[KISSES' POV]
Pagkatapos naming kumain ni Tim ay nagpaalam na kaming dalawa sa isa't isa. Maraming kaming napagkwentuhan especially the movie na ididirek niya. Nalaman ko rin mula sa kanya na isa pala sa mga cast si Lance sa movie kasama sina Jameson at Elisa. Bakit hindi man lang sinabi sa 'kin ni Lance ang tungkol do'n? Kung sabagay, hindi rin niya alam na nandito ako sa DCU kaya quits lang kaming dalawa. Hahaha!
*boogsh*
"Ouch!" ang nasabi ko bigla. May nakabangga kasi sa 'king isang tao kaya ang ending ay natumba ako.
"Errr! Ano ba! Look where you're going nga." mataray na sabi sa 'kin ng isang babae. Wow ha! Siya na nga 'tong nakabangga, siya pa 'tong mataray.
Pero ba't pamilyar ang boses niya?
Tumayo naman ako at tinignan ang babaeng nakabangga sa 'kin.
*shock*
"Elisa?" hindi makapaniwalang sabi ko. Siya nga rin ay nagulat pero nawala agad ito at napalitan ito ng ngisi.
"Well look who's here, it's nice to see you again Kisses. I didn't expect to see you here for the second time. Gano'n ka ba talaga ka-desperadang habulin siya?" aniya.
Pinigilan ko namang mapikon sa sinabi niya at binigyan siya ng plastic na ngiti.
"Aww! How sweet of you Elisa. I didn't expect na makakapasok ang isang AHAS na kagaya MO. Hindi mo ba nakita sa tapat ng gate na NO ANIMALS ALLOWED?" may diin ko pang sabi sa kanya.
Nakita kong nainis na rin siya sa sinabi ko pero pinigilan niya lang yun.
"Well at least maganda pa rin ako, unlike you na mukhang higad and a loser." aniya.
"Kahit mukha akong higad at loser. At least hindi ako nagpapagalaw sa iba't ibang lalaki para lang makakuha ng mga projects sa showbiz unlike you." sabi ko sa kanya na ikinalaki ng mga mata niya.
Akala siguro niya hindi ko alam. Nakita ko siyang nakipaglampungan dati sa isang Director para lang makuha ang main role sa teleserye namin noon kasama si Jameson. Ako dapat ang bida no'n pero dahil sa ginawa niyang pang-aakit sa Director ay naging second lead na lang ako. Dahil sa nangyari ay unti-unting gumuho ang career ko.
"How dare you to say that!" galit niyang sabi at sinugod niya ako para sabunutan.
Hindi naman ako nagpatalo at sinabunutan ko rin siya.
"Hayop ka talagang babae ka! Para 'to sa ginawa mong pagsira sa career ko! Para rin 'to sa ginawa mong pang-aagaw kay Jameson sa 'kin!" sigaw ko sa kanya habang sinasabunutan siya.
"Kahit anong gawin mo ay hindi mo ako malalamangan b***h! Dapat alam mo yung lugar mo!" sigaw naman niya.
"Ikaw dapat ang matutong lumugar! Dapat sa 'yo ay nasa zoo at hindi nasa showbiz!" sigaw ko ulit.
Nagsabunutan kami nang nagsabunutan...
Hanggang sa may pumigil sa aming dalawa.
"Enough both of you!" narinig kong sabi ng isang lalaki na pumigil sa 'kin sa pagsasabunot kay Elisa.
Napatingin naman ako kay Elisa at nagulat ako nang makita ko si Jameson na nasa likod niya. Siya ang pumigil sa kanya na sabunutan ako.
Hindi namin namalayang maraming estudyante pala ang nakanood sa eksena naming dalawa. Yung iba ay may hawak pang cellphone at kinukunan kami ng video.
"She started it! Wala naman akong ginagawang masama sa kanya pero bigla niya akong sinugod. Gusto ko lang naman siyang kamustahin eh." kunwaring naiiyak niyang sabi. As usual, nag-iimbento na naman siya ng kwento para siraan ako.
"Kahit kailan napakasinungaling mo talaga babae ka! Ikaw nga 'tong nakabangga sa 'kin at unang sumugod sa ating dalawa. Tapos ikaw pa 'tong umiiyak at feeling victim." pagtatanggol ko sa sarili ko sa kanya habang tinitignan siya nang masama.
"Huhuhu! Jameson, please help me. I'm so scared. Look at her. Parang gusto niya akong..." - Elisa
Hindi natuloy ang pagsasalita niya nang bigla siyang nahimatay. Or should I say, umakto siyang nahimatay.
Nakita ko naman ang pagpapanic ng mga estudyante.
"Elisa, Elisa wake up." narinig kong sabi ni Jameson habang ginigising ang babaeng yun.
Bigla naman siyang napatingin sa 'kin.
And he gave me a blank look.
"Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagbabago Kisses." sabi niya sabay buhat kay Elisa at umalis na siya.
Nasaktan naman ako dahil do'n. Until now ay si Elisa pa rin ang pinaniniwalaan niya.
Gano'n ba talaga niya kagusto ang babaeng yun?
[RAFAELA'S POV]
Grabe, ang sarap ng mga niluto sa 'kin ni Lance. Feeling ko kahit busog na ako ay gusto ko pa ring kumain.
Puro korean dishes ay niluto niya sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinagluto pero hindi ko na iyon inintindi pa dahil masarap talaga siya.
***
Ito yung mga pagkaing niluto niya:
- Kimchi.
- Samgyeopsal.
- Jjajangmyeon.
- Tteokbokki.
- Samgyetang.
- Bibimbap.
- Jjamppong.
***
Nalaman ko rin na may lahing Koreano pala 'tong si Lance. Bakit ngayon ko lang yun naisip? Akala ko kasi ay stage name niya lang ang 'Lance Jerold Kim'. Real name din pala niya yun.
Habang kumakain ako ay hindi ko napigilang mapatingin kay Lance.
*shock*
Nakangiting nakatingin siya sa 'kin.
Pero iniwas niya agad iyon.
Anong meron at ganyan siya makatingin?
[LANCE'S POV]
Pinagmasdan ko lang si Rafaela habang kumakain.
*smiles*
Ang cute cute niyang tignan. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti.
Napatingin naman siya sa 'kin.
*shock*
*iwas tingin*
Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Sana hindi niya ako nahuli.
"Gusto mo?" narinig kong tanong niya. Inaalok niya siguro ako ng pagkain.
"No, I'm full." I said to her.
'Makita pa lang kita ay busog na ako.'
*shock*
Bakit napabanat ako bigla?
Pagkatapos niyang kumain ay aalis na sana siya pero pinigilan ko siya dahil kailangan pa naming pag-usapan ang kumalat na issue tungkol sa 'ming dalawa. Dahil sa nangyari ay nakatanggap siya ng maraming negative comments sa social media. Mostly ay galing sa mga fans ni Elisa at hindi ko naman talaga fans. Hindi niya deserve ang mga hate comments na yun. But good thing na wala pang nananakit sa kanya physically.
Yung mga fans ko naman ay napaka-supportive kung sino man ang makakarelasyon ko. Nagbigay ito sa 'kin ng motivation para ituloy 'tong plano ko.
At ito rin ang unang hakbang ko para makuha ko ang puso niya.
[RAFAELA'S POV]
Pinag-usapan namin ni Lance ang tungkol sa kumalat na issue tungkol sa 'ming dalawa.
"As what I have said before, magpapatawag ako ng press conference to confirmed our relationship as a real couple. At sasagutin din natin ang mga tanong ng mga reporters tungkol do'n." pagpapaliwanag ni Lance.
Mukhang seryoso nga siya tungkol sa 'pagpapanggap naming mag-jowa' thingy.
"Kinausap ko na rin ang agency ko tungkol dito at pumayag naman sila sa plano ko. Desisyon mo na lang ang hinihintay ko." aniya.
Sa totoo lang, ayoko sa plano niyang 'yan. Pero naisip ko pa rin yung pinapagawa sa 'kin ni Jameson na kailangan kong maging boyfriend si Lance. Kaso hindi dapat ganito, kailangan kong maging totoong boyfriend siya. Nga ba?
"Sang-ayon ka ba sa plano ko?" tanong niya habang nakatingin sa 'kin.
Yung tingin niya ay parang hinihypnotize ako. Ang gwapo niya talaga.
Teka, ano ba 'tong pinagsasabi ko? Waaaaa! Rafaela, hindi pwede. Si Jameson lang ang gwapo sa paningin mo. Wag kang taksil!
"Okay." yun lang ang sinabi ko.
"Great. Magpapa-set agad ako ng schedule para sa press conference nating dalawa." sabi niya at may tinawagan siya sa kanyang phone.
At dun ko na-realize kung ano ang nasabi ko.
Napatakip ako bigla sa aking bibig.
Oh no!
Pumayag ba ako sa plano niyang maging fake girlfriend niya?
Waaaaa! Bakit naging marupok ang bibig ko sa kanya? First time 'tong mangyari na maging marupok ako dahil sa ibang lalaki. Kay Jameson lang ako nagiging ganito.
Mukhang hindi maganda 'to.