Fourteenth Glitch

2006 Words
C A N D A R Y Ito siguro 'yong moment sa buhay ko na gusto kong magsabi ng masasamang words—gaya ng nababasa ko sa f*******:. Pero hindi dahil naiinis, o nagagalit ako. Kundi sobra akong nasurpresa! Kami ni Vaughn… “Hey. Try to calm down.” Mahina niyang sambit sa akin. Deretso lamang ang tingin niya sa may stage. Napansin niya siguro ang malalalim kong paghinga. Paano ba naman kasi hindi gumagalaw ang lahat ng prof at estudyanteng narito ngayon maliban sa amin! Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang dalawang kamay kahit alam kong hindi naman ako matutulungan ng hangin na nagmumula rito para makahinga ng maayos. Parehas kaming nakatayo ni Vaughn mula sa posisyon ng mga upuan namin. Magkapantay kami ngayon. Papalapit sa direksyon namin ang mga sarili namin! 'Yong ako, na nakita ko lang kahapon. HRM uniform pa rin ang suot niya kagaya ng sa akin pero mapapansin na wala siyang suot na malaking ribbon na de-buhol, kahapon meron ah. Samantalang si Vaughn naman, medyo magulo ang buhok hindi gaya noong una kong nakita na parang bagong gupit o nakaayos lang? Habang papalapit ang dalawang mula pa sa hinaharap, lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Bakit? Eh nakita ko naman na sila pareho ah? 'Yon nga lang hindi gaya ng sa ngayon na magkasama sila at kami ni present Vaughn. Nararamdaman ko na ang pawis sa gilid ng mukha ko. Samantalang ang kasama ko ay pilit huminahon. Babalik pa ba sila Teffy sa dati? O forever Disney na sila? Frozen! Kalma Candary. Ito na 'yon 'di ba? Ang pagkakataong hinihintay ninyong masagot ang lahat ng mga katanungan. 'Yon nga lang sa hindi inaasahang lugar, oras, at sitwasyon. Auf. Ayan na. Todo na 'yang masamang word na 'yan. “That’s the side effect. They will be motionless if beings from other direction managed to visit planet Earth.” Tumuro si future Vaughn kila Rai at Teffy, at sa iba pang mga tao rito sa amphitheater na hindi gumagalaw. Katapat na namin ngayon silang dalawa! Walang emosyon ang mukha ni future Vaughn. Si ako—este si Candary from future ay ngumiti pa at kumaway. Ngumiti rin akong maliit. Ano ba 'yan, para na naman akong nakaharap sa salamin na may magic ng beauty plus! “’Pag higit sa isa ang pumarito mula sa ibang dimension, ganyan ang mangyayari. Gaya ngayon, dalawa kami ni Vaughn na nandito.” Sinuklay ni future self ang mahahaba niyang buhok gamit ang kaliwang kamay. Parang 'yong ginawa niya kahapon. Pumamulsa naman si future Vaughn. Animo’y nagsusukatan sila ng tingin ni Vaughn sa tabi ko. “Tell us everything now.” Kalmado ngunit, may diin ang bawat salita ni Vaughn. Mula sa amphitheater ay lumabas kami at nagtungo rito sa pavilion na kadalasang pinagdarausan ng ibang campus activities. Kapag walang events, may nakapwesto ritong iilang bench na pwedeng pagtambayan ng mga estudyante. Gaya sa loob ng amphitheater, may nadaanan din kaming mga tao na hindi gumagalaw. May hawak na libro o 'di kaya'y pagkain. 'Yong iba naman naglalakad sa hallway ng ibang building. May estudyante, may prof. Kitang-kita mo ang ekspresyon sa mga mukha nila. Para bang stop-dance! Sige na namamangha na ako. Parang sa mga palabas na tumitigil ang oras. Ganitong-ganito ang scene! Namayani ang ingay ng hanging humahampas sa mga puno. “Sit.” Maotoridad na utos ni future Vaughn sa amin at marahas na itinuro ang bench sa tapat niya. Seryoso bang nangyayari ang lahat ng 'to? At hindi ako nananaginip mula pa noong mga nakaraang linggo? Ugh! Sinunod naman namin siya at naupo kami pareho ng kasama ko. Muli, tinapatan nila kami ni glow up self, sige, at si medyo ma-attitude na si Vaughn. Parang kailan lang nagso-sorry siya sa akin ah. Psh. Humalukipkip itong si Vaughn 2.0, ganoon din si glow up self. Wow hah pareho pa talaga sila ng pose. Parang nanay at tatay na sesermonan kaming magkapatid dahil pinag-awayan namin ang remote ng T.V. “Listen carefully. Our time is limited. It so happened na coincidence ang pagkakasabay namin ni, Ezplasa shit.” May pag-aalala