chapter 6

1401 Words
JEZRA KINABUKASAN nagising ako sobrang mugto at namaga ang mata dahil sa kakaiyak ko. Hindi ko na namalayan na nakatulogan ko na ang pag-iyak. Hindi na rin ako nagtangka pang lumabas pa ng silid dahil ayaw kong nakikita ang pagmamukha ng kerida niya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matatanggap na humantong kami sa ganito ni Brix. Paano niya nagawa sa akin ang lahat ng ito? Binaboy niya ang pamamahay namin. Pati ako na kaniyang asawa hindi man lang ako nirespeto. Makakaya ko ang pananakit niya sa akin physically. Pero ang lokohin ako harap-harapan hindi ko alam kung makakaya ko pa ba. Tamad akong bumangon sa aking pagkakahiga at nagtungo sa banyo. Nandito ako sa guest room natutulog embes ako ang legal na asawa at dapat matulog sa silid namin mag-asawa. Ako ang may karapatan sa pamamahay namin. Ngunit parang ako pa ang kontrabida sa kanilang dalawa. Tinungo ko ang banyo at naghilamos ng aking mukha at nagtooth brush na rin ako. Hinablot ko ang puting face towel at pinahid ko ito. Napatigil ako sa aking ginawa nang mataman kong pinagmasdan ang aking sariling reflection sa harap ng kwadradong salamin. Nanlumo ako sa aking nakikita. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Ang dating makinis kong pisngi ngayon tila ginawa ko ng tatoo ang mga pasa dahil sa araw-araw akong nakakatikim ng sampal galing sa aking asawa. Kung susumahin mas lamang lang ako ng isang paligo sa mga zombie na nakikita ko sa palabas ng telivision dahil sa dalawang bilog na itim na nasa ilalim ng aking mga mata. Makailang beses akong kumurap sa harap ng salamin to holding back my tears. Hindi ganito ang pinangarap kong buhay kapag may asawa na ako. Nais kong matulad sa mga magulang ko kapag nakapag-asawa na ako. Na kahit mahirap at tumatanda man kami mananatili pa rin ang init ng aming pagmamahalan. Ngunit kabaliktaran ang sitwasyon ko dahil isa akong battered wife.Malakas na buntong hininga ang binitiwan ko. Nagpalit ako ng damit bago lumabas ng banyo dahil kahapon pa itong damit ko at hindi man lang ako napalit ng damit kagabi. Nasa hagdan pa lang ako narinig ko na ang malakas na tinig ng aking asawa at ang kaniyang kerida. Masaya itong nagtatawanan sa salas. Gusto ko na naman lumuha dahil sa aking nasaksihan. Ang sweet nilang dalawa. “Brix babe. I love you,” malambing na saad ni MG habang nakakandong sa aking asawa paharap sa kaniya. “I love you more, babe.” Nagsimula na naman nanikip ang aking dibdib. Napakasakit pala makita at marinig mismo sa iyong asawa na may mahal na itong iba. Hindi ko alam kung tutuloy pa ba akong bumaba o hindi. Ngunit kahit gustohin ko man bumalik na lang sa guest room at magkulong pero hindi nakikiayon sa akin ang aking mga paa dahil tila kay bigat nito at hindi ko man lang magawa itong maigalaw. Nararamdaman ko na lang na kusang pagkalaglag ng aking mga luha. Na kahit anong pigil ko hindi pa rin ito paaawat.Mabilis kong tinakpan ang aking bibig gamit ang aking mga palad upang hindi nila marinig ang pag-iyak ko. Ayaw kong pagtawanan nilang dalawa dahil sa mahina ako. Malakas na yumugyog ang aking balikat dahil sa pag-iyak ko ng tahimik. Tila mawasak ang puso ko habang nakatanaw sa kanilang dalawa. Nanghihina ang aking mga tuhod dahan-dahan akong napakapit sa railings ng hagdan at napaupo at hinayaan ko na lang ang mga luha na malayang umagos sa aking mga mata dahil kahit ano’ng pahid ko hindi pa rin mauubos ito at kusa pa rin itong magsilaglagan. Nang makabawi na ako nang lakas. Pinahid ko ang aking basang pisngi at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan na tila ba hindi ako umiiyak. Taas noo akong naglalakad sa kanilang harapan tila ba hindi ako nasasaktan sa aking nakikita. Dinaanan ko lang sana sila upang magtungo sa kusina. Kailangan kong maghanap ng trabaho baka sakali kapag may trabaho na ako paalisin at iiwan na nito ang babae. Ngunit hindi ko pa man naabot ang pintuan nang magsalita ang malditang kerida. “Hey, you!” tawag nito sa akin. Kahit narinig ko ito nagpatuloy lamang ako sa paglalakad ngunit napahiyaw ako ng may biglang humablot sa braso ko. “Bastos ka talagang babae ka! Kinakausap ka ni MG hindi mo man lang pinapansin!” galit na sita sa akin ni Brix. Pero nakipagsukatan ako ng tingin kay Brix at marahas kong binawi ang braso ko na hawak nito. “Bakit sino ba siya sa akala niya na dapat kong igalang? Isa lamang siyang hamak na kerida. Linta na pilit na kumakapit sa taong may pananagutan na sa buhay!” galit kong tugon kay Brix. Nakita ko naman ang pagsinghap at pagdilim ng mukha ng kaniyang babae dahil sa aking mga sinabi. Daig pa ang kidlat ang kilos nito at kasing bilis na nakalapit ito sa akin. Natulig ang mukha ko dahil sa hindi ko inaasahan ang malakas nitong sampal sa akin. “How dare you to talking me like that! You don’t know me! Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo. Kaya kong bilhin ang pagkatao at kaluluwa mo!” mayabang nitong saad sa akin. Pero hindi ako maaring magpatinag sa kaniya. Kung si Brix hinahayaan kong saktan niya ako puwes siya hindi. Malakas ang naging pagdampi ng mga palad ko sa makapal na mukha ng kerida. Sinampal ko lamang siya. I return what she gave me. At mas doble ang sakit nito kaysa sampal niya sa akin. Kaya klaro ang bakas ng daliri ko sa kaniyang pisngi at pulang-pula ito. “How dare you to touch your filthy hands to my pretty face!” Akmang sasampalin naman ako nito ulit ngunit mabilis kong nasangga ang kamay nito. “Wala akong pakialam kung sino ka pa at mas lalong hindi ako interesado na malaman ang pagkatao mo dahil alam kong wala naman ka inte-interest ’yang madumi mong pagkatao! At kahit gaano ka pa kayaman hindi pa rin mababago ang katotohan na isa ka pa ring kabit, kerida at mang-aagaw!” malakas kong sigaw sa kaniya at muling pinadapo ang mga palad ko sa kaniyang pisngi. Sapo nito ang kaniyang mukha nang bumaling kay Brix. “Brix, babe! Tingnan mo kung gaano ka walang modo iyang asawa mo. Hahayaan mo na lang ba na pagsalitaan niya ako ng masama at pagbuhatan ng kamay.” Humihikbing saad nito sa aking hangal na asawa. “Jezra! Wala kang karapatan na pagsalitaan ng ganiyan si MG. Bawiin mo ang lahat ng mga sinabi mo at humingi ka ng paumanhin!” utos ng magaling kong asawa sa akin. Habang yakap-yakap nito ang babae niya at pilit na pinapatahan. “Nagpapatawa ka ba, Brix?Bakit ko naman gagawin ’yon? Bakit bawal na ba ngayon ang magsabi ng katotohanan?” matapang kong tanong kay Brix kahit ang totoo durog na durog ang puso ko dahil ang kerida pa nito ang kaniyang kinampihan. Ngunit kaagad din akong napaatras dahil sa nanlilisik na mata nakatingin sa akin ni Brix. “Ang tigas talaga ng ulo mo! Kahit kailan ikaw ang nagdadala ng malas sa buhay ko! You don’t know how much I regret nang nakilala and worst pinakasalan oa kita!” Hindi ko mapigilan ang muling pagtulo ng luha ko sa aking mga mata. Ang sakit ng mga binitawang salita ni Brix. “No! Hindi totoo iyan! Nasabi mo lang iyan dahil galit ka sa akin. Alam kong mahal mo pa rin ako, Brix. You promised me that you love me forever!” Niyakaang p ko siya ng mahigpit mula sa kaniyang likuran at ibinaon ko ang aking mukha sa kaniyang katawan habang umiiyak. Ngunit napa aray ako nang may humila sa buho ko. Pag-angat ko ng tingin ang kaniyang babae pala ang gumawa. “Bitawan mo siya! Siguro narinig mo naman ang sinabi niya ’di ba? If I were you lumayas ka na rito!” “No! Hindi ko isusuko ang karapatan ko sa kaniya! Kahit ano’ng sabihin mo. Asawa ko pa rin si Brix at hindi magbabago 'yon!” “Puwes! Kung gusto mo pang mananatili rito sa pamamahay ko. Sundin mo ang gusto ko.Naiintindihan mo ba?” si Brix. Humarap na ito sa akin ngayon. Tumango ako sa kaniya bilang pagsang-ayon. “Good!” iyon lang tanging saad nito at iniwan na nila ako. Nanghihina akong naupo sa sahig dahil sa tila tinakasan ako ng lakas habang patuloy pa rin ang aking pag-iyak.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD