DESTEEN'S POV: Pinagmasdan ni Desteen ang maamong mukha ng binata. Napaka gwapo pa din ito kahit tulog. Kahit siguro saan anggulo ay gwapo pa din ito. Banayad ay paghinga nito. Nakapulupot ang mga braso nito sa kanyang bewang at naka-unan sa braso niya. Ganon palagi ang set up nila kapag natutulog. Ang binata ang palaging naka-unan sa braso niya imbes na siya. Hinaplos niya ang mala anghel nitong mukha. Pinaglandas niya ang mga daliri sa matangos nitong ilong, sa makapal na kilay hanggang sa mapupula nitong labi. Gumalaw ang binata at mas lalong siniksik ang mukha nito sa leeg niya. Medyo nakikiliti siya sa mainit nitong hininga na tumatama sa kanyang leeg. Ramdam niya ang init na nagmumula sa hubad nito katawan. They are both naked under the sheet. Wala silang mga damit dahil sa ma