sa tinig ni 2.0. Hoy teka! Kanina ko pa narinig ang 'Ezplasa s**t' na 'yon ah! Tawag ba sa akin ni Vaughn 'yon sa isip niya? Okay mamaya ko na siya kokomprontahin. Hindi ito ang tamang panahon para roon. “Told yah sis. May curfew above heavens.” Napabungisngis si self 2.0. Agad itong mawala nang tignan siya ni Vaughn 2.0 at saka niya tinakpan ng dalawang kamay ang bibig. “Paano namin pipigilan ang masasamang mangyayari? Mali. Kailan ang eksaktong date? Lugar?” Sa pagkakataong 'to, nagkaroon na ako ng lakas na loob para magsalita. Siguro mas mabuting importante ang mga unahin naming itanong kaysa sa tanungin kung anong plate number ng spaceship na sinakyan nila o galing ba sila sa wormhole. “Kagaya nga ng mga sulat na nabanggit, limitado lang ang mga nalalaman namin. Kung ano lang ang nandoon. Ang sulat na natanggap ko mula sa Omega, at ang sulat naman na natanggap ni Vaughn mula sa Beta.” Nag-indian sit si glow up self sa Bermuda grass kahit ba pencil cut ang skirt namin. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-iwas ng tingin ni Vaughn. Tumuro si self sa suot niyang uniform, sa bandang lagayan ng ribbon. Agad ko namang kinuha ang ballpen at journal mula sa bag ko. Mabuti at nadala ko 'to! Kailangan kong isulat ang mga detalye. Nagpatuloy naman siya sa pagsasalita. “Ang nangyayari ngayon sa Foxtrot? May sunog na naganap. Nagmamadali ako roon upang ipaalam ito kay Vaughn, kaya hindi ako nakapagkabit ng ribbon. At sa sunog na 'yon, kakilala ninyo ang namatay.” Puminta ang pag-aalala sa mukha niya at bahagyang nayuko. Naramdaman ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. “Sinong kakilala?” Dumekwatro si Vaughn at kumunot ang noo. Naunahan niya ako sa pagtatanong. Nangamba na naman tuloy ako bigla. Bakit? Mamamatay talaga? “We can’t tell you that. We risk everything to get here. Maybe Astra will punish us for doing this. Something bad will happen again after you survived the first tragedy? I don’t know. Limitado lang din ang maaari naming sabihin sa kung ano na ang nagaganap sa Foxtrot. The cool Vaughn from Beta also did that. Candary’s lover from Omega also did that.” Si Vaughn 2.0 na ang sumagot. Inilipat niya ang mga kamay sa likod at pinag-krus ito. Naglakad naman siya pabalik-balik mula sa iisang direksyon. So may kapalit din pala kapag napigilan namin ang pwedeng mangyari? “Swerte na lang kung may iba ring nakatanggap ng sulat na tutulong para pigilan 'yon.” Ngumiwi naman si ako—este si Candary 2.0. Binubunot-bunot niya ang mga Bermuda glass at tila ba tinatapon ito sa ere. “Please give us clear omens. You said I’ll become a perp. What’s the hint? When will that situation will came?” Napatayo si Vaughn at napahawak sa kanyang sentido. Binatak ko naman ang kaliwang palapulsuhan niya para bumalik siya sa pagkakaupo. Siya ang mukhang hindi kalmado ngayon. “That’s it. Kung ano ang sinabi ko sa 'yo the day I met you, that’s what was written on the letter. We’re not Gods, we can’t spoon-feed you everything.” Huminto sa paglalakad-lakad si 2.0 Vaughn at pumamulsa nang muli kaming harapin. Ano ba 'yan nalilito na ako sa kanila! Buti na lang hindi siya naka-uniform. Unti-unti nang nagiging pamilyar ang t***k ng dibdib ko sa presensya ng mga taga-Foxtrot. Hays, mabuti na lang. Pero 'yon na talaga 'yon? Ang hirap ah. Paano namin malalaman na mangyayari na ang masama. Kailan? “Pero para mas maniwala kayo, pwede kaming magsabi kung ano ang nangyari sa Foxtrot dalawang taon na ang nakalipas. Candary sis, alam mo naman na dalawang taon kaming nauuna sa inyo 'di ba?”  Lumapad ang ngiti sa mukha niya at tumigil sa paglalaro sa mga d**o. Napatango naman ako. Nabanggit sa akin ito ni Vaughn noong nasa library kami. “Two years ago from Foxtrot, someone you guys know died.” Bumuntong hininga si Mr. Foxtrot. Died? Died na naman?! “Who?” “Sino?” Halos magkasabay naming tanong ni Vaughn. Teka, kung two years na ang nakalilipas, mula sa dimensyon nila, maaaring mangyayari naman na ito ngayon! Ngayong present? “Someone from your Ethics class.” Malamig niyang tugon. Parehas kaming natahimik ng sandali ng kasama ko. Pwede pa namin itong pigilan 'di ba? “Hindi lang 'yan, may mamamatay pang isa. Siyempre hindi ko sasabihin kung sino, pero may koneksyon sa inyo.” Napatayo na si glow up self at sumeryoso ang mukha. Nawala na ang malapad na ngiti nito kanina. Napasapo ako sa noo ko at si Vaughn naman ay umiling-iling. Laging dapat may mamamatay? Umubong mahina si Vaughn 2.0 at saka nagsalita. “That’s how the multiverse works. Ang mga nangyayari sa amin, ay mangyayari palang sa cosmos ninyo. Maybe, the fire that killed someone you guys know, before Candary and I headed here, is the preliminary of the story itself. Wala pa namang nangyari sa Foxtrot that triggers me to become a killer. As the Vaughn from the Beta mentioned. Hmm, I think they are few moments advanced than us. Months?” Kumamot sa baba si Mr. Foxtrot na tila ba nag-iisip. “Vaughn, just don’t find mom. As the letter from Beta mentioned. Sundin na lang natin 'yon. That’s the cradle of the tragic story. Candary’s mom will die. I know, the details aren’t clear but trust me, that s**t is real.” Ramdam ko ang bawat diin sa pananalita niya at ang sinseridad ng tingin niya sa amin. Parang sinasabi nito na totoong mangyayari ang mga 'yon. “Maniwala kayo, Vaughn, at ako, I mean ikaw Candary, ang mga babala mula sa ibang dimensyon ay nagkakatotoo. Ngayon nga lang may nakapunta rito sa Earth at kami 'yon ni Vaughn. Pero noon pa man, may mga sabi-sabi na na ilang mga taga hindi Earth na ang nakapagpadala ng mga sulat sa mga sarili nila. Lahat ng hangarin ay baguhin ang masalimuot na future. Siguro 'yong iba good news? Para mas magsumikap ang tao sa present. At ang sinabi naming may dalawa ngang mamamatay, ay totoo. Kayo na ang bahala kung pipigilan niyo ba 'yon.” Inabot ni self 2.0 ang dalawa kong kamay kaya medyo napabalikwas ako. Tinitigan niya ako sa mga mata ko. Nakakakilabot. Kahit ba medyo nasanay na ako sa presensya nila mula kani-kanina ay mabilis akong nag-iwas ng tingin. Seryoso ganoon ako tumitig? Binitawan niya rin ito agad nang maramdaman ang pagkailang ko. “So basically, kung hindi ko hahanapin si mommy, ay hindi mamamatay ang mom ni Candary, and by that, she won’t commit suicide?” Tumayo na rin si Vaughn at animo’y nakikipag-contest sa pakikipagtitigan sa sarili. Ang tapang. Hindi naiilang tulad ko. Tumango naman ang sarili niya bilang sagot. Ganoon siguro kabigat 'yon. Hindi ko kayang maging mag-isa kaya magpapakamatay ako. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na gagawin ko 'yon. Ganoon na ba kalugmok ang mental health ko sa panahong 'yon? Kung hindi namin mapipigilan ang pagkawala ni mama, pwede ko naman sigurong pigilan ang pagpapakamatay. Posible kaya 'yon? Tutal nalaman ko na ngayon eh. Pero ang sabi nga nila, nagkakatotoo ang nasa sulat. Dahil ayon ang nangyari sa mismong dimension na 'yon. Ugh! Sumasakit na ang ulo ko. Isinulat ko pa rin sa journal ko ang mga nabanggit nila. Magsisilbing paalala o clue ang mga ito. “Baka ito na ang huling moment na mapapadpad kami ri-“ Hindi na natapos ni glow up self ang pagsasalita. Ito na naman. Pero sa ngayon, parang triniple ang nakabibinging matinis na tunog na nagmumula sa kung saan. Samantala, ang puting liwanag naman ay halos nakikita mo pa rin kahit tila luluha ka na mula sa sobrang pagkakapikit. Ang sakit sa ulo. Matindi na ang pagkakatakip sa tenga ko. Ramdam ko rin ang biglaang paglakas ng hangin at ang pagtama nito sa mga mukha ko. Buti ay nakaipit ako. Mas matagal ito kumpara sa mga nauna, doon sa plaza, at sa maliit naming bakery. Sa wakas! Nawala na ang ingay at liwanag na sisira sa mga tenga at mga mata namin. Pagdilat namin, bumalik na sa normal ang lahat na para bang walang nangyari. Gumagalaw na ang mga na-estatwa kanina. Wala na naman sila. Napaupo na lang muli si Vaughn sa bench at tila ba nanghihinayang kagaya ko. Pareho kaming napabuntong hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD