Kinaumagahan ay nagising ako ng maramdaman ko tila sobrang sakit ng aking katawan. Ramdam ko rin ang tila mabigat na bagay na nakapatong sa aking hita at sa aking baywang. Dahan-dahan ko iminulat ang aking mata hanggang sa maselayan ko ang napakagwapong mukha ni Theo ngunit hindi ko ito pinukulan ng pansin sapagkat higit ang nararamdaman kong galit sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon sinamantala na naman niya ang kahinaan ko bilang isang babae, at hindi ito katanggap-tanggap. Pinuno lang niya ng galit ang aking puso ng mga sandaling iyon. Agad ko inalis ang kamay niya na nakayakap sakin at maging ang hita niya na nakapatong sa akin. Masama ko siyang tiningnan habang nakaupo ako sa tabi niya bago ko naisipan umalis. Nagtungo ako sa restroom upang maligo upang alisin ang paglalagkit

