[RAFAELA'S POV]
May kung sino ang pumalo sa 'kin ng unan habang natutulog ako sa kama ko. Nagising ako bigla at nakita kong nakatayo si Kuya Rafael sa harap ko na naka-boxer brief lamang at nakatingin siya sa 'kin gamit ang masungit niyang mukha.
"Ano ba?! Sunday ngayon Kuya, wala tayong pasok!" inis kong sabi kay Kuya. Hindi na nga ako nakatulog kagabi tapos ginugulo pa ako ni Kuya Rafael na daig pa ang Calvin Klein model sa itsura niya ngayon. Hindi man lang siya nahihiya sa itsura niya ngayon. Pero may ipagmamalaki naman ang katawan niya. Hahaha!
"May naghihintay sa 'yo sa baba. Akala ko ba hindi mo boyfriend yun?" aniya habang masungit pa rin ang mukha niya.
Nanlaki naman ang mata ko dahil do'n. Baka si Jameson yun.
Bumaba agad ako ng kama at pumunta sa banyo ko. "Pakisabi maliligo lang ako!" sigaw ko kay Kuya Rafael.
"Gee." matipid niyang sagot.
Habang naliligo ako ay pumasok sa isip ko ang sunod-sunod niyang pagtawag sa 'kin kahapon. Dahil sa narinig ko kahapon mula kay Kisses ay hindi ko na sinagot pa ang mga tawag ni Jameson. Hanggang ngayon ay na-gui-guilty pa rin ako dahil boyfriend ko ang lalaking mahal niya.
Pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako ng komportableng damit at shorts.
"Hoy! Bilisan mo diyan! Nakakahiya sa bisita mo!" sigaw ni Kuya Rafael mula sa labas ng kwarto.
"Ito na!" sigaw ko namang tugon sa kanya.
Pagkalabas ko ng kwarto ay pumunta agad ako sa sala.
*shock*
Teka, akala ko ba...
Bakit si Lance ang nandito?
"Good morning Rafaela." nakangiting bati niya sa 'kin.
"Hehehe! Good morning din." tugon ko naman kay Lance.
Ano kaya ang ginagawa niya rito? Paano niya nalamang dito ako nakatira? At saka siya ba ang tinutukoy ni Kuya Rafael na boyfriend ko? Imposible, ikinuwento ko naman sa kanilang hindi ko siya boyfriend. May ibang boyfriend ako pero hindi pa nila alam kung sino. Noong bumisita kasi si Jameson dito ay si Mama lang ang nakakita sa kanya. Pero mukhang hindi yata nakilala ni Mama ang itsura niya.
"Pakainin mo muna yang bisita mo. Baka nagugutom na siya." sabi sa 'kin ni Kuya Rafael.
"Punyeta ka Kuya! Magbihis ka nga. Hindi ka man lang nahihiya kay Lance." inis kong sabi sa kanya nang makita kong naka-boxer brief pa rin siya.
"Masyadong mainit ang panahon kaya mas komportable ang ganitong suot. At saka tayo-tayo lang naman ang nandito at pareho kaming lalaki ni Lance kaya walang problema." aniya.
"Kahit na. Napaka-feeling model mo rin eh." sabi ko sa kanya.
"Pero mas hot ako kaysa sa mga lalaking model na nakikita mo sa magazine." pagyayabang niya.
"Teka, bakit parang humangin yata?" sarcastic kong sabi sa kanya.
"Whatever my dear 'lil sis. Kumain na nga tayo." tugon sa 'kin ni Kuya Rafael sabay baling ang tingin niya kay Lance. "Bro, samahan mo kaming mag-breakfast."
"Ah h-hindi na ho. Nag-breakfast naman ho ako bago dumating dito." tugon ni Lance kay Kuya.
"Edi mag-breakfast ka ulit. I'm sure pagsisisihan mo 'to kapag hindi mo matikman ang niluto ko." - Kuya Rafael to Lance
"Gano'n ho ba? Mukhang nagutom ho ako bigla at natakam sa luto niyo." - Lance to Kuya Rafael
Teka, ba't parang may iba?
Pumunta naman kaming tatlo sa dining area para kumain ng breakfast. Eh hotdog, itlog at sinangag lang naman ang niluto ni Kuya Rafael pero yung sinabi niya kay Lance. Parang nagmamayabang siya na masarap ang niluto niya.
"Masarap nga ho." sabi ni Lance nang matikman niya ang luto ni Kuya.
Tinikman ko naman ang niluto ni Kuya Rafael.
Eh parang wala namang espesyal na lasa sa niluto ni Kuya ha.
"Bakit ka nga pala nandito bro? Aayain mo ba ang kapatid kong makipag-date?" tanong ni Kuya na ikinalaki ng mga mata ko.
"Kuya!" inis kong sigaw sa kanya.
"Opo sana. Kung pwede." sagot ni Lance kaya natigilan ako bigla.
Seryoso ba siya sa sinabi niya?
"Syempre bro, you can date her. Alam mo namang boto ako sa 'yo noong una pa lang." sabi ni Kuya Rafael sabay kindat sa kanya.
Ha? Anong ibig niyang sabihin?
"Hindi ka rin ho pala nagbabago Kuya Rafael." sabi ni Lance kay Kuya.
Teka, magkakilala ba silang dalawa?
"Magkakilala kayo?" tanong ko bigla sa kanila. Kaya pala may kakaiba.
"Oo naman Sis. Pero teka, natatandaan mo ba siya?" sabay turo ni Kuya Rafael kay Lance.
Napakunot naman ang noo ko.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Siya yung batang may gus--tdjoutdj." Hindi natuloy ang sinasabi ni Kuya Rafael nang subuan siya ni Lance ng malaking hotdog.
"f**k, bro." ang nasabi ni Kuya Rafael.
"Hindi pa niya pwede malaman ang katotohanan Kuya Rafael." sabi ni Lance habang nakatingin siya sa 'kin.
Teka, may nililihim ba sila sa 'kin?
***
Pagkatapos naming mag-breakfast ay inaya ako ni Lance sa condo niya para pag-usapan ang gaganapin na press conference which is on Wednesday na at sa DCU pa talaga gaganapin.
"Nandito lahat ang mga set of questions na posibleng itanong ng mga press at nandyan na rin ang isasagot natin. Kailangan mong pag-aralan lahat yan before the press conference. Dapat makabisado mo ang lahat ng 'yan. Once na magkamali ka kahit konti ay mabubuko agad tayo." sabi ni Lance sabay bigay sa 'kin ang script na ginawa niya.
"Okay copy." tipid kong tugon sa kanya habang tinitignan ang bawat pahina ng script.
"Good. Iwanan muna kita diyan. Mag-C-CR lang ako." aniya at pumasok na siya sa loob ng banyo niya.
Ako naman ay dumapa sa kama niya para pag-aralan ang script. Nasa kwarto pala ako ni Lance, hindi ko kayo na-informed.
Ilang minuto ang nakalipas at na-bored ako bigla. Ang tagal naman ni Lance sa banyo.
Tiningnan ko ang buong kwarto niya. Mas malaki pa 'to sa kwarto ko at ang linis pang tingnan.
Pumukaw ng aking pansin ang mga naka-display na awards na napalanunan niya bilang actor. Hindi ko naman mapigilang mapahanga sa kanya lalo na't halos karamihan sa mga awards niya ay puro 'Actor of the Year' which is pinaka-grand prize sa bawat awards show. Pero mas marami pa ring awards si Jameson kahit hindi ito pang-grand prize.
Sumunod naman ay ang bookshelf niya. Ang daming niyang libro do'n. Mukhang mahilig siyang magbasa.
Tumayo ako at saka lumapit sa malaking bookshelf na parang built-in na nakadikit sa pader.
Tinignan ko ang bawat title ng mga libro at nakita ang paboritong kong binabasang novel na 'His Saddest Love Story written by AriadneWP'.
Kinuha ko iyon sa bookshelf at saka binuklat. Pero naagaw ng pansin ko ang isang picture na nahulog mula sa novel.
Kumunot ang noo ko saka tiningnan ang nahulog na picture sa sahig.
Isang batang babae. Naka-side view habang nakayuko, mahaba ang buhok at... hindi ko na maaninag kaya pinulot ko iyon mula sa sahig.
Pero nagulat ako nang maunahan ako ni Lance. Nakalabas na pala siya mula sa CR.
Nakaramdam naman ako ng kaba dahil sa pangingialam ko sa mga gamit niya. Baka magaya na naman ako dati noong pinakialamanan ko ang mga gamit ni Jameson.
"P-pasensiya na kung nakia..."
Pero hindi natuloy ang pagsasalita ko nang bigla niya akong hinila...
...at niyakap.
*heart beats*
Natigilan naman ako dahil do'n. Bakit bigla bigla siyang nangyayakap?
"Can we stay like this for a while?" narinig kong sabi ni Lance. Yung boses niya ay parang may halong lungkot.
Pagmamakaawa.
At pagka-miss.
*heart beats*
Ramdam na ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko.