chapter 26

1192 Words

Parang may humigpit na tali sa pagitan naming tatlo. Hangin lang ang maririnig sa loob ng warehouse, pero para akong nalulunod. “Victoria,” mahina ngunit mariing tawag ni Theo sa pangalan ko. Hindi ako agad tumingin sa kanya. Ang mga mata ko ay nakapako kay Ethan. Kaibigan. O iyon ang akala ko. Naalala ko ang mga gabing magkasama kaming nagkakape sa restaurant, ang mga payo niya tungkol sa expansion, at ang mga pagkakataong tila sinusuportahan niya ako kapag may problema ako sa supplier. Lahat pala may dahilan. “Matagal mo na ba itong pinaplano? ” tanong ko kay Ethan. Hindi na ako nanginginig. Nakakagulat, pero mas malinaw ang isip ko ngayon. “Simula nang malaman kong may kondisyon ang last will ni Lolo,” diretso niyang sagot. “Alam kong hindi ka naman papayag sa kasal na iyon k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD