Flowers for you

2594 Words
Kinabukasan Nakauwi ako kinaumagahan pagkatapos akong ihatid ni sir jared, agad na akong gumayak para sa work namin, paulit-ulit akong kinulit ni lannie kung paano raw kaming biglang nagkasama ni sir jared at ano ang pinaggagawa namin, sinabi ko nalang sa kanya na si sir jared talaga ang kikitain ko at birthday niya kaya naki-celebrate na ako, pero hindi ko sinabi sa kanya na may nangyari sa pagitan namin, paniguradong maiinis siya sa akin ng sobra, pero kailangan ko munang itago ito dahil hindi ko pa alam kung isa lang nga ba ako sa babae ni sir jared o talagang gusto niya na ako. Pagkayari kong kumilos ay agad na kaming pumasok ni lannie, nagbatian pa ng makita ang 'night friends' daw sabi nila, nagkumustahan sila at binati ng congrats sina ken at monica kasi finally na-inlove na rin daw si monica, ilang rejections daw kasi ang natanggap noon kay ken pero hindi siya sumuko hanggang sa natutunan na rin ni monica na mahalin siya pabalik, naiinggit ako sa kanila at naghahangad na sana ay mayroon ding ganoong lalaki sa akin, yung hindi mapapagod maghintay kahit matagal, hindi mapapagod at susuko dahil lang mahirap at komplikado ang sitwasyon. Bigla ko tuloy naalala ang estado namin ni sir jared, parang ang bilis ng pangyayari at sa isang iglap ay ibinigay ko ang gusto niya, hindi ko malaman ang sagot kung bakit biglang nagkaganon ang sitwasyon, boss ko siya at isa ako sa kilalang employee niya, hindi kahit minsan sumagi sa isip ko na maaaring magkaroon kami ng ugnayan. Nang nagtanghali ay sabay sabay kaming nag-lunch ng mga new friends namin sa isang fast food chain sa baba ng building, pinayagan naman kami ni sir jared na kahit one hour bago kami bumalik, si ms.bianca ang nagsabi sa amin non sa call dahil nga wala naman daw si sir jared ay may dagdag free time kami. Ang alam ko ay mayroon silang meeting ulit kasama ang mga investors ng kompanya at may mga plan sila this month na magkaroon ng mga events. Habang naglalakad kami palabas ng building ay patuloy sila sa pagkekwentuhan kaya sobra akong natutuwa lalo na sa presensya ng mga bakla na siyang sobrang mga kwela sa grupo. "hindi pa rin ako maka-move on, si monica na at si ken! halos noon ay panay ang pag-iwas nitong si monica dahil hindi raw niya gusto si ken, at sabi niya pa hindi niya ito magugustuhan kailanman!" daldal ni leandra. "ganyan talaga pag tinamaan ka ng lintik na pag-ibig" sagot ni selena. nauuna silang maglakad kasama ng mga bakla at medyo nasa huli ako dahil nasa likod ko sina vince at lannie na sa tingin ko'y landian ang ginagawa! gosh hindi ko akalain na seseryosohin niya si vince, well gwapo naman si vince at mukhang seryoso, pero ang kinakabahala ko lang ay itong si lannie, never stick to one siya simula high school pa lang. "oo nga ganyan talaga kapag napana ka ni kupido, kahit sinumpa mo pa at tinanim mo sa kailaliman ng malaking bato na hindi mo magugustuhan ang isang tao, kapag pinana ka, e biyak ang batong pinagsumpaan mo no! kayang durugin ng pag-ibig kahit anong bato!" dagdag ni benita. "ang lalim naman benita? bakit naranasan mo na bang magmahal? o mas magandang tanong, tinamaan kana ba ng pana ni kupido?" tanong ni cassie. "ehem syempre!" confident na sagot ni benita! "sus si sejun na naman yan!" sigaw ni baklang leandra na agad tinakpan ni benita ang bibig! natawa naman ako sa kanila! "shut up or you will die?" ani benita na agad namang tinawanan ng grupo. "tigilan mo nga ako impaktang 'to!" sabay hawi ni leandra sa kamay ni benita. "ang baho naman ng bibig mo!" sigaw ni benita. "hoy bakit nadawit ang pangalan ko dyan?" biglang lapit sa kanila ni sejun na katabi ko pala kanina pa! "wala yun sejun" pakipot na sagot nitong si benito. "aba! aba! hindi ka naman ganyan magsalita benita ha?!" away na naman sa kanya ni leandra. "magsitigil nga kayo." saway ni selena na siyang nangunguna sa lahat na agad napahinto sa paglalakad ng malapit na kami sa entrance, nakatalikod siya sa amin at dahan dahang humarap sa amin ng laglag ang panga! "hoy ano?" tanong ni cassie. "ano yan?" biglang tanong ni leandra na sinilip kung ano ang nakapagpahinto sa kila selena. "ay taray, kanino kaya yan?" tanong niya kaya naglakad ako papunta sa kanila. Nakita ko ang bungkos bungkos ng bulaklak na nakalagay sa entrance nakapatong sa isang mahabang tables doon na ngayon lang yata naroon, tingin ko ay apat na bungkos ng bulaklak iyon! at may mga nakasulat sa bawat isa. Agad na nilapitan nila selena ang security para magtanong kung bakit may ganoon doon at ang mga bakla naman ay lumapit sa mga bulaklak ng rosas, ang ganda ng mga ito! kaso ay may isang kulay na naiiba, kulay pula, at ang tatlo naman ay purong mga puti. Dali daling bumalik sa amin sina selena at nagugulat na napatingin sa akin, kay lannie at monica! "kaninong idea 'to? vince?ken?sejun?" biglang tanong ni selena! "uh not me." dagliang sagot ni sejun "lalo na ako! kung bibigyan ko man si lannie ay hindi roses! chocolates ang gusto niya!" sabi ni vince, na agad hinampas ni lannie ang braso. "oh wag nyo ako tingnan ng masama, wala akong alam dyan" sabat ni ken, na agad inismiran ni monica. "e ano raw ba kasi yan?" tanong ni leandra. "para sa aming apat daw e" sagot ni selena. "anoooo?!!!!!" sabay sabay na sagot naming tatlo! "oo kaya nga nagtataka ako!" sabi muli ni selena. "eh baka secret admirers lang?" sabi ni benita. "bakit sabay sabay namang secret admirers yan?" sabat na tanong ni cassie. "wala ba talaga kayong idea?" ani selena. "wala talaga bakla" sagot nila. Napakamot noo nalang si selena, agad na lumapit ang isang security sa amin at nagsabi ng nakakagulat na mga words! "ah excuse me po ms.selena, nakalimutan ko po palang sabihin na yung red daw po yung kay ms.pia" walang habas niyang sinabi! what the hell?! Sabay sabay nila akong nilingon ng may nagtatanong na tingin! now I'm dead! arghhh!! sino ba kasing nagbigay ng mga bulalak na 'to! pinahihirapan ang madali kong buhay! kairita! "ah guys wala akong alam dyan please wag nyo akong tingnan ng ganyan!" i said. "e bakit sayo ang pula? na nag iisang naiiba ang kulay! ibig sabihin may gusto sayo ang nagbigay niyan at nagpapa-impress sa amin na kaibigan mo!" ani lannie. "oo nga!" sang-ayon ng lahat Nahihiya naman akong tumingin sa kanila at hindi alam ang gagawin o sasabihin, kinuha ko nalang ang bulaklak at binasa ang nakasulat doon, ganoon din ang ginawa nila, at mas nagulat ako sa nakasulat! 'Our first date will be on saturday, I'll text you about sa info. text me when you got this flowers' What the hell? si sir jared ang nagbigay ng mga bulaklak! "anong nakasulat sa inyo?" tanong ni monica "have a wonderful day daw e" sagot ni lannie "sakin rin!" sagot ni selena "ha? e sakin din! ikaw ms.pia? tanong sakin ni monica! "h--a? e same lang din" maikling pagsisinungaling ko! "ganun? edi wala naman palang difference kundi ang kulay lang" sabi ni monica. Napatango tango naman ako ng hindi mahalata, tinitigan naman ako ni lannie na animo'y sinusuri at hindi pinaniniwalaan ang sinabi ko! kilala niya ako! matagal na kaming magkakilala at magkasama, kaya paniguradong hindi siya kumbinsido sa sagot ko, nawala lang sa akin ang tingin niya ng biglang pahablot na kinuha ni vince ang bulaklak sa kanya. "Akin na nga 'to! bwisit mukhang may makakalaban pa ako sayo!" sabi niya! Tinawanan nalang siya ng mga bakla at ginaya ni ken ang ginawa niya! kinuha rin ang bulaklak na na kay monica! "luh selos ang mga bebe nyo!" sigaw ni leandra. "selena akin nalang yang iyo, wala naman boyfie mo walang magseselos" sabat ni benita. "no way, ang bango e!" sagot ni selena na agad nilayo ang bulaklak "oh sejun kuhanin mo na rin yung kay pia" biglang sabi ni cassie! "ha?" inosenteng tanong ni sejun! "sus kunwari pa! halata namang crush mo si pia e!" sagot niya na nakapagpailang sa akin! "no way in the hell" sabi ni benita. "hayaan mo na benita bagay sila!" dagdag ni leandra. "mga baliw" sabi ni sejun at nanguna na sa paglalakad. "wait for me my loves!" sigaw ni benita na agad nagtatakbo at sinundan si sejun. "wew! walkout scene" sipol ni vince. "guys let's go, gutom na ako" yaya ni selena at naglakad na rin. Sumunod na kami at nagsilabasan, binilisan namin ang pagkain dahil kalahating oras ang naubos namin kanina sa pag-uusap tungkol sa mysterious sender ng flowers sabi nila. Nang matapos kami at nakabalik sa building ay hindi na nag usap usap pa dahil hindi kami makakapag focus sa trabaho, kaya kinagabihan pagkauwi namin pa lang nagkaroon ng pagkakataon si lannie na tadtarin ako ng mga tanong niya! "don't lie to me pia, i know you too much" aniya pagkapasok na pagkapasok sa condo. "ano bang sasabihin ko e talaga namang hindi ko alam" paliwanag ko. "mamatay?" tanong niyang muli. "mamatay." i replied. "pia naman please! magsabi ka sakin!" "ano ba la hindi ko nga alam" "parang anlayo mona sakin pia, hindi kana nagsasabi sa akin, dati rati sa akin mo sinasabi lahat, lahat lahat" pangungunsensya niya sa akin! "sorry, natatakot lang ako!" nakokonsensya ko ngang sagot! "saan? sakin? diba kapag sinabi mo namang secret, hindi ko naman talaga ipinagsasabi kahit sa mga kapatid mo pa!" she said. "hindi naman sa ganon, kinakabahan lang ako" "osige mag aminan tayo ng mga sekreto ngayon din! deal?" "okay, deal." nawalan ng choice na sagot ko. At nauna siyang magsabi ng mga sekreto niya na may ginawa sila ni vince at hindi talaga sila gumamit ng protection dahil sa kalasingan nilang dalawa! nagulat ako sa mga inamin niya, at sabi niya ay nahuhulog na rin siya kay vince at nais niya na seryosohin na ito, inamin niya rin sa akin na nagtataka na siya kung buntis daw ba siya! kaya mas lalo akong nagulat sa pasabog niyang yon! "what if buntis ka nga?" tanong ko. "hindi ko alam pia, basta ang alam ko positibo ako na buntis nga ako! ayoko lang muna mag PT dahil natatakot ako, natatakot ako sa pamilya ko, sasabihin lang ni lola at papa na ang tanga tanga ko, na puro landi kasi ang ginagawa ko, sorry pia pero kasi alam mo naman sila diba? ganun sila palagi" Naawa ako sa itsura ni lannie na para bang maiiyak na kaya agad ko siyang niyakap, totoong ganoon ang papa at lola niya sa kanya simula ng makilala ko siya, wala na ang mama niya, sabi ng papa niya ay wala na raw pero hindi naman ito patay, basta ang sabi ay iniwan na sila, kung gaano kasaya ang pamilya ko, kabaliktaran naman ang sa best friend ko, kaya palagi ko siyang dinadamayan noon hanggang ngayon, ang pagpaparty nga lang daw ang takas niya sa mundong pinaglaruan ang buhay niya, sabi niya pa ay ako lang daw ang meron siya, galit siya sa mama niya na hindi niya naman nakilala, sabi niya bakit daw siya iniwan sa papa niya na pinahirapan ang buhay niya, na hindi siya itinuring na anak, nagkaroon kasi ng panibagong pamilya ang papa niya at nagkaroon siya ng mga kapatid, hindi niya rin kasundo ang step mother niya, lalo na ang mama ng papa niya, kaya nang nakatapos siya ay agad niya akong niyaya na magtrabaho sa malayong lugar, at dito nga iyon, sa La Fonte Company na pag aari nila sir jared. Nagyakapan lang kami at nagpakwento na siya tungkol sa akin, kaya sinabi ko sa kanya lahat, lahat lahat. kaya nagulat siya nung sinabi ko sa kanya na may nangyari sa amin ni sir jared, at sa tingin ko ay may gusto na yata ako kay sir jared. "paano kung mabuntis ka rin?" tanong niya. "hindi, hindi ako mabubuntis kasi sa labas naman siya nagpasabog" sabi ko na nagpatawa sa kanya. "paano kung isa ka lang naman sa mga millions of girls na ginagamit niya? ayaw kitang masaktan pia" "don't worry, i think he likes me too" i said. "sure ka?" tanong niya at tumango na lang ako kahit hindi naman talaga ako sigurado. Nang matapos ang usapan namin ay kumain at nanood lang kami saglit, pagkatapos ay pumanhik na sa kanya kanya naming kwarto, pinag isipan ko ang pag amin ni lannie at nagdesisyon na ako ang bibili ng pregnancy test niya at sabay naming titignan ang resulta, sasamahan ko siyang harapin ito, hindi niya kakayaning mag-isa, at ayokong mag-isa siya. Nag-online muna ako at nakita ang group chat ng family namin, gumawa si ate ng group chat, puro pangangamusta lang sa akin, dahil nga wala naman ako roon, at si ate na nagpaplano na sa pagpapakasal nila ni kuya Enzo ang long time boyfriend niya, nainggit na naman ako sa estado ng relationship nila.. sana ganon din ako, makapag-settle na, pangarap ko talaga ang magkapamilya na! yung sariling pamilyang bubuuin ko at ng mapapangasawa ko, gaya ni ate handa na rin ako, kaso wala lang akong katulad ni kuya enzo na handa ng pakasalan ang kapatid ko. ang bunso naman namin ay kasalukuyang nag-aaral ng 2nd year college sa kursong nursing, yun kasi ang pangarap niya! kaya super proud sina mama sa kanya at syempre proud din ako sa kanya. Si ate naman ay nagtapos ng kursong educ, at isa na siyang ganap at maganda't matalinong teacher! kaya super proud ako sa kanila, hindi gaya ko na wala pang napapatunayan kina mama, pero wala namang ipinararamdam na kakaiba ang magulang namin sa amin, pantay pantay ang tingin nila sa aming tatlo, at sabi nila kami ang kanilang tatlong prinsesa kaya sobrang masaya ako kahit ganoon, ako naman nagtapos ng business and management kaya nandito ako ngayon sa company nila jared at kumukuha ng experiences! balak ko ring magtayo ng sarili kong business kaya paunti-unti ay nag-iipon ako. Nakatulugan kona ang pag-iisip, at kinabukasan at naghanda ng muli para sa pagpasok, ginigising ko si lannie pero hindi siya sumasagot kaya naman pumasok na ako sa kwarto niya at naabutan ko siya sa banyo at nagsusuka! Dali dali ko siyang dinaluhan at hinaplos ang likod niya, "la are you okay? wag kana kaya pumasok ngayon?" sabi ko at tumango lang siya. "this is too much of answer pia, i know i am pregnant" she said! "mag PT ka kaya?" "meron ako dyan sa table, hindi ko palang ginagamit" aniya. "ha? e gamitin mo na para sure na tayo sa sagot dyan" sabi ko. "sige pakikuha nalang pia please" Tumango nalang ako at agad na hinanap ang pregnancy test, nang makita ko ay lumapit na muli ako sa kanya at ibinigay iyon, kinuha niya naman yon at isinara ang pintuan, hinintay ko siya sa labas hanggang sa matapos siya. Nung lumabas siya ay nakangiti na siya, at akala ko ay masaya siya dahil negative iyon, ngunit ng ipakita niya sa akin ang dalawang line ay napatakip ako sa bibig ko! "oh my gosh la! you are pregnant!" i said! "masaya ka?" she asked. "of course i am! masaya ako para sayo para sa inyo ni vince! congrats la!" "thanks bestfriend!" aniya at nagyakapan kami, I'm so happy for her! finally she have a new family! iyong pamilya na siya mismo ang bubuo! sobrang masaya ako, and now mukhang magkakahiwalay na kami! masaya na medyo malungkot kaya sobrang higpit ng yakap ko sa kanya. FINALLY SHE WILL BE TRULY HAPPY!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD