[JAMESON'S POV]
Tang-ina! Pakiramdam ko ay hindi ako makagalaw sa narinig ko kanina.
Baka iba lang ang pagkakaintindi ko. Imposibleng magawa niya 'yon lalo na't mahal na mahal niya si Rafaela.
*kriiiinnnngggggg!*
Tumunog ang phone ko. Tumatawag si Lance. Kailangan kong malaman ang totoo mula sa kanya.
Sinagot ko naman ito.
("Na-save mo ba lahat ang mga napag-usapan namin ni Elisa?") tanong niya.
"Oo, na-save ko LAHAT ang pinag-usapan niyo." sagot ko at diniinan ko pa ang salitang 'lahat'.
("Good. Nasaan ka ba ngayon para mapuntahan kita?") - Lance
"Nandito lang ako sa parking lot. Naghihintay sa 'yo."
("Sige, papunta na ako diyan.") - Lance
Magtutuos tayong dalawa Lance. Kung totoo talaga ang narinig ko.
You'll be in big trouble.
[RAFAELA'S POV]
- THREE WEEKS LATER -
"Okay trainees. That's all for today." sabi sa 'min ng choreographer.
Pagkatapos ng buong araw na training namin sa WP Entertainment ay nagsilapitan naman sa 'kin ang mga co-trainees ko.
"Woah! Ang cool ng viral performance mo Rafaela."
"Oo nga, pang-idol material ka na."
"Ang swerte talaga namin dahil magiging ka-groupmate ka namin."
Ngayon lang ulit ako nakapasok sa WP Entertainment at ganoon na lang ang paghanga nila sa 'kin nang makita nila ako.
Sabay-sabay kaming lumabas hanggang sa magkanya-kanya na kami ng lakad. Si Kisses na lang ang kasama ko.
"Daan muna tayo sa supermarket." - Kisses
"Sige, sakto may bibilhin din ako do'n."
Pagkarating namin sa supermarket ay nagtinginan agad sa amin ang mga tao.
"OMG! Si Rafaela."
"Hala! Kasama niya si Kisses."
"Close sila?"
"Parehong ang agency nila dahil idol trainee silang dalawa."
"Really?"
"Yup. Kwento sa 'kin ng pinsan kong idol trainee din sa WP Entertainment."
"Wow! Ang swerte naman ng pinsan mo."
"I can't wait for their debut."
"Hay sana marunong akong kumanta at sumayaw para maging idol trainee din ako."
Woah! Ang dami na nilang alam tungkol sa akin. Ang dami ko yatang stalker. Hehehe!
Ang binili ko ay isang pack ng slice bread at isang can ng luncheon meat. Habang si Kisses naman ay stick-o ang binili niya na iba't iba ang flavor. Ang dami naman niyan. Siguro ay ipapamigay niya yung iba.
"May bibilhin ka pa ba?" - Kisses
"Wala na."
"Ako rin. Punta na tayo sa counter." - Kisses
Nang mabayaran na namin ni Kisses ang binili namin ay pumunta naman kami sa Jollibee. Ang dami nga niyang tinake-out eh.
"Para saan lahat ang mga 'yan?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Para sa 'kin lahat 'to. Na-crave kasi ako bigla sa mga binili ko." - Kisses
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinagot niya. Seriously? Kaya ba niya 'tong ubusin?
[LUCAS' POV]
Ganoon na lang ang gulat ko nang bigla-biglang pumasok si Lance sa unit ko. Parang problemado siya.
"f**k!" - Lance
Nakita kong napahilamos siya sa mukha niya.
"Ayos ka lang ba bro?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"No, I'm not okay and I will never be okay." sagot niya. Halatang hindi siya mapakali.
Ba't pa ako nagtanong kung kitang-kita naman?
"Pero bakit parang pinagsukluban ka yata?"
"Damn it! I can't believe that she's pregnant." - Lance
"Ha? Sinong pregnant?"
"W-wala." sagot niya.
Ang weird ng kapatid ko ngayon. May nangyari ba sa kanya?
"Oh, L.J. Ikaw pala." narinig kong sabi ni Mom.
"Hello Mom. Okay lang po bang dito muna ako ngayong gabi?" tanong ni Lance kay Mom. Mom din ang tawag niya sa mama ko kahit magkapatid lang kami sa ama. Okay lang naman sa 'kin dahil gusto naman ni Mom 'yon.
"Oo naman. Tinuturing kitang anak ko L.J. kaya pwedeng-pwede kang mag-stay dito kahit kelan mo gusto." - Mom to Lance
"Thanks Mom." - Lance to Mom
"May problema ba sa 'yo anak? Parang hindi yata maganda ang mood mo?" - Mom to Lance
"I'm fine Mom. Napagod lang po ako sa taping." - Lance to Mom
"Gusto mo ay ipagluto kita ng paborito mong ramyeon?" - Mom to Lance
"Sige po. Na-miss ko na po ang luto niyo Mom." - Lance to Mom
Nilapitan ko naman si Lance. May gusto akong tanungin sa kanya.
"Kumusta na pala kayo ni Rafaela? Napansin kong hindi ko na kayong nakikitang magkasama dahil lagi mong kasama ang Elisa na 'yon. Nagbago na ba ang tinitibok ng puso mo?" seryosong tanong ko sa kanya.
Nakita ko namang natigilan siya. Hindi niya alam ang isasagot sa mga tanong ko.
"W-we're okay Lucas." sagot niya sabay iwas ng tingin sa 'kin.
It's obvious that he's lying.
"Yung totoo Lance? Okay ba kayo ni Rafaela?" mas sumeryoso ang tanong ko sa kanya.
"A-anong klaseng tanong ba 'yan bro?" - Lance
Not convincing.
"Siguraduhin mo lang talagang wala kang gusto sa Elisa na 'yon. Kung meron man, aagawin ko sa 'yo si Rafaela." pananakot ko sa kanya.
Nakita ko naman ang paglaki ng mga mata niya. "A-anong ibig mong sabihin?"
"I like her Lance. Sabihin mo lang sa 'kin kung ayaw mo na sa kanya dahil sasaluhin ko siya." sabay tapik ko sa balikat niya at tinalikuran ko na siya.
Base sa reaksyon niya ay gusto pa rin niya si Rafaela. Napanatag ako ng konti dahil do'n.
Sigurado akong may dahilan siya kung bakit lagi niyang kasama si Elisa. Hindi ko lang alam kung anong dahilan 'yon.
Pero 'wag lang talaga siya gumawa ng kalokohan na ikakasaktan ni Rafaela kung ayaw niyang magkaroon ng maraming pasa galing sa 'kin.
[LANCE'S POV]
"I like her Lance."
"I like her Lance."
"I like her Lance."
"I like her Lance."
"I like her Lance."
Hindi ako makagalaw dahil sa narinig ko mula kay Lucas.
May gusto siya kay Rafaela?
Nakaramdam ako bigla ng kaba lalo na ang pagbabanta niya sa 'kin.
Paano na 'to?
Nakagawa ng isang malaking kasalanan.
Kasalanang magpapabago sa buhay ko and I hate it.
Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi sa 'kin kanina ni Elisa.
*flashback*
While I'm practicing my script ay lumapit naman sa 'kin si Elisa.
"Lance, I want hilaw na mangga dipped with chocolate ice cream please." - Elisa
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
Hilaw na mangga dipped with chocolate ice cream? Anong klaseng pagkain 'yan?
"Ask your manager, not me. I'm busy." sabi ko sa kanya.
"Pero gusto ko ikaw ang kumuha. And I also want peanut butter spaghetti." aniya na mas lalong nagpakunot sa noo ko.
"Seriously. Hilaw na mangga dipped with chocolate ice cream and peanut butter spaghetti. What kind of foods are that?"
"Eh sa iyon ang gusto ko eh. Siguro ganito talaga kapag buntis." - Elisa
Natigilan naman ako sa sinabi niya.
"Y-you're pregnant?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yup and guess what?" - Elisa
Parang hindi maganda ang pakiramdam ko rito.
"You're the father. Magiging daddy ka na!" masaya niyang sabi.
Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko.
*end of flashback*
Parang gusto ko nang maiyak. Nakaramdam ako bigla ng pagsisisi dahil lagi ko siyang nilalapitan. Hindi ako makapaniwalang hahantong kami sa ganito.
What have I done?