Chapter 1

1227 Words
YOU ARE MY SUNSHINE written by JellyPM Chapter 1 HE was on a hot date with one of the brightest star in entertainment industry, they were eating their food but his hand is in his woman’s thigh, they were both feeling hot. Pia is beautiful and a body to die for, kaya gustong-gusto niya ito kaya lang kanina pa nagri-ring ang phone niya. Damn it! His personal bodyguard is calling him. “Sir, pasensiya na talaga kayo pero si Ate Sunny po kasi ay nagpupumilit na kausapin kayo.” Nagtiim-bagang siya. What the hell did she do this time? “Okay, give her the phone,” utos niya rito habang tumikhim muna siya nang panandalian para handa siyang pagalitan ang dalaga sa pag-udlot nito sa kaniyang ‘mahalagang’ ginagawa. “Amo!” bahagya niyang inilayo ang kaniyang tainga sa malakas na bati sa kaniya ng dalaga. Sunny is her personal maid, a childhood friend na kasama niyang lumaki sa mansion ng kanilang pamilya. Anak ito ng mag-asawang tagapagluto na naninilbihan sa kanila, mga dalaga’t binata pa ang mga magulang nito ay sa kanila na ito nakatira. “What do you need, ha?” paangil kong tanong dito. “Amo, p’wede ba akong bumale kahit two thousand lang? Kasi—“ “Let me guess? Makikipag-date ka nanaman ba? At sino nanaman ang boyfriend mo nga--?” “Iiiiiiiihh,” malakas na tili ng dalaga. Mariing napapikit siya sa aksyon na ipinapakita nito. Wala man ito sa harapan niya ngayon, alam na alam naman niya kung ano ang itsura nito ngayon. He grew up all his life with her. “Si Lucas ang ka-date ko ngayon, amo! Kilala mo iyon, iyong dumadaan-daan dito sa harapan ng mansion kapag umaga?” “Sunny, estudyante lang iyon! Tatandaan mong twenty-nine ka na, papatol ka pa sa bata!” “Pero mahal niya ako, amo!” Hindi niya alam kung papatulan niya pa ang pahayag ng dalaga na may kasamang pagmamaktol o hahayaan niya na ito, bibigyan na lang ng pera para maipagpatuloy ang gagawin nila ni Pia. “Amo, maniwala ka, ito na talaga iyon. Siya na talaga. Peksman!” “Narinig ko na iyan, Sunny, sa di ko na mabilang na pagkakataon.” Napabuntong hininga ito. Napabuntong hininga na rin siya. Sunny is his bestfriend, she knows everything about me and I know everything about her. Kapag bumuntong hininga ito, alam niyang magsisimula na itong malungkot and that’s what he hates the most, ang nalulungkot ang kaibigan niya. “Where are you? Pupuntahan kita.” “Huwag na lang, Nico. Wala namang magmamahal sa akin dahil matanda na ako,” malungkot nitong sabi bago ibinaba ang telepono. Oh, God! Here she goes again and her sunset mood. Tumayo siya at nagmamadaling umalis, huli na nang maisip niya na hindi siya nakapagpaalam kay Pia. Di bale, there are more fishes in the sea, he can catch one if he is finish to her maid’s unbelievable love problem. ---- The thing about Sunny is, madali lang itong umibig, madaling masaktan, madaling magpatawad tapos mayamaya, okay na ito agad. Pero siya, hindi. “You, damn rat! Paano mo naisip na perahan si Sunny!?” Hinablot niya ang kuwelyo nito at itinaas iyon. “Hindi ko hiningi, boss. Binibigay niya lang ng kusa,” natatakot nitong sabi. Inis kong nilingon ang dalaga na ngayon ay nakikipagkwentuhan na sa katulong ng kapitbahay. “Sunny!” Lumapit naman ang dalaga kaagad sa kaniya. “Yes, among tunay?” “Huwag mo ko tawaging ganiyan, ano ba!” “Areglado, boss!” sabi nito sabay saludo tapos nakangiti pa ito sa kaniya kaya ang pantay at mapuputi niyang mga ngipin ay nakabalandra sa kaniya. Pati ang mga mata nito na bilog na bilog na pinaliligiran ng mga makakapal na pilik-mata at perpektong pag-arko ng mga kilay ay nakakapagpatigil sa kaniya. Sunny is his personal maid, okay. Pero ni minsan, hindi niya ito itinuring na katulong niya kundi kinakapatid na babae. They may have a different social status in life, mayaman siya at sila’y trabahador lang namin ngunit dahil nga halos siya ang kaedad at kasama niyang lumaki, naging kuya na ng dalaga ang tingin niya sa sarili niya. So it is weird for him now na he finds his kababata really attractive in that kind of smile. Sarap niyang titigan. Bago pa may sabihing kakaiba si Sunny ay binitawan na niya ang kuwelyo ng nasasakal na estudyante. “Take another route, brat, wag ka rito dumadaan-daan dahil baka mandilim paningin ko sa iyo.” And that bastrad just ran without giving glimpse to my so-called bestfriend. “P’wede bang pumili ka naman nang maayos na dini-date, Sunny?” “Sanay na akong kumuha ng kung sinu-sinong dini-date sa tabi-tabi, amo. Hindi lang kasi talaga nagtatagal ang mga iyon dahil sa standard mo,” nakalabi nitong sagot sa akin nang makarating kami sa mansion. “At bakit ako nasali dito?” nakakunot kong tanong dito. “Kasi naman po lahat ng nanliligaw sa akin, hinahamon mo ng away. Para kang laging galit sa kanila.” “Dahil walang matino sa kanila, Sunny!” “I am twenty-nine already!” “Yeah, that’s the thing, you are twenty-nine!” “So, matanda na ako ganoon?” “Ha?” Masama siyang tiningnan ng dalaga bago tinalikuran. Oh, man. Bakit napakatoyoin ng babaeng ito? Sinusundan niya ito nang bigla itong humarap sa kaniya na ganoon pa rin ang pagkunot ng noo nito habang nakataas ang kilay. “Makikita mo, makakahanap din ako ng taong tatanggap sa akin kahit ganito lang ako,” nangigigigil nitong pahayag sa kaniya habang nakapamaywang pa. “Anong ganiyan ka lang? Anong nila-lang mo sa sarili mo?” bumuntong-hininga muna ito at matamang tiningnan sa mata ang dalaga. “Sunny, you are a graduate of four year course. Hindi ko lang alam bakit ayaw mong mag-apply at nag-i-stick ka lang dito sa bahay at naglilinis-linis. If you have a work, sigurado akong di mo maiisipang kumuha ng kung sino-sinong ka-date diyan.” “Alam ko ang gusto mong sabihin pero alam mo rin ang dahilan ko.” “Yeah, na loyal ka sa amin—sa akin.” “Mismo, amo!” masigla nitong sagot habang nginitian nanaman siya nito. “Loyal ako sa iyo, ayokong mapakinabangan ng iba ang galing ko kung p’wede rin naman akong mapakinabangan mo.” Ngumiti na lang siya rito habang napapailing. He couldn’t help it when Sunny is this confident about herself. “Okay, sige-sige. I am going to hire you but promise me one thing Sunny.” “Ano po iyon, amo?” “Stop being crazy and act like a true lady.” Tumango-tango naman ito habang nakangiti. Ganoon nalang iyon, mapapangiti siya nito. Siguro ganoon talaga kapag kasama mo ng lumaki ang tao, mahahawa ka sa kung ano man ang nararamdaman nito. Magiging masaya ka kung masaya ito, malungkot ka kung nalulungkot ito. Sobra nga lang ang bilis ng pagbabago ng emosyon nito kaya ganoon na rin siya, in short, baliw na rin siya gaya nito. Inakbayan niya ang dalaga at sabay silang pumasok sa kusina. Nakita niya sa kusina ang mga magulang nito, kahit siya ang may-ari ng bahay na ito, naroon at naroon pa rin ang paggalang niya sa mga ito bilang isa sa mga mabubuting taong nag-alaga sa kaniya kaya nagmano siya sa mga ito. “Nako, dinig na dinig ko nanaman kayo sa labas, inaaway ka nanaman ba ni Sunny, ‘nak?” “Ako ang anak mo, Carmelita, hindi iyang si amo,” nakalabi nitong sabi sa ina nito. Pagkatapos ay yumakap siya rito. Ganoon lang ang buhay niya, when Sunny is around, everything is bright and loud. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD