Neon Pov
Umabsent ako ngayon dahil ayokong pumasok at sumakit ang ulo ko sa problema ni Danica . Ayokong maging stalker ni Mimosa para lang sa kagustuhan nya, Kung ganon . May reason ako para umabsent ngayon lalo't sinabi ko na meron akong Lbm. Bawal akong umabsent kaya nag sinungaling ako sa mama ko kase tyak na magagalit yon lalo't Wala akong pwedeng maging reason. Nahihirapan ako sa sitwasyon ko sa totoo lang . Gusto ko lang ng tahimik na buhay .
Kringggggg . Kringggg (tunog ng cellphone ni Neon)
Mama's Calling ...
" Hello ma ? Bakit ka po napatawag hinde ka nalang sa messenger pa tumawag para makita ko ang muka mo po ma !" ". - siguro ay mahina ang data araw araw syang tinatawag para kamustahin ako
" Wala naubos ang load ko uminom kana ba ng gamot mo ? ". - Sabi ko na nga nag aalala sya saken kaya mayat Maya ang tawag nya tamad kasing mag chat si mama
" Opo ma kanina pa po nakahiga lang ako dito sa bahay nag papahinga ! Nag paalam na rin pala ako sa mga teacher ko na chat ko napo sila ". - mabuti ay hinde ko na kailangan mag gawa pa ng excuse letter tulad ng elementary ako dahil sa social media isang chat lang at malalaman na ng teacher ko kung anong problema at absent ako
" Sige anak mamaya nalang ako tatawag sa messenger para makita mo ang maganda Kong muka hahaha ".
" Nag papatawa ka ma hahaha sige na ma labyu ingat ka jan ".
End Call...
Iba den talaga kapag kasama ko si mama dito sa bahay hinde ako ma bored kaya kahit saglit lang sya don e na mimiss ko na agad sya . Mama's boy na kung Mama's boy para saken mas masaya akong nanay ko sya . Pag open ko ng data Nakita Kong may chat si xyrus saken .
BROTHER XY ( Nickname ni xyrus sa messenger ni neon )
Punta ako jan sa inyo mamaya magusap Tayo .
... Neon's typing
Cge pre
----------+
Ano kayang pag uusapan namin ni xyrus siguro nag aalala den saken dahil absent ako . Mabuti at may makakasama na ako mamaya at hinde na ako ma bored dito sa bahay . Pero hapon pa siya pupunta wala akong magagawa sa iilang oras ko dito sa bahay kaya't mas mabuti pang grocery muna ako. Tutal wala na din naman na stocks ng mga pagkain sa ref . Para may mailuto den ako mamaya kapag dumating si xyrus. Hinde naman malayo samen ang pamilihan kaya yung ebike na ang ginamit ko gusto kong maraming ipamili tutal sobra naman ang binigay ni mamang pera saken pang isang buwan tapos nag padala pa kahapon ng pera para daw kung may projects ako sa School.
Nakarating na ako dito sa pamiihanh bayan at dumeretso ako sa may puregold . Kinuha ko na yung mga dapat kong bilhin lalo't mga juice at softdrinks. Kukunin ko na sana yung coke biglang may naunang kamay na kumuha ng kukunin ko pag tingin ko si Mimosa.
"Oh Ikaw pala ? Neon right?". - unang Sabi nito sabay nagbigay ng nakakatunaw na ngiti. Ngumiti den ako sa kanya para magpacute na den sa kanya haha .
" Ahh oo Neon Vasquez , how are you mimosa ?". - Sabi ko sabay lumakad sya para kumuha ng mga gusto nyang bilin . Syempre ako kunware yun naden ang bibilin ko para naman makausap ko pa sya ng matagal tagal hihi
" I'm very fine ... By the way why are you here? Hinde ka pumasok?". - nanaginip ba ako tinatanong nya ako? Ibig sabihin ba interesado sya saken? (Tumalikod si neon at sinampal ang sarili ) Totoo nga ito at hinde ako nananaginip ( at muling humarap Kay Mimosa)
" Hmm. e kase tinatamad ako hehe kaya sinabe kong may lbm ako para may excuses ako . E ikaw bakit hinde ka pumasok?". - balik na tanong ko sa kanya . May kakaiba talaga sa pabango nya nakakaakit sabayan nya pa ng magaganda nyang ngiti.
" Same tinatamad ako this day , tinatamad akong mag aral ... Sige neon Mauna na ako sa counter . Hintayin nalang kita sa labas ". - Sabi nya na hinde ako maka paniwala dahil HIHINTAYIN nya pa ako sa labas?
" mimosa wait !". - Sigaw ko ngunit mukang hinde nya narinig . Nakakahiya dahil sya pa MISMO ang mag hihintay saken.
Mimosa's Pov
I think he's such a nice guy , nakikita ko sa mga mata at kilos nya . I remembered my friend before na kagaya ni neon kung pano makitungo saken. Pero yung taong yun ay nawala dahil sa sakit ko. Nung una kong nakilala si neon sobrang inosente nya sa paningin ko at kung pano sya tumitig saken hinde kagaya ng mga ibang lalaking nakakasalamuha ko.
" Mimosa ! ". - sigaw nito sa akin at sabay lumapit kung nasasaan ako " pasensya kana dapat hinde pinag hihintay ang babae ". - nakapaka gentleman talaga nito kahit saan ko sya makita ay palagi nya akong ginagalang
" Okay lang naman neon , saglit lang naman ako naghintay dito . Gusto ko sanang pumunta ng palengke kaso kilala ako ng mga tao don bilang anak ng mayor baka magkagulo pa sila hehe!". - Sabi ko dito
" Ah ganon ba gusto mong kumain ? Treat ko sa favorite kong tapsihan malapit dito . Okay lang ba sayo kahit sa tapsihan lang ? At hinde sa mamahaling resto kita dadalhin?". - Sabi niya saken natutuwa ako dahil niyaya nya ako saktong na gugutom na talaga Ako
" Sa totoo lang hinde pa ako nakakain sa tapsihan . Pero taraaa gusto kong tikman yung mga luto nila !". - pumunta na kami sa tapsihan na sinasabi nya mga onteng lakad lamang ito Mula sa puregold kaya't hinde ko na dinala ang kotse ko. Napaka gentleman nya talaga dahil binuhat nya ang lahat ng pinamili ko sa kotse ko at sinabi kong iwan nya na den ang mga pinamili nya. We're here sa tapsihan na sinasabi nya Ang pangalan ay "tapsihan ni aling nene " very Filipino ang datingan . Hinde sya mukang kainan lang sa kalsada dahil maganda ang ambiance ng paligid at bukod dito mukang very hygienic den sila kaya't kumportable ako . Hinila ni neon ang upuan kung saan ako uupo syaka umupo sa harapan ko .
" Diba maganda dito parang nasa classic tayong Lugar . " - Sabi nya saken
" Yeah I like it ! "
" Anong gusto mong orderin? Tapsilog? Hotsilog? Sisig silog? Tocilog? ". - marami syang sinasabe pero I don't think kung ano mga ito pero yung sisig I think Nakita ko sa social media kung ano ito . My newsfeed usually is for fashion.
" Sisig silog? That's a pork right ?".
" Yes pork sya ! Order na rin ako ng ibang putaheng ulam . What about the drinks ? Gusto mo bang sofdrinks or mga juice or water ?".
" Coke nalang saken neon ! There's a soup here ?".
" Yup meron do you know pares Mami? Kung gusto mong sabaw lang ng pares meron dito ! ". - Sabi nya saken talagang ignorante ako sa mga gantong bagay
" It's okay neon kahit anong soup ! Hehe pati pala dessert kung meron dito . Pasensya kana kase hinde ako sanay na hinde kumpleto ang course meal ". - ngumiti at tumango lang sya at tumayo na sya para pumuntang counter at umorder . Maya maya pay nakabalik na din sya sa kinauupuan ko dala Ang number ng order namin . Na excite ako sa anong pagkain ang I serve nila saken . Ilang minuto lang ay dumating na ang order namin.
" Be careful mimosa mainit yang sizling plate pwede mong ihalo yang egg sa sisig mo. Ang order ko is tapa silog you can try it also para malaman mo kung anong lasa . I order ulam to like caldereta and adobo . This is your soup sabaw ng pares masarap Yan . Sa dessert naman I ordered leche plan and Halo Halo . Be honest with me kapag may hinde kang gustong pag kain !". - paliwanag nya saken , super gentleman talaga nya Sana lahat ng lalaki ay kagaya nya . Napakaswerte talaga ng girlfriend nya dahil napaka caring and gentleman ni neon. He's true to himself. Tinikman ko yung sisig kakaiba ang lasa nito para saken may pag ka crunch and creamy at the same time . I like it kesa sa mga resto na kinakainan namin nila dad na kadalasan walang lasa.
" I like the sisig neon! I'm very thankful you bring this food to me ! Talagang babalik ako dito para bumili ulit . ". - napaka sarap Talaga , tinikman ko din yung ibang mga ulam talagang masarap lahat . Napapansin ko na kanina pa patingin tingin si neon parang may gusto syang sabihin saken . " May gusto kabang sabihin neon! "
" Ah ano kase ... Ano may lagpas ng sarsa sa labi mo ". - Nakita kong nahihiya sya saken ng sabihin nya ito kaya't dinilaan ko ito gamit ang dila ko . Nakita Kong nagulat sya sa ginawa ko .siguroy inaasahan nya na pupunasan ko ito ng tissue . Dahil masarap ang luto kaya't ayokong masayang ang kahit maliit na sarsa.
" Ayan neon Wala na ba ? ". - tanong ko sa kanya
" Ahh oo okay na nga pala mimosa may Boyfriend kana ba ? " - tanong nya saken
" Hmmm I don't have any ... ". - tipid kong sagot
" E friends ? "
" Hmmm I have pero friends ko lang sila kapag may happenings and also sa kasiyahan. pero Wala talaga akong best friend na maituturing . I'm a lonely person diba ? " - sagot ko
" I don't think so ! Mukang happy ka naman sa life mo Mimosa ... Hmmm pwede ko bang itanong kung anong scents yang pabango mo ? Kase kanina ko pa naaamoy gusto ko yung Amoy nya !". - Sabi nya , Akala ko ay hinde nya mapapansin ang pabango ko dahil lahat ng nakakasama ko yun ang unang tinatanong saken .
To be continued ....