CHAPTER 1

1546 Words
ISANG matamis na ngiti ang pinakawalan ni Diana na sinabayan niya ng kaway pagkakita niya kay Art mula sa arrival area ng airport. She was wearing a simple black and white checkered sleeveless with collar and white maong shorts. She was also wearing a huge sunglasses to hide her identity. Kanina pa siya pinagtitinginan ng mga naroon na tila ba siya kinikilala. As usual, Art’s presence attracted the eyes of the onlookers at the airport. Sa mukha, tindig at tikas kasi nito, wala talagang lahi ni Eba ang hindi lilingon. He is indeed an eye-candy with his casual wear of simply white T-Shirt, faded blue jeans and a black cap. “Kanina ka pa?” salubong na tanong kaagad ni Art sa kaniya matapos siyang ibeso habang hila-hila nito ang dalang bagahe. Umangkla siya sa braso nito, na hindi naman nito inalis, habang papalabas sila ng airport at patungo sa parking area kung saan niya ipinarada ang sasakyan niya. “You didn’t tell me that you’re coming back today. You really surprised me. Grabe ka!” aniya sabay hampas sa braso nito. Kahapon lang kasi sila magkausap nito at ni hindi man lang siya sinabihan ng planong pagbabalik sa Pilipinas. “Bakit? Nakasira ba ako sa plan mo tonight?” buska nito sa kaniya kahit pa ang mata ay nasa nilalakaran nila. She was surprised nang tawagan siya ng lalaki at sabihin sa kaniya na parating na ito sa Pilipinas mula sa business trip nito sa ilang bansa sa Asya. His flight was about to land nang tumawag ito kaya dali-dali siyang nag-ayos para sunduin ito sa airport. She was actually getting ready to meet Ging, her jeweller friend nang tawagan siya ni Art kaya agad niyang sinabihan si Ging na i-delay ng dalawang oras ang pagkikita nila sa meeting place nila. “Well, may imi-meet sana ako, eh pero sinabihan ko na mamaya na lang kami magkita,” wika niya saka binunot mula sa bulsa ang susi ng kotse niya at pinindot iyon. “May date ka ba?” amused na usisa ni Art sa kaniya habang ikinakarga ang bagahe sa likod ng kotse saka binuksan ang backseat at doon inilapag ang laptop bag. “I’ll drive,” anito saka kinuha sa kaniya ang susi at pinagbuksan siya ng passenger’s seat bago lumigoy at umupo sa driver’s seat. “Pumayat ka, ah,” puna niya rito na ikinangiti nito. He just shrugged it off saka pinaandar ang sasakyan. “So, where are we heading?” tanong nito habang nagmamaneho. Ganap na silang nakalabas ng airport. Pansamantala siyang nag-isip saka ngumiti. “Let’s go to Wilderness Café. I’m sure you’re going to be surprised,” aniya saka ito kinindatan. Doon na lang nila hihintayin ang surpresa niya rito. Hindi na siya nito pinilit pa, sa halip ay nag-concentrate na lamang ito sa pagmamaneho habang nagkukuwento siya ng mga photoshoots at fashion runways na in-attend-an niya habang nasa business trip ito ng dalawang linggo. Sinamantala niya ang cancellation ng event ng isang fashion designer na nadawit sa isang eskandalo and asked her manager to give her a break of at least one week starting yesterday. Mahigit isang buwan na kasi siyang walang palya sa kayod and she’s really tired. Sa biyahe pa lang papunta sa kung saan-saang sulok ng Pilipinas at Asya ay tila bibigay na ang katawang-lupa niya. “Good that you took a leave. Akala ko susunod ka na sa yapak ko, eh,” birong-totoo nito. It was joke and he was smiling, but deep inside, alam niyang hindi ito masaya. His eyes says it all. Andoon ang pagod, lungkot at pangungulila. Bumuga siya ng hangin saka hinawakan ang kamay nito na nasa kambyo. “You’re okay?” nakikisimpatyang tanong niya rito. He stopped the car when the car in front of them stopped then looked at her. He smiled but it didn’t reach his eyes. “Yes, of course. How’s the plan going?” matipid na tugon at tanong nito saka kumambyo at nagpatuloy sa pagmamaneho. “I’ll tell you all about it later. Concentrate on driving,” aniya saka inalis ang pagkakahawak dito. Aaminin niyang gusto pa rin niya si Art but not the same way as before eversince he got married. Tumango lamang ito bilang pagsagot. Nabalot ng katahimikan ang sasakyan at hindi na siya nag-usisa pa. She respects his decision on keeping quiet and keeping whatever his problem is to himself. After all, baka wala rin naman siyang maitutulong dito.  Makaraan ang mahigit-kumulang isang oras ay narating na nila ang café. Sobrang traffic sa daan kaya naman inabot sila ng siyam-siyam. Pagka-park ng sasakyan ay magkapanabay na silang pumasok sa café. Her eyes almost popped out from her eye socket when she saw two familiar faces laughing and obviously having a wonderful conversation on the other side of the café. Kaagad niyang tiningnan si Art na awtomatikong nagsalubong ang mga kilay at namula ang mukha pagkakita sa mga naroon. “Hey, Liz! Kanina pa kayo? Sorry! Sinundo ko pa kasi ang sorpresa ko, eh,” mabilis niyang salubong sa nakatigagal na si Liz habang nakatingala sa kanila ni Art nang ganap na silang makalapit sa mga ito. Pasimple niya itong kinindatan saka ito niyakap at binulungan, “Don’t worry,” assurance niya saka ito tinapik sa likod. “Surprise!” sigaw niya saka hinila si Art. Kinalabit niya ang lalaki nang hindi ito tuminag saka ito iginiya na mas lumapit pa sa mga ito. “I wanted to surprise you kaya ‘di ko sinabi sa iyo na magmi-meet kaming tatlo. Basta-basta mo na lang kasi ako tinawagan, eh,” nakangusong sambit niya saka pabirong inirapan ang nakakunot-noong lalaki. “Y-You asked her to—” salubong ang kilay na bulong ni Liz habang nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Art. “No biggie, Liz,” putol niya sa sasabihin pa sana nito saka niya ikinumpas ang mga kamay na nagpapahiwatig ng ‘Don’t mention it’ saka siya nagpatuloy nang hindi pa rin nawawala ang tensyon sa mga naroon. “He wanted to surprise you din kasi kaya hindi ka niya sinabihan na uuwi siya ngayon.” Napabaling sila sa kasama ni Liz na noo’y tumayo mula sa kinauupuan nito. Tila mas lalo itong gumuwapo sa paningin niya kahit pa nga sa suot nitong simpleng puting polo shirt at asul na maong jeans. Nalipat ang tingin niya sa kamay nito nang magtangka itong makipagkamay kay Art. Tiim-bagang lang itong pinagmasdan ni Art bago nito binalingan ang asawang si Liz. “Let’s go home,” malamig at nakakatakot ang boses na iyon ni Art. This is the tone he usually use kapag disappointed ito sa mga performance ng mga empleyado nito at kinalabasan ng mga projects ng company. It was obvious that he was crazy jealous of Matt. Well, kung siya nga ay lalaki, malamang na magselos din siya. Matt is quite a man kaya nga na-love at first siya rito noon, eh. Kunot-noo niya lang pinanood ang ginagawa ni Art na pag-aayos ng wheelchair ni Liz mula sa pagkakatiklop. “Hey, ano ba, Art? Kadarating lang natin. Magkape muna tayo,” tutol niya saka ito hinawakan sa braso para pigilin sa ginagawa. “Ihatid mo na lang kami sa bahay, Diana.” Art commanded without looking at her. Walang anomang binuhat nito ang asawa mula sa sofa at inilipat sa wheelchair. “A-Art…” narinig niyang tawag ni Liz sa asawa “We’re going home. Sa bahay tayo mag-usap,” mariing sabi ni Art. “I-I’m sorry, Matt. Let’s talk—” Hindi na naituloy pa ni Liz ang mga sasabihin nang bumaling si Art kay Matt at gigil na nagsalita. “Leave my wife alone.” “Don’t hurt her. Wala kaming ginagawang masama.” Bagama’t malumanay, naroon ang diin at tapang sa boses ni Matt. Pinukulan lang ito nang masamang tingin ni Art. Kung nakamamatay lang siguro ang tingin, kanina pa bumulagta sa sahig si Matt. Noon na siya nagdesisyong pumagitna sa mainit na tagpo ng tatlo. Nagsisimula na rin kasi silang makaagaw ng atensyon mula sa mga empleyado at mga guests sa café. “Take her. I’ll stay here,” aniya saka iniabot dito ang susi ng sasakyan bago siya umupo sa sofa na kanina ay kinauupuan ni Liz kanina. “I told you, Art, we meant to surprise you. Nakakahiya naman kay Matt. I was the one who asked him a favor tapos gaganyanin mo?” Inirapan niya ang lalaki saka siya humalukipkip.   Art was obviously irritated. He heaved a very deep sigh then headed out without saying anything. Hindi na rin nakakibo si Liz nang isulong ng asawa nito ang kinauupuang wheelchair. Pagbaling niya ng tingin kay Matt ay takang-taka itong nakamulagat sa kaniya. Nakakunot ang noo nito habang tila kinikilatis ang hitsura niya. “Excuse me, pero have we met before, kiddo?” She was dumbfounded! They’ve met three times before that day and he didn’t remember meeting her even once???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD