chapter 20

1168 Words

Huminga ako nang malalim bago tuluyang lumabas ng silid. Sa bawat hakbang ko papunta sa dining area ng hotel, pakiramdam ko ay may tanikala sa aking mga paa. Ang bigat ng bawat galaw, parang may nakasabit na alaala ng nangyari kagabi sa bawat hibla ng aking katawan. Pagbukas ko ng pinto, nadatnan ko siyang nakaupo na sa sofa, abala sa pagtingin sa kanyang telepono. Nang marinig niya ang mga yabag ko, umangat ang kanyang tingin at sandaling sinuri ang aking ayos. Tila ba isang mamahaling gamit na kailangang perpekto ang presentasyon. “Mabuti naman at maayos ang bihis mo; ayoko makahalata siya,” sabi niya. “Ganyan dapat. Sumunod ka sa mga nais ko para hindi ka nasasaktan.” Hindi ako sumagot. Natutunan ko na sa maikling panahon na mas mabuting tumahimik kaysa magsalita ng anumang maaaring

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD