Never

2650 Words
It was two years ago when I met Felix. Iyon yung time na naglilipat na kami dito sa building nila. I was on the parking lot carrying the box of my things when we bumped each other. Was he nice the first meeting? No, tiningnan lang niya ako ng nakakunot ang noo at pumasok sa elevator. I was also heading there, but did he offer his help? He didn’t! He obviously doesn’t care. Sa paraan pa ng pagtitig niya sa akin habang papasok ng elevator, parang inaabala ko pa siya. “Tatayo ka lang ba diyan o papasok ka?” suplado niyang sabi sa akin. Dali-dali naman akong pumasok. Siniksik ko ang sarili ko sa sulok, malayo sa kanya. May kung ano siyang tinitipa sa cellphone niya kaya naman ay malaya ko siyang natitigan. I remember the first thing that I noticed in his features was his long-hair. The hairstyle that I typically see among models. His sharp jaw, pointed nose, and under his eyeglasses is a pair of upturned dangerous-looking eyes. Sa madaling sabi, gwapo siya. Kung hindi lang siya suplado, baka naging crush ko pa siya. Then I learned that he is a silent-type of guy, and very observant towards his surroundings. He knows and notices everything, even the tiniest mistake a person has made. He’s snob and sometimes, rude. Mabibilang ko lang sa mga daliri ko ang mga beses na nakita ko siyang ngumiti, halos pa doon ay mga sarkastiko. Pero kahit na hindi siya mukhang mabait, I cannot deny the fact that he is usually right. “Hi!” maligayang bati ko sa kanya isang araw noong nakasalubong ko siya sa hallway. He just nodded once and then went away. He’s not very friendly, I figured out. Still, despite of his unpleasant socialization skills, I wanted to be his friend. “Do you want to have lunch with me?” I offered Felix politely months after of we resided here. “No,” he firmly said. “Why? Do you have someone to eat with?” “No.” “Hmm. No lang ba ang alam mong isagot?" Marahas niya akong nilingon. I chuckled. "Just kidding. Then why would you not want to eat with me?” He stopped walking. “Because I don’t like you,” he simply said and turned his back to me. Napasimangot ako. He’s aloof, cold, and eccentric, and maybe that was why I took him as a challenge. But then, my pursuit of friendship with him withered away because of how frequently ignores my polite greetings and decline my simple invitations. It felt like he intentionally built a thick and high wall between us and so, I gave up. However, he became strange and annoying. He’d smirk off of my decisions, higit pa doon ay pinakikialalaman na niya ang relasyon at pagtrato ko sa ibang empleyado. Often times, he wears his bored face when he’s around people, but whenever he knows that I always do favor to other employees, that’s when he will be annoyed. “Uy, Shiloah! Kasi yung boyfriend ko may sakit. Walang mag-aalaga sa kanya. Pwede bang bukas na ako magpasa sa’yo ng report? Pwede ba? Sige na, please…” pagmamakaawa sa akin ni Kate. “H-huh? G-ganoon ba? Sige titingnan ko-” “Talaga?” putol niya sa sasabihin ko. “Nako! Salamat talaga, Shy,” hinawakan niya ako sa braso at hinila para sa isang yakap na para bang pumayag na ako kahit hindi pa naman. Ngumiti ako ng hilaw sa kanya. Hindi alam kung ano ang magiging reaksyon. Isa lang iyon sa maraming beses na pinagbibigyan ko ang hiling ng bawat tao. Although, medyo ako ang na-kompromiso, nagiging maayosnaman ang pakiramdam ko sa tuwing nakikiya ko ang mukha nila na nagpapasalamat. I see nothing wrong with it. So I don’t get why Felix gets so furious about it. I’m casually walking back inside the office after having some coffee when I suddenly heard his voice. “Pang-ilan na iyon sa buwang ito?” “What the hell?!” napahawak ako sa dibdib ko. “Anong ginagawa mo diyan?” inis kong tanong sa kanya. Mula sa pagkakasandal sa pader ay umayos siya ng tayo at pinagkrus ang mga braso. “Is that why you are friends with everyone? Kasi palagi mong ginagawa ang dapat sila ang gumagawa?” mariin ang titig niya sa akin. Napakunot ang noo ko. “It’s just a favor. Besides… w-wala naman akong ginagawa. ‘Tsaka, hindi naman madalas ah!” Mahina siyang humalakhak dahilan ng mas lalong pagkakakunot ng noo ko. May nakakatawa ba? “Ah…” tumango-tango siya. “Kaya ba madalas ang overtime mo habang sila undertime?” sarcasm is evident in his voice. For a moment, I could not speak. Because I know, deep within me, he’s right. “These people are using you for their personal gain, Shiloah…” nanindig ang balahibo ko nang binanggit niya ang pangalan ko, “Baka hindi mo alam. O baka naman alam mo pero nagbubulag-bulagan ka lang?” I gritted my teeth. “Whatever it is, I don’t think you have a say on whatever I do with my life including in my work!” “Tsk. That’s why I don’t like you and I don’t want to be friends with you,” aniya. I rolled my eyes at him. “Then don’t!” sigaw ko sa kanya sabay talikod. “We will never be friends!” pahabol niya pa. I scoffed at his remark. As if gugustuhin ko pang maging magkaibigan kami! That’s when we started having silent war. Throwing each other insult and through deadly stares, we send each other unspoken spiteful words. Kaya hindi na bago sa akin ang pangingialam at hindi pagsang-ayon ni Felix sa pabor na hiningi ni Agnes. But that doesn’t mean that na hindi ko na siya pagbibigyan. I cannot just decline her because I don’t like seeing helpless people. Kaya hangga’t kaya ko, magbibigay ako. Paglabas ko ng elevator ay nakita ko ang isang box ng parcel na nakalagay sa sahig ng lobby, katabi noon ay ang naghihintay na delivery man. Paglapit ko ay inabot ko na ang bayad saka pinirmahan ang proof of receive. Hindi ko kayang isipin na hinihintay ako ni Felix sa opisina ko, kaya imbes na bumalik doon ay naisipan kong dumiretso nalang sa opisina ng boss ko. “Kuya, paiwan nalang po muna sa guard house niyo itong parcel ko. Ang hassle kase pag dadalhin ko pa sa itaas. Pwede ba, kuya?” tanong ko sa guard na nasa may pintuan ng lobby. “Sige, ma’am. Ako na magdadala sa guard house,” mabait naman niyang tugon. “Thank you, po,” magalang na sagot ko naman bago tumungo sa elevator at saka pinindot ang floor kung nasaan ang mga executives. Pagdating doon ay nilibot ko ang paningin ko. This is not the first time I went here, but I am always in awe whenever I get the chance to step on this floor. The walls are chocolate-colored, the cream-colored marble floor compliments the gold-caged chandelier. Bawat sulok ng palapag ay may mga magaganda, mlalaki, at halatang mamahaling halaman. Mga halaman na hindi karaniwang makikita sa mga bahay. Paglabas ng elevator ay hindi kaagad ang mismong executive office ang bubungad sa iyo kundi ang hugis libro na front desk kung saan naglalagi ang mga secretary ng mga bosses. Sa harap ng front desk ay ang malawak na waiting area kung saan naroon ang sofa at ang coffee table kung saan pwedeng maghintay at magpahinga saglit ang mga bisita. It’s empty. Siguro ay walang bisita ngayon, bulong ko sa sarili ko. Pagkatapos kong mamangha sa lobby ng floor na ito ay dumiretso na ako sa nakangiting si Bethany, ang kaibigan ko na secretary ni Miss Allona. Sinuklian ko rin siya ng ngiti pati na rin ang secretary ni Mr. Paul. Kumaway-kaway pa ako sa kanilang dalawa habang papalapit. “Hi!” maligayang bati ko sa kanilang dalawa. Mr. Paul’s secretary just smiled at me at saglit lang ay pinagpatuloy na ang ginagawa. “Hi, Shy,” ani Bethany na inayos pa ang mga nakahilerang papel sa harapan niya bago umayos sa pagkaka-upo para maharap ako. She doesn’t address me as Ma’am or anything because I told her to. Also because it feels weird to be addressed as “ma’am” by my friend. She just calls me Ma’am or Miss Shiloah for formalities but since hindi rin naman siya masyadong familiar sa babaeng katabi ay siguro hindi na niya inisip pa iyon. It’s okay though. “Gusto ko sana maka-usap si Ms. Allona, eh. May appointment ba siya ngayon or meeting?” “Wala naman siyang scheduled appointments or meetings this afternoon,” sagot niya habang ni-review and notebook na hawak niya at nag-double check pa gamit ang computer sa harapan niya. “Should you let her know that I’m here? Maybe she’s busy in her office or what, at baka maistorbo ko siya.” “Hmm… I think it’s alright if I don’t, Shy. I went there to give her coffee a while ago. She was just signing some papers.” Shoot! The papers! Iyon nga pala ang dahilan kung bakit ako nandito. I will let her know in advance that financial report will be delayed. I wonder how would she react kapag nalaman niyang dahil na naman kay Agnes. “Okay, Bethany. Thank you,” sagot ko sa kaniya. Bago ako tuluyang umalis ay nagpaalam ako sa kaniya pati na rin sa secretary ni Mr. Paul. I pushed the door that divides the lobby and another spacious room that looks like a huge library. Ang buong kwarto ay napapalibutan at punong-puno ng mga libro. It’s nice here. It looks like a museum, that’s why I love going to this floor. Gusto ko pa sanang tingnan ang mga libro na na-publish ng Vera Publishing pero hinahabol ko ang oras ko kaya dumiretso na ako sa talagang sadya ko. Unlike the other floors who have glass office, the two rooms here which obviously belongs to the executives have a large wooden door. Hindi mo makikita ang loob. Kumatok ako at naghintay ng ilang segundo, pero nang wala akong narinig na sagot ay walang pag-aalinlangan kong binuksan ang pinto para lang madatnan ang dalawang tao na nagmamadaling makalayo sa isa’t isa. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. What in the world is happening? Hindi pa naproseso ng utak ko kung ano ang nangyayari ay naagaw na ni Ms. Allona ang atensyon ko. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa puwesto ko naramdaman ko lang ang presensya niya nang kumapit siya sa braso ko para mapunta sa kaniya ang paningin ko. “Hello, Shiloah, my dear,” masaya ngunit halatang nagulat na bati niya sa akin na sinundan pa ng pilit na halakhak. Tiningnan ko ang buong ayos niya at nakita ko ang namumuong pawis sa noo niya. I smirked. Something is definitely fishy here. Binigyan ko si Ms. Allona ng malapad na ngisi bago ko binalingan si Mr. Paul. Judging by their looks, they are doing something I should have never disturbed. “Good afternoon, Ms. Allona and Mr. Paul. It looks like you two are busy so I think I should excuse myself,” umakma akong tatalikod pero hinila niya ang braso ko. “No!” they both exclaimed. Because of my eagle eyes, I saw them exchange looks. Hindi mapakali si Mr. Paul, he looks very uncomfortable. Gusto ko sanang tumawa but this whole situation must be awkward for them. “I-I mean, no, Ms. Mendez. Our m-meeting is d-done so I-I will go now,” Mr Paul said hastily. Inabot niya ang handle ng pintuan, at habang ginagawa iyon ay nakita kong palihim pa silang nagtinginan ni Ms. Allona na ngayon ay nakayuko at kunwari ay inaayos ang skirt. Before he left, I politely smiled at him. After that, naging tahimik na ang buong kwarto. “That was nothing, Shiloah,” pagbasag ni Ms. Allona sa katahimikan. “I didn’t say anything, Miss.” Seriously, gusto ko na talagang matawa but I am afraid that she will be offended by it. Why is she defensive, anyway? That only makes them really really suspicious. “I-I know but I j-just want you to know that i-it really was n-nothing,” nauutal na depensa niya. I can see that she’s trying to look calm but the way she constantly fix her hair while pretending to arrange the things on her table, I feel like she’s nervous. I feel bad for making her feel like she’s caught doing illegal so I acted as if it was really nothing. “Anyway, Miss,” panimula ko. “You know Agnes, right?” Nakita kong napatigil siya sa kaniyang ginagawa at tila nag-iisip kung pamilyar ba sa kanya si Agnes. “Agnes, the Agnes, Shiloah? That Agnes?” “Uhh… Yes, Miss.” “What about her? Iyon na naman ba, Shiloah?” patanong na sabi niya pero mahalata dito ang pagkakasigurado. Bumagsak ang paningin ko sa sahig. It came to me just now that I did this thing so many times already na pati ang boss ko ay memoryado na kung ano ang ipinunta ko dito. Maybe that’s why Felix was really against this kasi alam niyang hindi na mabibilang sa pinagsamang daliri ko sa kamay at paa kung ilang beses ko na itong nagawa. Dapat ba sinunod ko nalang talaga siya? Of course not! Edi magkakaroon pa ako ng utang na loob sa kanya no’n. I will never give him the feeling of satisfaction. “Yes, miss, eh. I will be responsible and accountable for this,” buong-loob kong sinabi. I have no choice, I am the head kaya natural lang na ako ang sumalo kapag hindi magampanan ng mga myembro ko ang responsibilidad nila. Huminga siya ng malalim. “You’ve done this for her so many times already, Shiloah… I mean, okay lang naman sa akin na ma-late iyong mga papers dahil as you can see,” minuwestra niya ang mga nakahilerang papel sa harap niya “madami pa naman akong gagawin. But you do not deserve this kind of a***e from them… You are efficient and effective employee, I know you know that, but their tardiness will only hold you back from progressing.” Napa-isip ako sa sinabi niya. However, that was not enough to change my mind. From all the years that I have been working under her, nakita kong sa isang grupo, wala dapat maiiwan. If I ever start to decline their favors, I would feel bad. Miss Allona’s words were so sincere, that I do not know how or what to answer. “She said she will finish it by this week, miss, but I will make sure that hindi na aabot pa doon…” Tinitinan niya ako sandali bago nagpasyang lumapit sa akin. Hindi na ako naka-upo dahil hindi din naman ako magtatagal. Sinadya ko lang talaga itong concern ko kay Agnes dahil nangamba ako na baka magalit na sa akin si Ms. Allona. “You don’t have to do everything for them, Shiloah… Hindi mo dapat palaging binibigay ay hinihingi nila para lang matawag kang mabait,” she said while brushing my arms. I was stunned. Hindi naman talaga ako ganoon kabait kaya bakit ko gugustuhing matawag no’n? Ganoon ba ang dating sa kanila ng ginagawa kong pagtulong sa iba? If that’s so, the Felix must see me as hypocrite… Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita siyang muli. “Anyway, can you not… um… tell anyone what you saw earlier?” she asked hesistantly. Napawi ang kung ano mang iniisip ko at hindi napigilan ang tawa. Why is she so bothered about it when she said there is nothing going on? “Wala akong nakita, miss,” I assured her. When she heard that, she smiled sweetly to me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD