Chapter 3

1644 Words
Theseus Montenegro   SHIT! Para akong nahiya kay Ariadne dahil sa nakita nya! Tsk! Oh f**k! Anong nangyayari sakin? Ano naman sayo, Theseus kung nakita ka ni Ariadne sa ganong aksyon? Why have you so much care with your secretary?   Damn, nakakawala ng sarili ka Ariadne   "Baby? ituloy na natin? Hmm?" nang aakit na sabi ni Reian   Pero di ako naaakit sakanya. Gusto ko syang itulak palabas.   "Get out Reian" malamig na sabi ko   Napanganga naman sya sa sinabi ko at di makapaniwalang nakatingin sakin.   "Seriously Theseus?! In the middle of Grr! f**k! Fine!"   At umalis na si Reian. Napahugot ako ng hininga at napasabunot sa buhok ko. What the f**k is happening to me?!   Huminga muna ako nang malalim bago nag bihis at ayusin ang sarili. Lumabas na ako ng office. Madilim na ang hallway. Dumako pa ang tingin ko sa lamesa ni Ariadne. I sighed heavily.   "f**k!" sigaw ko pag pasok agad ng condo   Pabagsak ako umupo sa sofa atsaka tumingala. Mga mata nya na gulat na gulat sa nakita ang nakikita ko. Dumilat ako atsaka nag luwag ng necktie. This is a disaster.   Hinilot ko ang sentido. I need a cold shower now!   Fuck that lust over my secretary!   --   Ariadne Sy   "HOY Ate?! Bakit gising ka pa?"   Bumalikwas ako ng tayo sa biglaang sigaw ng kapatid ko saakin. Huminga ako nang malalim. Iyong mga nakita ko ay paulit ulit na nag papakita saakin kapag pumipikit ako.   Those muscles...   Oh my! Stop thinking of that, Ariande! He's your boss for Pete’s sake! Aksidente lang yon! Aksidente lang, makakalimutan mo rin.   Huminga muna ako nang malalim bago hinarap yong kapatid ko na nakakunot sakin. Nag tataka siguro kung bakit sa gitna ng gabi ay gising pa ako. Kahit ako rin ay nag tataka bakit iniisip ko pa ‘yon   "A-ah inaalala ko lang yong gagawin ko bukas" nauutal na sabi ko   'Inaalala mo kamo yong scene kanina' sabi ng isip ko   Nag taka naman sakin yong kapatid ko pero tumango na lang sya at bumalik na sa kwarto nito. Sinundan ko pa ito ng tingin bago sya nawala sa paningin ko.   Tumayo na ako at umakyat na sa kwarto para matulog. Forget it Ariadne okey? Focus on your work. You need money remember that.   Kinabukasan inagahan ko yong pasok ko. Dahil marami pa akong aayusin na papeles.   "Good morning universe!"   Hindi ko pinansin si Marlon at tinuon ko lang yong sarili sa laptop. Marami naman talaga akong aayusin na papeles kaya tama lang para makalimot ako saglit.   Sinundot ako ni Marlon sa tagiliran ko ng makahalata na hindi ko sya pinansin.   "Uy sis anyare sa feslak mo? Bakit yata ang laki ng eyebags mo?"   "Wala. Napuyat lang ako Marlon"   Tumango si Marlon at ngumiti sakin   "Ok! Anyway, guess what?"   "Ano yon?" tanong ko kahit patuloy ako sa pag titipa sa laptop.   May kinuha syang bagay sa bulsa nya at inabot sakin. Huminto ako atsaka tinanggap ito.   "Ano ito?" takang tanong ko   Napairap naman sya sa tanong ko   "Invitation syempre! May party sa bahay mamaya, birthday ng brotha ko. Punta ka ah?"   "Tignan ko--"   "Basta! Punta ka sis! Wala ng basta basta! Sige sis. Babush!" sabi ni Marlon sabay alis   Bumuntong hininga ako. Tinago ko na lang yong invitation at pinag patuloy yong ginagawa ko sa laptop. Nang biglang may nag salita.   "Good Morning" baritonong sabi nito   Napaangat ako ng tingin. Nanginginig na naman yong tuhod ko. My god! ang lakas talaga ng epekto nya sakin! Pero paano ko ba sya kakausapin pag katapos ng nangyari kagabi? AH mag isip ka Ariadne!   "G-good Morning Sir Theseus" bati ko at pilit na ngumiti   Pinagmasdan nya ako saglit bago tumango at pumasok sa loob ng office nya. Malakas akong bumuga ng hangin. At binalik na ang tingin sa laptop nang tumunog naman ‘yong cellphone ko.   "Hello?"   "H-hi? s**t!"   Its Mae.   "Mae? Best? Napatawag ka?"   "B-best? Uhm.."   Nagtaka naman ako sa tono ng pananalita nya   "Hey best? kamusta na?"   "Ahh best? mamaya n-na lang..Shit!"   Sabi nito sabay baba ng tawag   Kumunot ang nuo ko. What was that? May kalokohan na naman siguro si Mae. Siguraduhin nya lang na mag kukwento sya kapag nakauwi na sya rito.   Pinag patuloy ko na lang ang ginagawa. Dapat nililibang ko ang sarili para mawala ‘yong mga nakita ko kagabi…   That scene…   No.   Those biceps, abs that flexing in his every harsh moves.   Napalunok ako sa naiisip ko. Feeling ko bigla akong nag init. Huh? nag init? God!   "Ariadne dalhan mo ako ng kape rito"   Napatalon ako sa boses ni Sir Theseus sa intercom.   "I-I’m coming Sir" nauutal na sabi ko   Pumasok na ako sa office ni Sir hawak yong coffee na pinapadala nya. Nakita ko syang busy nag ta-type sa laptop nya. Nag angat sya ng tingin sakin at nag tama ang mga mata namin.   Parang nakuryente ako sa tingin nya. Parang hinahalukay nya yong kaluluwa ko sa tagus tagusan nyang tingin sakin.   "I-ito na po Sir Theseus" sabi ko sabay yuko para mailapag sa table nya   Pag tayo ko ay nakita kong namumula si Sir Theseus at nakatingin sa...sa cleavage ko.   "Minsan wag kang yuyuko nang ganyan ang suot mo" sabi nya sabay iwas ng tingin   Ewan ko pero nag init ang ulo ko sa sinabi nya at sa isip ko na nakatingin sya sa cleavage ko!   "Mawalang gana lang po Sir pero nakita ko pong nakatingin kayo sa cleavage ko" matigas na sabi ko   Napaawang naman ang labi nya sa sinabi ko. Siguro nagulat sya na nakita ko yong pagtingin nya   "What? What are you talking about Ariadne?" nag tatakang sabi nya   Nakakunot ang nuo nito pero napakagwapo nya pa rin.   "Nothing sir. Pero sana respect din sa secretary nyo po" sabi ko sabay labas   Napahugot ako ng hininga sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. San ako humugot ng lakas ng loob?   God ngayon lang pumasok sa utak ko na Boss ko yong sinabihan ko! Pero kasi..   Umiling iling na lang ako at nagtrabaho na. Dapat maaga ako matapos ng makapunta ako sa birthday ng kapatid ni Marlon   Hindi ako nagpaalam kay Sir Theseus. Nahihiya pa ako. Wala akong mukhang ihaharap!   "Uyy sis! Mabuti dumating ka!" tiling sabi ni Marlon sakin   Sinalubong nya ako sa pintuan. Para akong malulula sa yaman nina Marlon. Nakakataka lang bakit nag tratrabaho pa sya sa company ni Sir Theseus.   "Martin this is my friend Ariadne and Ariadne this is my brother Martin" sabi ni Marlon   Ngumiti ako kay Martin at inabot ang kamay ko.   Tinanggap nya ito habang nakangiti. Talagang masasabi kong maganda ang lahi nina Marlon, kita ko pa lang sa kapatid nya. Napakagwapo nito. Pati naman si Marlon, gwapo sya pero bakla nga lang. Hindi babae ang gusto kundi kapwa rin lalake.   "Thank you sa pag punta Miss beautiful" sabi ni Martin   Tumango ako   "Walang anuman. Happy birthday pala"   Ngumiti ito at lumitaw ang malalalim nyang dimple. Cute!   Pumagitna samin sa Marlon at tumikhim   "Oyoy Martin! Sinasabi ko sayo yang smile mo na yan di pwede sa kaibigan ko!"   Nag taka man pero di na ako umapela ng tumawa si Martin   "Ok ok chill. I surrender, but can I company her in our mansion. Igala gala ko lang, siguro naman papayag sya since magulo rito" sabay ngisi ng kapatid nya.   Totoo naman ang sinabi ni Martin na magulo at maingay ang birthday party nya. Madaming mga taong nag sasayaw sa dancefloor, nag iinom sa gilid at nakikipag—naghahalikan ba ‘yong mga ‘yon? Mabilis ako nag iwas ng tingin.   Aapela sana si Marlon ng inunahan ko na sya.   "It’s ok Marlon. Wala ka ng dapat ipag-alala." Sabi ko sabay ngiti kay Martin na nakatitig sakin   Mabait naman siguro si Martin. Atsaka hindi rin ako sanay sa ganitong party.   Umaliwalas ang mukha ni Martin sa sinabi ko.   "So halika na?" yaya sakin ni Martin at nilahad na ang kamay saakin.   Umirap na lang si Marlon   "Osya basta alagaan mo yan ah?" sabi ni Marlon na nakasimangot.   Ngunit wala pang ilang minute ay bigla nag bago ang ekspresyon sakanyang mukha. Nanlaki ang mata nito na parang gulat na gulat sa nakita, tumili ito bigla!   Nag taka naman ako kaya sinunda ko sya ng tingin. At ganun na lang ang pagkabigla ko ng makita ko si Sir Theseus na nasa harap na pala namin at…madilim ang aura.   "Emerged Fafa--este Sir Theseus you're here po!" Kinikilig na sabi ni Marlon   Pero di sya nakatingin kay Marlon kundi sakin!   Para tuloy nanginig ang mga tuhod ko sa tingin nya. Feeling ko any moment ay matutumba ako at dahil ito sakanya!   Pero biglang nawala ang pagkahina ko at napalitan ng gulat ng nagsalita sya   "Why are you here Ariadne?" matigas na sabi nya   A-ano? Anong ibig nya sabihin?   Nag taka naman si Martin at Marlon   "A-ah inimbita po kasi ako ni--"   "You're supposedly in my office now and doing your job. And hindi ka nag paalam Ariadne. Anong klaseng secretary ka? Gusto mo ba mawalan ng trabaho? Inuuna mo pa ang party kaysa sa trabaho mo?"   Napayuko ako. Tama nga anong klaseng secretary ako? Di man ako nag paalam.   "So-sorry po Sir--"   Bago ko matapos ang sasabihin ko ay tinalikuran na ako ni Sir Theseus. Parang gusto kong umiyak sa pagtalikod nya. Parang ang ibig sabihin nun ay wala syang pakealam sa sorry ko at  baka itanggal nya na rin ako sa trabaho.   Huminga ako nang malalim bago punasan yong luha ko. I guess sisimulan ko na maghanap bukas.   "A-ah Marlon at Martin uuwi na pala ako…"   "Huh bakit--"   Naputol ang sasabihin ni Martin ng may magsalita   "Because she will come with me"   And its Sir Theseus   Napatunghay tuloy ako sa biglaang sabi ni Sir Theseus. Biglang may liwanag sa aking loob at kakaibang galak ang aking naramdaman. Pero isa lang ang masasabi ko, kung ano man ito ay wala akong pakialam. Let me feel it, let me enjoy it first…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD