UNO'S POV Simula nang gabing iyon, araw-araw nang hindi mapakali ang binata. Palagi itong balisa at parang nababahala. Hindi lang si Desteen ang nakakapansin sa pagbabago nito kundi lahat ng tao na nakakasama nito kahit ang mga magulang niya. Palagi nitong sinisipat bawat sulok ng napupuntahan na para bang may hinahanap palagi. Hindi na din maayos ang nagiging tulog nito takot dahil baka makita niya ulit sa pagtulog niya ang aalala na pilit kinakalimutan at pinagtataguan. Kasalukuyan na nasa opisina ang binata. Busy sa mga negosyo na isa-isa nang nalulugi. Tatlong factory na ang nagsara sa 'di maipaliwanag na dahilan. Isinandal ng binata ang likod nito sa upuan. Hinimas nito ang kilay niya tanda na stress at pagod na ito mula sa maghapon na trabaho. Kailangan niyang asikasuhin lah

