Chapter 8

1500 Words
[RAFAELA'S POV] Hindi pa rin ako makapaniwalang ang lalaki sa bus na nahalikan ko noon ay walang iba kundi si Lance Jerold Kim. How come na nando'n siya sa bus that time? Of all people, bakit siya pa? "Teka, naguguluhan ako. Bakit ka sumakay sa bus that time Lance? May kotse ka naman 'di ba?" tanong ni Kisses sa lalaking 'to. "My car was broken that time. Kahapon lang naayos yun. Since wala akong masakyang kotse, I decided to take a bus." pagpapaliwanag niya. "Bakit naman kayo naghalikang dalawa? Don't tell me you're in a secret relationship." - Kisses "Of course not/Syempre hindi." sabay naming sabi ng lalaking 'to. Napalakas yata yun kaya napatingin sa 'min ang mga customers, including Jameson my loves. Nakakunot pa nga ang noo niya eh. "Sinabi ko na sa 'yo kanina na it was an accident. Nakatayo kasi ako that time sa harapan niya dahil may vacant seat sa tabi niya. Pero nakapatong ang bag niya do'n. Kukunin ko sana yun para itabi at makaupo ako pero pinigilan niya ako. Umaandar yung bus that time at kung anu-ano pa ang sinabi niya sa 'kin. Pero biglang tumigil yung bus. Dahil do'n ay nawalan ako ng balanse at natumba ako sa kanya. Doon aksidenteng naglapat ang mga labi namin." pagkukuwento ko. Napatango naman si Kisses. "Mukha namang nagsasabi kayo ng totoo. By the way, nararamdaman kong destined kayo sa isa't isa." - Kisses "Ha? Kaming dalawa? Destined? Is that a joke?" sarcastic na sabi ni Lance. "As if namang type kita." sarcastic ko namang tugon. Si Jameson my loves lang ang tipong kong lalaki at wala nang iba pa. "I can feel it. This is going to be excited. Labas tayong tatlo minsan." masayang sabi ni Kisses. "I'm busy." - Lance "Busy din ako." pagtanggi ko. Ayoko ngang makasama 'tong lalaki 'to. Kung alam ko lang kanina na makakasama namin 'to ay tumanggi na lang sana ako. Tsaka pakiramdam ko ay may binabalak si Kisses na hindi maganda sa amin. "Ang KJ niyo naman. Gusto ko lang naman ay mag-bonding tayo." sabi sa 'min ni Kisses. Kung ang ilong sana niya ay parang kay Pinocchio. Baka humaba na ito. "Kilala kita Kisses. Alam kong may binabalak ka." sabi ni Lance kay Kisses. Tama. "Wala ah. Napaka-judgemental niyo naman." sabi ni Kisses at umarte pa siyang paiyak na. Ang galing din niya umacting eh. "Kisses." halatang nag-aalalang sabi ni Lance. "Wag kang umiyak. We're just joking." dagdag pa niya. Ay tanga! Mukhang naniwala siya sa acting ni Kisses. "Huhuhu!" iyak ni Kisses. Kita ko ang pagtulo ng mga luha niya. "Okay fine, lalabas tayong tatlo minsan. Just don't cry." sabi ni Lance kay Kisses. Pinahid naman ni Kisses ang kanyang luha at saka ngumiting tumingin sa 'kin. "Narinig mo yun friend. Bawal kang tumanggi." sabi niya sa 'kin. I just rolled my eyes. Hindi ako makapaniwalang nauto niya ang lalaking 'to. Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon ay umorder na kami ng aming makakain. Akala ko nga ay hindi na kami kakain dahil sa rebelasyong nalaman ko tungkol sa first kiss ko. Pero grabe lang, I did not expect na si Lance pala yun. Parang gusto ko ngang magluksa eh. Huhuhu! Pero mamaya na lang pag-uwi ko. Ibubuhos ko talaga ang lahat ng luha ko. *** Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na si Lance kay Kisses dahil may photoshoot daw siya. Hindi man lang niya ako pinansin kanina pa noong kumakain kami. Ang mas masama pa do'n ay hindi man lang niya binayaran ang kinain ko. Akala ko nga ay maghuhugas na ako ng pinggan para lang mabayaran yun pero buti na lang to the rescue si Tim. Sinabi niyang libre na raw niya yun para sa 'kin. Kahit nakakahiya ay tinanggap ko na lang dahil hindi sapat ang perang meron ako. Tapos ito pang si Kisses ay inutusan pa talaga niya ang lalaking yun para ihatid ako sa bahay namin. Mukha ngang gumagawa na siya ng first move. Pero buti na lang at may explanation ang gagong yun. Hindi natuloy ang binabalak ni Kisses. "Ako na lang ang maghahatid sa 'yo. Sabihin mo sa 'kin ang address ng bahay niyo." sabi sa 'kin ni Kisses. "Ah hindi na. May pupuntahan pa kasi ako." ang excuse ko sa kanya. Sa totoo lang, nahihiya pa ako sa kanya kaya tumanggi ako. Syempre hindi pa gaano katagal ang pagkakaibigan namin kaya hindi pa ako masyadong nakakapag-adjust. "Gano'n ba? Sige, mauna ako. Kita na lang tayo ulit sa Sabado." tugon niya at nagpaalam na siya. I just wave my hand to say bye to her. And now, mag-isa na lang ako sa tapat ng restobar. Kailangan kong maghintay dito ng masasakyan. Mukha ngang walang dumadaang tricycle or jeep dito. Kung sa taxi naman ako sumakay ay mapapagastos ako. Bus na lang ang pag-asa ko kaso kailangan ko pang maglakad para makapunta sa bus stop. Medyo malayo-layo pa naman yun. I was about to walk pero nagulat ako nang may humila sa akin papalakad sa ibang direksyon. "T-teka." ang nasabi ko. Mabilis ang pangyayari kaya hindi na ako nakaangal pa. Dinala ako ng humila sa 'kin sa parking area at sinakay niya ako sa kotse. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil in shock pa rin ako sa pangyayari. Pero nang makasakay na ang humila sa 'kin ay biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na ang mukha niya. Si Jameson my loves? Siya ang humila sa akin? [JAMESON'S POV] Nang makaalis na sina Lance at Kisses ay naiwang mag-isa yung babaeng kasama nila. Ito na ang pagkakataon ko. Agad kong nilapitan yung babae at hinila ko siya papalakad. "T-teka." narinig kong sabi niya pero hindi naman siya umangal. Mukhang na-shock siya sa ginawa ko. Dinala ko siya sa parking area kung saan nando'n ang kotse ko at tinulak ko siya papasok sa may passenger seat sa harap. Ako naman ay pumasok sa may driver's seat. "J-jameson Faulkerson?" narinig kong sabi ng babae. Mukhang kilala niya ako. Kung sabagay, sino ang hindi makakakilala sa 'kin? Sinimulan ko nang imaneho ang kotse ko. Tahimik lang kaming dalawa habang nag-da-drive ako. May dahilan ako kung bakit ko siya hinila rito. The way Lance look at her, parang may kakaiba. Bigla itong pumukaw sa atensyon ko. Plus the fact na close sila ni Kisses. Maybe I can use her. Maybe she can help me to spy Lance and get some information about Kisses' daily lives. Maybe she is the solution of my problem right now. Nang makarating kami sa parking lot na malapit sa aking condo ay do'n ko pinark ang kotse ko. "Follow me." I said to her at bumaba na ako sa kotse ko. Naglakad ako papuntang condo ko. "Ah my loves--este Jameson, bakit mo pala ako hinila? At nasaan tayo ngayon?" narinig kong tanong niya. But I did not response. Nang makarating na kami sa condo ay kinuha ko ang susi sa aking bulsa para buksan ito. [RAFAELA'S POV] Nakakainis naman 'tong bibig ko! Bigla na lang naging marupok. Sa isip ko lang dapat siya tatawaging my loves pero aksidente kong nasabi ito. Dapat pala hindi na lang ako nagsalita. Na-snobzoned tuloy ako. "Come in." sabi sa 'kin ni Jameson my loves nang mabuksan na niya ang pinto. Pagkapasok namin sa loob ay halos mapanganga na ako sa ganda ng disenyo nito. Halos lahat ng mga gamit ay kulay blue. Tapos nakikita ko rin ang mga awards niyang naka-display. It makes me proud to be a Jamesonatics dahil malayo na ang narating ng idol ko. Pero ang pumukaw talaga ng pansin ko ay yung malalaking pictures niya na nakadisplay lalo na yung wala siyang suot na pang-itaas. Ang pogi at hot niya talaga. "You can sit." he said. Sinunod ko naman siya at umupo ako sa isang couch. "Just stay there." sabi pa niya at pumasok siya sa isang silid. Baka kwarto niya yun. Ako naman ay tumingin sa paligid at hindi mapigilang ma-excite. Waaa! Hindi ako makapaniwalang kasama ko siya ngayon. At nasa condo pa niya ako. Pero nagtataka rin ako. Bakit kaya niya ako hinila rito? Ilang minuto ang nakalipas pero hindi pa rin lumalabas si Jameson my loves sa kanyang kwarto. Ano kaya ang ginagawa niya sa loob? At dahil nabobored na rin ako ay napagdesisyunan kong ikutin ang buong condo niya. Una kong pinuntahan ay ang kanyang kusina. Sobrang linis ito at organisado. Wala man lang ako nakikitang dumi o na-misplaced na gamit. Sunod naman ay ang balkonahe. May mga iba't ibang mga bulaklak do'n. Mukhang mahilig siya sa mga bulaklak. Tapos ay bumalik na ako sa loob at tinignan ko rin ang mga naka-display na gamit sa paligid. Halata ngang mamahalin eh. But something caught my attention. May isang picture frame do'n na nakakulob kaya hindi ko makita ang litrato nito. Hahawakan ko na sana ito pero may isang kamay na tumigil sa 'kin. "What are you doing?" Biglang nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang galit na boses ni Jameson my loves.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD