CHAPTER 3

2606 Words
HINDI mapakali si Matt sa kinahihigaang kama. Mula nang umuwi siya kanina hanggang ngayong halos magmamadaling-araw na ay iisang babae lamang ang laman ng isip niya. He got up and went to the veranda. He took a deep breath then walked towards the sofa and sat there. He looked up at the dark skies full of glowing stars. Walang buwan sa gabing iyon… just like that night when he left the Emperor Hotel where Art and Liz had their wedding reception. His fingers suddenly felt his lips. Muli siyang nakaramdam ng pag-iinit ng katawan. It’s been almost four, five years since he had that wild night with a stranger. Paano ba niya malilimutan ang gabing iyon? Paano niya malilimutan ang mainit na halik, yakap at pagniniig na pinagsaluhan nila? Ang mga ungol at daing na kapwa namutawi sa mga labi nila? The moment he saw her at the café, iba na ang naramdaman niya. There was this feeling of recognition but he was just too damn scared to acknowledge that the woman who gave him sleepless night for years was indeed Diana. That it was the same girl that Liz introduced to him at the hospital and the girl who took his breath away when he saw her at Art and Liz’ wedding. The girl who screams… trouble. Bagama’t hindi niya nakita ang buong mukha ng nakaniig niya noong gabing iyon, tandang-tanda niya ang boses nito na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan niya at ang amoy nitong bagama’t nahaluan ng alak ay nagsusumiksik sa pang-amoy niya. And he bet, kung mahahawakan lang ang katawan nito, sigurado siyang agad na magre-react ang katawang-lupa niya sa tawag ng laman. Yes. He is too damn physically attracted to her na kung hindi niya napigilan ang sarili kanina sa sasakyan nang halikan siya nito ay baka iniuwi niya na ang dalaga sa bahay niya at paulit-ulit na inangkin. Good thing, he still got that power to refuse his own desire and kept him from going back from being an assh*le when he was younger. Right this very moment, the only thing that keeps him sane is his family’s reputation, particularly, his parents’. Alam niyang isang kalokohan lang ang gawin niya ay mabibigyan niya ng sakit ng ulo ang mga magulang niya. Paniguradong hindi na papayag ang mga ito na hayaan na lamang siyang malayang magturo sa playschool tulad ng nagagawa niya sa ngayon. They might do something drastic again just to keep him from destroying himself just like what they did before that led him into marrying his late wife, Sue, in which, also made his family hate him for a while. He closed his eyes and opened it again then let go a deep sigh nang maalala ang sinabi ng dalaga pagkasarado nito ng pintuan sa gawi ng passenger seat kanina pagkalabas nito ng kotse niya. ‘Brace yourself, this is just the beginning. Rest assure that I’ll come after you.’ How could he promise himself na mapipigil pa niya ang tawag ng laman kung palay na mismo ang lumalapit sa manok? How could he keep himself away from being tangled with someone like Diana tulad ng nagawa niya sa loob ng nagdaang mahigit sampung taon pagkamatay ng kaniyang asawa? Kaya pa kaya niya itong iwasan at hindi tuluyang magapos sa kamandag na taglay ng dalaga? Napabuga siya ng hangin at napaayos ng upo saka niya itinukod ang dalawang braso sa ibabaw ng salamin na lamesa bago pinagsalikop ang dalawang palad. Hindi talaga siya makapaniwala sa pagiging prangka ni Diana. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatulala sa ginagawa nito sa kaniya kanina? Na pagkatapos siyang hagkan nang mariin ay bigla na lamang siyang binitawan saka lumabas ng sasakyan niya na para bang nanunudyo at nagbabanta? “God, she’s crazy!” iiling-iling na usal niya although he cannot not deny the fact that he’s actually amused by the way she behaved. Cute but hot… That’s why he needs to be more careful, otherwise, just what he thought of Diana four years ago… he’ll find himself in big trouble. *** KASALUKUYANG abala si Matt sa pagtingin at pag-aayos ng mga ginawang art pieces ng mga estudyante sa Kindergarten-1 ng Mighty and Nice Playschool, ang pre-school na pag-aari niya, nang may kumatok sa opisina niya. Nag-angat siya ng tingin mula sa mga nagkalat na papel sa ibabaw ng table niya nang pumasok si Dane, ang school administrator niya. Napabaling ang atensyon niya sa pagpasok ng nakasunod ritong babae na ikinalunok niya ng laway nang lubos niya itong makilala. Halos malimutan niya kung paano huminga nang ganap na magisnan ang nakangiting si Diana. Nag-alis pa siya ng bikig sa kaniyang lalamunan nang kusang humagod ang mata niya sa kabuuan nito. Diana was wearing a haltered brown tops and a white square pants. Lalo pa itong tumangkad dahil sa suot nitong high heels. Wala itong kahit na anong bahid ng makeup at naka-messy bun ang pagkakatali ng buhok nito. She’s breathtakingly alluring kahit saang anggulo tingnan. For a while, he couldn’t take off his eyes from her… until Dane cleared her throat to get his attention. “Sir Matt,” tawag nito habang pigil ang ngiti. “She’s looking for you,” deklara ni Dane. Agad siyang pinamulahanan ng mukha at saka tumungo para hamigin ang sarili. Malapad ang pagkakangiti ni Dane na humarap kay Diana at iginiya ito sa sofa paharap sa lamesa niya. “Ahm, may I offer you water or coffee…” offer ni Dane kay Diana na noon ay kiming nagpasalamat kay Dane pagkaupo sa sofa. “O, thanks but no thanks,” tanggi ni Diana, bagay na nakapagpaangat muli ng mukha niya at tiningnan ang dalawang babae. Diretsong tumingin sa kaniya si Diana na hindi pa rin nawawala ang pagkakangiti sa labi. “Hihintayin ko na lang si Matt na matapos sa trabaho niya,” dugtong ni Diana nakapagpakunot ng noo niya. “Ah, okay. Nice meeting you, Ms. Diana. Ang ganda-ganda mo kahit in person.” Tila mapupunit na ang labi ni Dane sa pagkakangiti sa kaharap bago humarap sa kaniya na para bang nanunudyo, “Sir Matt, I’ll get going na po,” tuluyang paalam nito saka lumabas at saka isinarado ang pinto ng opisina niya. Nagpakawala siya ng hininga habang matamang nakatitig sa kaharap habang paulit-ulit na sinasabi sa sarili ang katagang ‘Be careful… be very very careful, Matt!’. Hindi naman nagpatinag ang dalaga sa pagtitig din sa kaniya na para pa ngang enjoy na enjoy sa ginagawa. Siya ang hindi nakatagal kaya nagbaba siya ng tingin bago makailang ulit na nagpakawala ng hininga. Makalipas ang ilang sandali ay tumikhim siya saka sumandal sa swivel chair na kinauupuan niya… to at least give him some time to breathe and relax. He tried so hard to show that he doesn’t care much of her presence in the room but deep inside, his heart is already beating insanely fast. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang epekto ng babaeng ito sa kaniya lalo na nang makumpirma niya ito nga talaga ang nakaniig niya apat na taon na ang nakararaan. Perhaps his libido is kicking in, naturally. That’s all there is. Just pure lust. Nothing more. Nothing less. Muli siyang huminga nang malalim at saka ibinalik ang atensyon sa ginagawa, but he was surprised when he found some of the papers he was holding were wet! ‘What the hell?’ kunot-noong tanong niya sa sarili. Then he realized that his hands were actually sweating profusely! ‘Damn!’ singhal niya sa sarili. Ibinaba niya ang mga hawak na papel dahil