Chandra's POV Ngayon na ang sports festival. At dito sa Eastwell gaganapin ang labanan ng iba't-ibang school. Nakasuot na nga ako ng cheerleading uniform eh. Kasama ko dito ang mga kapwa kong cheerleaders na busy'ng-busy sa pag-aayos. Hinihintay ko nga si Sky ngayon dahil siya ang nautusan kong magdala ng make-up kit. Nang matanaw ko na sila ay laking gulat ko dahil kasama si Mom. "Bilisan mo Chandra at aayusan na kita!" -sabi ni Mom sabay hatak sa akin paupo sa isang upuan. Nagtataka naman akong tumingin kay Sky. "Sorry Ate, nagpumilit siya eh. Gusto niya daw na siya yung mag-aayos sayo." -Paliwanag niya. Napabuntong hininga na lang ako. Wala akong magagawa nandito na si Mom eh. Tsk. Sinimulan na akong ayusan ni Mom kaya hindi na ako nagreklamo. Magaling din naman kasi siya mag-make

