa eksaktong pwesto kung saan ko iyon inilagay kanina pero hindi ko iyon nakita.
“Huh?” halos baliktarin ko na ang mesa niya “Nasaan na ‘yon? Dito ko lang inilagay ah?” bulong ko sa sarili ko.
Sunod kong pinuntahan ay ang basurahan, pero wala din naman akong nakitang basura so ibig sabihin hindi niya pa iyon nakain o nainom kaya nasaan na iyon? Isang beses ko pang inikot ang buong opisina. Sa huli ay tumayo ako sa gitna ng opisina niya at pinagkrus ang mga braso. Mariin kong tiningnan ang bawat lugar na posibleng paglagyan niya pero wala akong nakita.
In fairness, ngayon lang ako nakapasok dito. Maganda ha? Malinis. Minimalist ang disenyo at napapaligiran ng maraming libro. I wonder kung ganito rin ba ang ayos ng kwarto niya. I decided to stand there for a minute and admire the cleanliness of his office. Well, he really looked like a tidy person judging from his personality. Mukhang siya iyong tipo na nakahawak lang ng alikabok ay maliligo na ng sampung beses at magbababad pa sa alcohol.
Tumawa ako sa sarili kong iniisip.
I was thinking of a lot of things, you know. Katulad na lang kung paano bumagay ang interior sa loob ng kwartong iyon at ang tanawin sa labas, at ang pinaka-importante sa lahat ay kung nasaan ang kape at cookies? Kinamot ko ang ulo ko.
“What are you doing here?” parang tinambol ang puso ko nang narinig ko ang boses niya! Hindi agad ako nakagalaw. Kailangan kong mag-isip ng rason! ‘Tsaka bakit nandito na siya agad? Tapos na siyang kumain?
Ilang beses akong huminga ng malaim bago nagpasyang umikot sa gawi niya para haparin siya. I saw him leaning on the wall, crossed-arms. Tumayo ako ng maayos at pinagtaasan ko siya ng kilay. Ano na nga ulit ang sasabihin ko? Parang bigla kong nakalimutan kung bakit nga ba ako nandito. Hindi ko inaasahan na sa maikling oras ay makakabalik agad siya dito. Isa pa, bakit hindi ko naramdaman na pumasok siya? Ano siya, multo?
“Why are you here, Shiloah?” his voice demands an answer. My throat run dry as I try to find words to say to him.
“I-I… I, uhm…” I am stuttering.
Then, I came back to my senses. He should not see me panicking, or else, he’ll dominate me. Bago niya pa gawin iyon sa akin ay pakakainin ko muna siya ng lupa. Nakabawi ako. I stood confidently and cleared my throat.
“Well, may hinanap lang ako but, it looks like… wala na iyon dito.”
“What is it?” he mocked na para bang kahit hindi ko aminin ay alam na niya. I saw the faint smile he have on his lips and he’s trying to hide it. Pinaningkitan ko siya ng mata.
“Never mind,” sagot ko. Naglakad na ako patungo sa pintuan. I opened the door immediately and was ready to leave but before I could do that, I heard him say a few more words.
“I’m sorry, Shiloah…”
Sandali akong natigilan sa sinabi niya pero nagkunwari akong wala akong narinig at isinarado na ang pinto. Normal man akong naglalakad pabalik ng opisina ko, ang isip at puso ko naman ay hindi. Nagwawala ang puso ko, hindi ako makapag-isip ng maayos.