Napapikit ako nang maramdaman ko ang malamig na hangin mula sa labas habang buhat-buhat ako ni Theo pababa ng hagdan. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa panghihina o dahil sa takot na unti-unting gumagapang sa aking dibdib. Sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang linggo, tila may kakaibang kaba akong naramdaman. Hindi dahil sa kanya. Kundi dahil sa sarili ko. Maingat niya akong inilagay sa passenger seat ng sasakyan. Ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin, na tila ba natatakot siyang mawala ako. Ngunit hindi ko alam kung totoo ba iyon o guni-guni ko lang. Mabilis niyang pinaandar ang kotse. Tahimik ang buong biyahe. Tanging ang tunog ng makina at ang mabigat kong paghinga ang maririnig sa loob. Hindi ko alam kung gaano katagal ang lumipas, ngunit nang tumigil ang sas