nagsimula na ring manginig ang kamay niya. ‘What’s wrong with you, dumb*ss!’ saway niya sa sarili saka pinilit kumalma bago pa siya mahalata ng kaharap. He swallowed a lump when from his peripheral view, he saw Diana got up from the sofa after a while then slowly walked towards him. Tumigil ito sa harapan ng office table niya saka ipinatong doon ang dalawang kamay at saka dumukwang palapit sa kaniya. He didn’t moved a muscle and pretended busy with the art pieces in front of him kahit pa nga, sa totoo lang, ay para iyong mga blankong papel na nagkalat lang sa lamesa niya. “Got my message yesterday?” pukaw nito sa nalilito niyang utak. His heart beat faster, probably twice as the normal rate! Nanatili siyang nakatungo at hindi sinalubong ang mga tingin ng babae. Bahagya pa siyang napalunok nang maalala ang ipinadala nitong SMS sa kaniya hindi lang kahapon ngunit maging ng mga nakaraang araw. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang phone number niya pero sa loob ng ilang araw ay araw-araw siya nitong pinadadalhan ng kung ano-anong mensahe telling him how she likes him… telling him how she missed that night they shared… telling him that she wanted to do it again, with him. It was actually a turnoff for his normal self. Mas gusto niya kasi iyong tipong hard-to-get. Iyong tipong pahihirapan siya sa panliligaw. Ayaw niya sa babaeng nauuna pang magbigay ng motibo sa lalaki. However, with Diana, it seems like he’s forgetting his standard with women. At ang siste pa, imbis nga na ma-turn off siya rito ay nag-init pa siya sa mga pagpapahiwatig nito ng pagkakagusto sa kaniya. Napukaw ang pagliliwaliw ng utak niya nang muli itong magsalita. “So, I’m guessing that it’s a yes?” amused na sagot nito sa sariling tanong saka umayos ng tayo at bumalik sa pagkakaupo sa sofa. He clenched his teeth and took a deep breath. He needs to stop her right here, right now before he loose his self-control. “What do you want?” pinilit niyang iparinig dito ang pagkainis niya. It took himd much courage to raise his eyes and meet her amusing stare. Bahagya niya pang ikinalampag ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa para lang ipakita rito na hindi niya gusto na naroon ito sa opisina niya. She rolled her eyes and smirked. Damn this girl but he looked hotter in his eyes right this very moment! “You,” mapangahas na sagot nito na nakapagpakibot sa dibdib niya. This girl is really something! She is such a tease that he literally heard warning bells and saw red warning lights! Napabuntong-hininga siya at nag-ipon ng sapat na lakas ng loob para talunin ang atraksyong nararamdaman sa kasalukuyan. Umiling na lang siya at saka tumayo bago kinuha ang jacket na nakasabit sa swivel chair niya. “Ganyan ka ba talaga ka-boka? You’re not even thinking of what you’re saying?” may halong pangungutyang sambit niya habang isinosoot ang jacket niya saka humarap sa direksyon nito. Tumayo ito saka marahang lumapit sa kaniya na para bang nasa runway ito habang hindi pa rin nawawala ang pagkakangisi at nang-aakit na tingin sa kaniya. “Sa iyo lang. Bakit?” balewalang tugon nito saka tumigil nang ganap nang nasa harapan niya. Halos isang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha nila and he could smell her sweet perfume. Nag-angat ito ng kamay at saka inayos ang kuwelyo ng jacket niya. “I told you, I like you.” Gumapang ang kamay nito sa pisngi niya at bahagyang inihagod ang mga daliri sa mukha niya na nagdala ng kakaibang damdamin sa kaniya. “At hindi ako titigil hangga’t hindi nauulit ang nangyari sa atin. You’re single, I’m single. I don’t see any problem in