"So, ano nga ang nangyari kagabi?" Hindi na nakatiis si Keziah na magtanong. Lumapit na agad ito sa upuan ko nang matapos ang klase. Iniwan niya ang gamit niya sa armchair niya para lang makichismis sa akin. Kagabi pa niya ako kinukulit sa chat pero hindi ko ito sinasagot dahil tinatamad akong magk'wento. Alam ko naman kasing uulitin ko lang din ito kinabukasan dahil magtatanong din si Reign. Kaya naman nagdesisyon akong saka na magk'wento kapag lunch break na naming tatlo. "Grabe! Patay na patay pala talaga sa 'yo si Leigh, ano?" Si Leigh ang Nursing student na nambastos sa akin kagabi at ang lalaki ring nasuntok ni Caleb. "Siraulo 'yon! Sinabihan mo na ngang tigilan ka niya pero parang asong ulol na habol nang habol pa rin," dagdag pa ni Keziah. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria at w

