Ang pangalan, Lugar, at mga pangyayari sa kwento ay gawa lamang ng may akda. Kaya kung may kaparehas sa totoong buhay ito ay nagkataon lamang.
Ang storyang ito ay hinde pwede sa mga batang mababasa dahil ito ay may laman na kwento na s****l na bawal sa kanilang isipan.
Prologue :
Naamoy ko ang halimuyak ng Lilac kasabay nito ang dampi ng mga haplos nito sa aking katawan. Ngunit hinde ko naaninag ang kanyang kagandahan dahil lumalabo ang aking paningin . Pero nararamdaman ko sa aking pag katao na labis na sabik ang nararamdaman ko. Halik na labis na nakakabaliw, Amo'y na nakakaakit, At pagbayo na walang hanggan. Ganito ang nararamdaman ko ngayon sa babaeng ngayon ko pa lamang nakasama.
Tik tok tik tok tik tok tik tok ( tunong ng alarm clock )
" Hays nakakaines naantok pa ako ! Nakakaines bakit naimbento pa ang alarm clock sa Mundo !"
Dahil no choice ako kundi bumangon para maagang makapasok sa school ng maaga, kung hinde late na naman ako sa flag ceremony.
" Nak nakahanda na ang almusal mo !". - maagang nagigising si mama para mag tinda ng mga almusal sa may tapat ng aming bahay
" Late na ako ma ! dag dagan mo nalang ang baon ko !" - mas gusto ko nalang kase na dagdagan ang baon ko yung tinda namin 10 pesos kada isang putahe e kung dinagdagan ni mama ng 20 ang baon ko edi mas maige .
" Hinanda ko na Jan yung baon mo para sa lunch ! Mag baon ka nalang ng spegetti para hinde ko na madagdagan yang baon mo uutakan mo naman ako !"
- potek hinde ko pa makita ang sapatos ko
" Ma nasan yung sapatos ko?"
" Ah andito na sa ilalalim ng lamesa at ang medyas mo nandito Naren !"
" Yan na pala yung anak mo Cladia . Binata na pala at gwapo ". - eto ata yung chismosa sa kabilang looban
" Syempre kanino pa ba mag mamana edi saken hahaha". - Sabi ng mama ko proud sya syempre pogi talaga ang anak nya
" Mabuti at hinde pa nag asawa "
" Gwapo Yan pero pusong babae Yan ". - si mama talaga sa kagustuhan na mag kaaank ng babae gusto nya akong maging binabae .
" Hala si mama ! Nasan na po yung baon ko ? Hinde ako nakapag handa ng baunan para sa spaghetti , Pwede po ma dagdagan mo nalang plss !"
- hehehe kilalang kilala ko ang mama ko madali lang sya mahulog sa pag mamakaawa ko
" Ikaw talagang bata ka ! Ayan na alam mong hinde ka matitiis ng mama mo !". - 150 ang binigay nya hehehe sobra na to sa buong isang araw na baon.
" Salamat ma bye na muna ! Ingat ka jan sa bahay ha ! Baka gabihin akong umuwi ma may gagawin pa kaming project !". - syempre kunwari lang para hinde sya mag alala kung ma late akong umuwi
" Hmmmmm Project project .. Sige sige na mag iingat ka ! "
Super swerte ko talaga na may nanay akong katulad nya . As in nahawa ako sa kanya sa pagiging palaging positibo nya sa buhay lalo nang iwan kami ni papa. Dalawang taon nalang at college na ako after non matutulungan ko na din sya at hinde nya na kailangan kumayod para saming dalawa. Kahit pasaway ako naiisip ko talagang makapag tapos para sa mama ko lalo na ako lang ang proprotekta sa kanya . Nasa senior high school na ako kaya konteng kembot nalang .
" Mayroon tayong bisita ngayong araw. Nandito ang mayor naten para sa annirbersaryo ng ating eskwelahan. Welcome to Thalia Western Campus Mayor Ysabelio!" .
- mahabang habang talumpati na naman inaantok pa ako kung pa talaga ako sa tulog tas madadatnan ko ganito. Kung alam ko lang na ganito na walang flag ceremonies Sana nag pa late nalang ako . Madami pa kase silang alam na mag babayad pag late ihuhulog sa classfund pero hinde naman kame ang makikinabang. Kailan pa bibili ng electricfan kapag mapatapos na ang taon . Nagtitiis nalang kame sa inet tas yung electricfan yung mga sip sip lang ang nahahanginan. Kung Sana si mayor nag dodonate ng electricfan.
" May surpresa ang ating butihing mayor para sa ating paaralan. Mag bibigay sya ng mga electricfan para sa ating mga classroom at Aircon para sa shop ng bawat strands. Mag pasalamat tayo kay mayor sa kanyang biyaya ! -
Clap ! Clap Clap
Parang nababasa nya ang iniisip ko .
" Walang anuman sa inyo mga mabubuting mag aaral ng campuz na ito. Pag butihan at pag sikapan nyo pa ang pag linang ng kaalaman . Nais ko din sabihin na dito na mag aaral ang aking anak na si mimosa ."
- biglang nag bubulungan ang mga ka schoolmates ko parang kilalang kilala nila ang anak ni mayor at ako lang ata ang walang alam
" Omg si mimosa sikat na model yun ang alam ko !" - Sabi ng babae sa kabilang section
" Oo nga Hannah bakit nya naman gugustuhin na dito nag aaral sa public schools? Di ba nag aaral sya sa mayamang school sa manila ?"
" Hinde ko rin alam sis pero paniguradong magiging sikat sya sa campus"
" Wiwit bro si mimosa dito na mag aaral !"
" Alam ko na mag scandal daw Yan sa dati nilang school kaya lumipat dito sa school naten"
" Ano ba kayo hinde totoo yon ? Lumipat sya para saken !".
" Luh oh anlakas ng hangin dito Tara na nga iwanan na natin yan"
Mga engot talaga ang mga ka school mates ko . E ano Naman kung maganda at sexy yon, kung Ako sa kanila pag aaral inaatupag nila makaalis na nga lang mabuti pa pumasok nalang muna ako sa classroom at matulog kahit saglit ...
" Nandito sya ngayon para simulan ang araw ng kanyang klase ! mimosa Tara samahan mo si mayor para makilala ka ng magiging ka schoolmates mo!". - Sabi ni teacher Anne
" Woahhhhhhhh kahit sino mapapahanga sa ganda nya !"
Na curious talaga ako kung ano ba talaga ang itsura nya kung magand-----
(Pag lingon nya sya'y Natulala)
Totoo ba tong nakikita ko sobrang ganda nya mala dyosa ... Woah teka teka nginingitian nya ba ako bumibilis ang t***k ng puso ko
" Ang ganda nya pre shet !" - Sabi ng mga tukmol sa paligid
"Woy tol napapanganga kana ata Jan sa anak ng mayor Tara na pumasok na tayo sa classroom "
- dumating na pala si xyrus na kaibigan ko pero parang ayaw ko syang pansinin sa nakikita ko
" Teka lang muna tol ! Totoo ba tong nakikita ko ? Totoo ba na may dyosa sa harapan ko? "
"Oo tol dyosa tas malaki pa ang ---"
Bogsshhhhhhhh ( binatukan nya si xyrus )
" Gago ka tol hinde mo pwedeng bastusin ang future wife ko !". - nahihibang na ata ako
" Aray ansaket non tol ! Tara na kase nakatingin saken ngayon ang girlfriend ko baka mag break kami nyan kapag hinde pa ako pumunta ng classroom !". - takot talaga sya sa girlfriend nya kaya pag lumingon sya katapusan na ng Mundo para sa kanya
" Mauna kana ! Hinde ko girlfriend yon kaya bahala kana jan ! Mag break kayo wala akong pakealam ! Naaadik talaga ako sa kagandahan ni mimosa ". - Sabi ko dahil totoo naman hinde maalis ang tingin ko sa kanya
" Tol Tara na kase makikita mo naman sya kase don sya sa strand ng beauty care tabi lang ng room !". - mapilit talaga ang lokong to mapagbigyan na baka kase himatayin na sa takot sa girlfriend nya na kanina pa nakatingin samen at hinihintay na lumingon ang boyfriend nya Kay mimosa
" Tara na nga nangingineg kana jan sa takot ! Kung ako sayo pinapaltan mo na yang girlfriend mo para kang kukulamin pag tumingin ka sa magandang babae !".
" Manahimik ka pre !". - sigaw nya sabay Hila sa braso ko hanggang makarating kame ng hagdan " hysss pre kahit kailan hinde ako lilingon sa iba sa ganda ng girlfriend ko!".
" Iba ang ganda ni mimosa tol !". - Sabi ko sa kanya,gwapo si xyrus sya ang pinaka gwapo dito sa campus iba ang tindig nya sa lahat syempre pumapangalawa ako sa gwapo. Ang girlfriend nya ay si Danica ang dating pinaka magandang babae sa campus ngayon ay si mimosa na .
" Tinamaan kana ata Kay mimosa ah!" - 3 yrs pa ata bago kame makarating sa classroom dahil nasa 3 floor nakakapagod umakyat maganda Sana kung may elivator e
" Alam mo naman tol kahit sino pwede humanga sa kanya ! Alam mo naman na pihikan ako sa babae kaya hayaan mo nalang ako tol!"
Gaganahan na lalo akong mag aral lalo't makikita ko na si mimosa araw araw . Sana nag ict nalang sya para mag kaklase kame tapos mag ka group kame sa thesis tapos pupunta kame sa bahay nila o kaya samen kahit don na sya matulog . Sana wag na akong magising sa panaginip Kong to....