case—” Marahas niyang inalis niya ang pagkakahawak ng kamay nito sa mukha niya saka siya dumistansya nang mapagtanto kung ano ang gusto nitong ipahiwatig. Tiim-bagang niya itong tinitigan at saka mahigpit na ginagap ang tangan na braso nito. “I don’t date girls like you,” direkta niyang sambit saka pinakawalan ang kamay nito. May kung anong lungkot ang dumaan sa mata nito na agad rin nitong pinalis bago ito nagpakawala ng payak na tawa. “Ah, yeah. I remember. You like women like Liz… prim and proper… sophisticated,” anito saka ngumiti sa kaniya. This time, her smile is somehow forced then later on became naughty again. “Well, hindi mo ba nagustuhan ang performance ko noong—” “Stop it, will you?” putol niya kaagad sa sasabihin nito saka mabilis na tumingin sa bintana sa labas ng opisina niya. “I told you, hindi ko maalala iyang sinasabi mo. Now, kung wala ka nang iba pang sasabihing matino, leave now because I’m going home!” Halatang nabulabog siya. Hindi pa siya handang pagpiyestahan ng tsismis sa sarili niyang eskuwelahan. Malinis ang record niya so far at hindi niya iyon sasayangin dahil lang sa isang pakawalang babae! Hinila niya ito papalabas saka binitawan nang ganap na silang nasa labas ng building. Nakasunod lang sa kaniya ang dalaga habang inila-lock niya ang front door gayon din ang gate. Bumaling siya rito saka siya nagpakawala ng hininga. “Umuwi ka na. At payo ko lang, mag-behave ka nga. Respect yourself and don’t be so impulsive,” aniya bago naglakad papunta sa naka-park na sasakyan niya na nasa gilid ng kalsada. “I can’t go home, baka may nag-aabang na naman sa aking paparazzi,” anitong nakanguso nang akmang bubuksan na niya ang pintuan ng kotse niya. Kunot-noo siyang humarap dito. She was standing right next to him while looking at him with her puppy eyes! “And that’s my problem because?” sarcastic niyang banat. He needs to stop her from this moment on dahil baka kung saan pa pumunta ang panglalandi ng babae sa kaniya at tuluyang na niyang hindi ma-kontrol ang sarili at bumigay siya. After all, ‘ika nga, lalaki lang siya. “Fine! At least nakita kita today!” nakangusong sabi nito saka may kinuha sa shoulder bag nito. “Here. Walang gayuma ‘yan, so, kainin mo ‘yan, ha?” anito sabay abot sa kaniya ng tatlong saging na lakatan bago binirahan ng punta sa nakaparadang pulang kotse nito na nakaharap sa sasakyan niya. Inihagis niya ang hawak na saging sa may passengers seat saka isinarado ang pintuan ng driver’s seat. Napaangat na muli ang tingin niya nang magbusina ito bago nito pinaandar ang sasakyan at tumigil sa tapat niya. “I’ll come back tomorrow at lunch. I’ll cook your favorite ulam,” nakangiting sambit nito saka itiniklop ang dalawang kamay para maghugis puso at nag-flying kiss sa kaniya bago pinaharurot ang kotse nito. Napangiti siya sa inasta ng dalaga. Wala pang nakagawa sa kaniya ng paglalambing na tulad ng ipinakita nito sa kaniya. Not even on his teenage years, palibhasa kasi ay kilala siyang seryoso at suplado noong kabataan niya kaya naman pinangilagan talaga siya ng mga kakilalang babae at kaklase niya. Inabot niya ang saging at mas lalong lumapad ang pagkakangiti niya nang mabasa ang nakasulat sa balat ng saging. ‘Eat well. Muwah!’ “Childish!” bulong niya saka ibinalik sa pagkakapatong sa upuan ang prutas at binuhay ang makina. Muli siyang napangiti sa sarili. Sa tanda niyang iyon, nahihiya siyang nakakaramdam siya ng ganoong klaseng pakiramdam dahil lang nabigyan siya ng saging! Ayaw man niyang aminin na kinikilig niya but it seems like it was the case. What a loser!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD