[RAFAELA'S POV]
Medyo nakaramdam ako ng sakit ng ulo. Ano ba ang nangyari?
*shock*
Teka, nasaan ako?
Napatingin ako sa buong paligid.
Hindi ko 'to kwarto. Paano ako napunta rito?
Inalala ko ang huling pangyayari.
Tama, nasaktan ako dahil sa ginawa ni Lance. Tapos nawala na ako sa sarili dahil sa pag-iyak ko hanggang sa may kumidnap sa 'kin.
Teka, may kumidnap sa 'kin? Nakaramdam ako bigla ng kaba.
Hala! Anong klaseng tao kaya ang kumidnap sa 'kin? Mukhang mayaman dahil maganda ang kwarto.
O baka tulog pa rin ako at nananaginip.
*tok tok tok*
May narinig akong kumatok sa pintuan. Kumunot ang noo ko dahil wala akong idea kung sino ang nagdala sa 'kin dito. At hindi ko pa rin alam kung nananaginip pa ba ako dahil nasa ibang kwarto ako.
Bumukas ang pinto.
*shock*
"L-lance?" hindi makapaniwalang sabi ko nang makita ko siya.
Sinampal ko ang sarili ko.
Hindi ako nananaginip. Totoo lahat ng nakikita ko.
May dala siyang mga pagkain na nasa maliit na mesa.
"You're awake. Pinagluto kita ng breakfast. It's better kung dito mo nalang kainin." aniya sabay lapag sa harapan ko ang maliit na mesang may iba't ibang putahe na niluto niya. Puro korean foods.
Bumangon ako at saka napaupo sa kama. "T-teka, nasaan ako?"
"Nasa Palawan ka." sagot niya.
Ah Palawan lang pala.
Teka, PALAWAN?
"NASA PALAWAN TAYO?" napasigaw ako bigla.
Tumango naman siya.
"Teka, paanong napunta ako rito?"
"Kinidnap kita." - Lance
Napaawang ang labi ko. "Ano? Ikaw ang kumidnap sa 'kin?"
He nodded.
Tumayo naman ako. "Ibalik mo ako sa Laguna."
Hinanap ko ang phone ko pero hindi ko ito nakita.
Nilingon ko naman siya. "Nasaan ang mga gamit ko?"
"Iniwan ko lahat mga gamit mo sa condo ko." sagot niya.
"Ha? Hindi pwede. Baka hanapin ako nina Mama."
"Nagpaalam na ako sa kanila at pumayag sila." - Lance
"Hindi pwede. Kailangan nating umuwi. Baka kung ano ang isipin ng girlfriend mo."
"Nagpaalam din ako sa kanya at pumayag siya." - Lance
Natiligan naman ako do'n.
"Just three days Rafaela. Gusto kitang ma-solo kahit tatlong araw lang." - Lance
"Pero..."
"Please Rafaela." pagmamakaawa niya.
"Mali 'to Lance. Kahit na pumayag pa ang girlfriend mo ay hindi tamang magkasama tayong dalawa. Walang tayo Lance."
Kahit gustuhin ko man ay hindi talaga pwede.
"Mahal kita Rafaela."
Natigilan ulit ako pero saglit lang 'yon. "'Wag mo na akong paasahin pa Lance. Hindi na ako magpapadala ulit sa mga galawan mong pa-fall."
"Pero totoo la..." - Lance
"Shut up." pagpigil ko sa kanya. "Ihatid mo na ako pabalik." dagdag ko pa.
"Hindi." - Lance
"Ha? Anong hindi?"
"Sa ayaw at sa gusto mo ay makakasama mo ako ng tatlong araw." - Lance
"'Wag ka ngang magbiro ng ganyan Lance?" inis kong sabi.
"I'm not joking Rafaela." - Lance
"Kung ayaw mo akong i-uwi. Ako na mismo ang uuwing mag-isa."
At lumabas na ako ng kwarto. Akala niya siguro ay hindi ako makakauwi nang mag-isa.
Pero nang makalabas na ako ng bahay ay ngayon ko lang napagtantong nasa isang isla kami. Walang tao, walang sasakyan, walang daanan dahil puro puno at dagat ang nasa paligid. May daan naman pa-diretso pero masyadong malayo ito para lakarin. Baka abutin pa ako ng isang buwan para makapunta sa dulo.
"N-nasaan tayo Lance." kinakabahang tanong ko.
"My island." sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko.
Isla niya 'to? Ganito kalawak na isla?
Agad naman akong lumingon at nakita ko ang nakakalokong ngisi niya.
"Lance! Ibalik mo na ako sa Laguna!" sigaw ko sa kanya.
Pero hindi niya ako pinakinggan at tinawanan niya lang ako.
"Three days baby." aniya at bumalik na siya sa loob ng bahay.
Kainis!
At ayan na naman ang katatawag niya sa 'kin ng baby.
[KISSES' POV]
Hindi ako mapakali at pabalik-balik akong naglalakad sa may waiting area habang hinihintay na lumabas ang doctor.
"Calm down Sis. Baka mapano ang baby mo sa tiyan. Magtiwala lang tayo sa Diyos. Magiging okay din ang lahat." narinig kong sabi ni Danielle.
Pero hindi ko pa rin mapigilang kumalma.
Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas na ang Doctor.
"Kumusta na po siya Doc?" nag-aalalang tanong ko.
"Based on the test we do to him, his hippocampus is damaged." sabi ng Doctor na hindi ko naman naintindihan. Pero pakiramdam ko ay hindi ito maganda.
"A-anong ibig niyong sabihin." kinakabahang tanong ko.
"There is possibility na magkaroon ng pasyente ng post-traumatic amnesia." paliwanag ng Doctor na ikinatigil ko bigla.
"N-no."
"Hindi pa siguradong magkakaroon siya ng post-traumatic amnesia. Malalaman lang natin ito kapag magising na siya. Lets just hope na okay lang siya." dagdag pa ng Doctor.
Nang umalis na ang Doctor ay hindi ko naman mapigilang maiyak.
"Sssshhhh! Everything will be alright Sis. Ganyan din ang nangyari dati kay William. Kahit nawala man dati ang alaala niya tungkol sa 'kin pero yung feelings naman niya sa 'kin hindi." - Danielle
"P-pero Sis, magkaiba sila ng amnesia."
"Ang mahalaga ay okay siya. Iyon muna ang isipin mo." - Danielle
Tumango naman ako. Tama siya, ang mahalaga ay hindi siya mamamatay. At saka hindi pa naman siguradong magkaka-amnesia siya. Ipagdarasal ko na lang na maayos ang kondisyon niya.
[RAFAELA'S POV]
"Wow!" manghang sabi ko nang ipasyal ako ni Lance sa isla niya.
"You like it?" tanong niya.
Masayang tumango ako. Parang kanina lang galit ako sa kanya dahil dinala niya ako rito pero ngayon ay nawala na. Karupukan nga naman.
"I'll show you something." sabi niya kaya sinundan ko naman siya.
Dinala ako ni Lance sa isang building na may taas yatang 35 floors. Ang taas naman. Sumakay kami ng elevator at dinala niya ako sa pinakatuktok ng building.
"WOW!" manghang-mangha kong sabi. Tanaw na tanaw ko rito ang kalawakan ng dagat at pati na rin ang sunset.
"I have a surprise for you after sunset." aniya pero hindi ko pinansin ang sinabi niya. Nakatutok pa rin ang mga mata ko sa magandang tanawin.
Naramdaman ko naman ang pag-akbay niya sa 'kin.
*heart beats*
Ayan na naman ang kabog ng puso ko na siya lang ang nakakagawa.
[ELISA'S POV]
Kainis! Ang bobo talaga ng lalaking 'yon. Bakit niya 'yon ginawa kina Jameson? 'Yan tuloy, nadagdagan na naman ang kaso niya. Magiging masaya na sana ako dahil nakakulong na siya kung hindi lang niya ako pinagbantaan kanina. Alam niya ang sikreto ko.
Nang makarating ako ng presinto ay pilit kong tinatago sa mga tao ang mukha ko. Hindi nila pwedeng malamang may binibisita akong kriminal dito dahil baka masira ang pangalan ko sa showbiz.
"Buti naman at dumating ka." aniya.
"Bakit mo ako pinapunta rito?"
"Dahil kailangan ko ang tulong mo. Ilabas mo ako rito sa presinto." sagot niya.
"At bakit naman kita tutulungan? Kung hindi ka lang tatanga-tanga ay hindi ka sana makukulong. Bakit mo ginawa 'yon kina Kisses at Jameson? Wala 'yon sa plano natin."
"Because I have no choice. I'm losing everything. Lahat ng pinaghirapan ko ay unti-unting nawawala na parang bula." sabi niya.
"And it's all your fault! Dapat nag-isip ka muna nang mabuti!"
"Pakawalan mo na ako rito Elisa. Hindi ko na kayang amuyin pa ang baho ng selda rito." aniya.
"Ayoko. Ikaw ang gumawa ng paraan dahil kasalanan mo 'yan."
"Gusto mo sabihin ko sa kanyang hindi siya ang ama ng pinagbubuntis mo?" pagbabanta niya na ikinatigil ko naman.
"W-wag. H-hindi niya pwedeng malaman ang totoo." nanginginig kong tugon.
"Gusto mo ipahanap ko sa mga tauhan ko ang lalaking nakabuntis sa 'yo?" banta niya ulit na ikinatakot ko bigla.
"Gagawin ko na, gagawin ko na bwisit ka! Just give me time to think a plan." Napatiklop niya ako bigla.
"Great. Susunod ka rin pala." ngising tugon niya.
Hindi pwedeng malaman ni Lance ang totoo. Kailangan kong gumawa ng paraan para itikom ng lalaking 'to ang bibig niya.