Chapter 7

1206 Words
YOU ARE MY SUNSHINE written by JellyPM Chapter 7 LUMABAS si Sunny na may luha sa mga mata. Nasaksihan iyon ni Ashton kaya ang binata ay nilapitan siya. "Did he get mad at you? Why? Did you fail in something?" Nilampasan lamang niya ito. Hindi matanggap ng dalaga na sinigawan siya ng kaniyang kaibigan. Her project so far is doing pretty fine. Kaya hindi niya maintindihan ang binata kung bakit galit ito sa kaniya. Bakit siya ang pinagbubuntungan nito ng stress. Nakakasama ng loob. Nagtungo siya sa rooftop at doon umiyak. Sinundan siya ni Ashton sa itaas. Nag-aalala ito na baka may gawin ang katrabaho nito sa itaas. Umupo ang binata malayo sa dalaga. Na-appreciate iyon ni Sunny kaya pagkatapos niyang umiyak ay tumatawa na siya. Who would have thought that she can be friends with him? "Muntanga ka riyan, halika na rito." Bagaman ay lumaki at ipinanganak ito sa Las Vegas, marunong pa rin itong mag-Tagalog dahil Filipina ang ina nito kaya okay lang na kausapin ang binata sa tagalog. "Pwede na? Okay ka na? Wala bang tatalon sa building na mangyayari? Tapos pipigilan ka?" Doon na tuluyang natawa ang dalaga. "Sira ka! Nag-iisa lang akong anak ng nanay at tatay ko, tapos matatanda na sila, piling mo ba makakagawa pa sila ng kagaya ko kung magpapakamatay ako. Buti sana kung mahilig sa Balot Penoy ang tatay ko, baka pwede pang makaisa si Tatay kaya lang, hindi." Mataginting na tumawa ang binata. "Ang sarap mo talagang kausap, Sunny. Siraulo ka. Hahaha. Remember the first time we met?" "Noong balbas sarado ka pa at mukha kang manyak?" Tumikhim ito at masama siyang tiningnan. "Judgmental ka lang, Sunny. But I am partly guilty about looking so manyak." Ngumiti siya rito habang sinasariwa ang linggong nakalipas, hindi na kasi ganoon ang itsura nito ngayon. He looks so clean and idoling style. Tipong mabibighani ka talaga, hindi nga niya masisi ang mga kasama nito kung lagi silang kinikilig kapag nasa opisina ang binata, e. "Talagang sinadya kong amuyin ang buhok mo, I was at my car thinking if I'll buy coffee or not, while thinking nakita kita, nakita ko kung gaano kaganda ang mga buhok mo noon—" "Buhok lang?" "Di pa ako tapos, Sunny." Tiningnan siya nito nang masama bago nagpatuloy. "Maganda talaga ang buhok mo noon na sumasabay sa ihip ng hangin, I really appreciate the nature and the surroundings that time. Ang ganda!" "Ashton?" "Hmm?" Kinurot nito ang binata. "Bakit hindi nasali ang mukha ko sa nagagandahan ka, ha? Sana bago ka nag-nature-nature, sa mukha ko muna sana, no? Mas na-appreciate ko sana iyang litanya mo!" "Sa akin ang mga matang ito, you can't force my eyes to appreciate beauty when it's none." Napabusangot tuloy siya at tuluyan nang kinurot ang binata nang malakas. Dumadaing tuloy ito sa sakit. "You deserved it. You were rude! Hmp." "Pikon ka talaga. Oo, maganda ka. Maganda ka talaga, Sunny," seryoso nitong pahayag. "So, crush mo ako?" "Yeah, kahit hindi mo ako type." Napakamot ito sa likod ng batok nito na tila nahihiya. Nginitian niya lamang ito. Nakangiti siyang tumingin sa langit. Matagal na niyang tanggap sa sarili na gusto niya si Nico kahit pa nga hindi niya gustuhin ay minamahal na niya ang binata. Nasigawan siya nito, oo, pero kahit ganoon, nagtatampo lang siya. Hindi siya galit. Tumatanda na rin naman siya, what if, i-try niya ring magmahal ng iba, what if ibaling niya ang pagtingin sa binatang kasama niya. "You like someone already, Sunny." Binalingan niya ito. "Ha?" "May nagugustuhan ka ng iba. Nahuli yata ako ng dating, ah. May boyfriend ka na?" Ngumiti lang siya rito. "Wala akong boyfriend. At oo, may nagugustuhan akong iba. Pero active ako sa dating, kaya lang recently, I really am tired dating men." "So, gusto mo women?" "Siraulo. Ayoko na muna sa dating kasi parang niloloko ko lang sila gayundin ang sarili ko." "Sunny, believe me, madali kang magustuhan. Madali kang mahalin. Do not settle for someone who doesn't love you." "Kapag nagmahal ka, Ashton, we can't tell who to love, we can't tell who we can settle, hindi namimili ang pag-ibig." "Hindi pa naman kayo, di ba?" "Ha?" "Wala ka pa namang boyfriend, di ba?" Tumango siya. "I will court you." "May gusto na akong iba, Ashton. Hindi na ako nakikipag-date." "Gusto pa lang naman iyan, hindi pa naman pagmamahal. Hindi na natin palalalimin iyan," pahayag ng binata. "You're being ridiculuos, Ash." "I am serious, Sunny. I really really like you. I like you when I first saw you and I even like you the second I talk to you but I like you the most when I am being with you, when you are laughing beside me. You are really deserve to be loved not the other way around. I will become deserving to your love." Hindi alam ni Sunny ang isasagot sa binata. Hindi na ganoon kadaling makipag-date lalo na at si Ashton ito, mabait ito para lang umibig sa kaniya at sa huli ay di niya masuklian. Ayaw niyang maging responsable sa puso nitong masasaktan sa huli. "I'm really sorry, Ash. You're so good to me, hindi pa pag-ibig iyang nararamdaman mo. Naaawa ka lang sa akin o pilit mong binubuo sa isip mo na kailangan magkagusto ka sa akin dahil sa hindi ako gusto ng taong nagugustuhan ko." "The hell with that, Sunny. Hindi mo ako narinig. Magaan ang loob ko sa iyo, gustong-gusto ko sa tabi mo, to think na I have just met you in a week, ah. Pero ang puso ko, magaan na magaan sa iyo." Napakaimposible talaga nito, paano nito naisipang sumugal ng pag-ibig sa kaniya. "I don't think I like you." "Ha?" "I think I am starting to fall in love with you." "Alam mo, ang bilis mo, e. I told you na I can't, e." "Just a chance to court you, Sunny." Chance? Loyal na loyal ang puso ng dalaga sa amo niya. But she is 29, her woman clock is already in it's peak. Ano nga ang loyal kung wala naman pagtingin sa kaniya ang boss niya, ang kaibigan niya. Aasa pa ba siya, e, high level ang kaibigan niya. Aasa pa ba siya na magugustuhan siya nito, e, mula pagkabata magkasama na sila pero ni minsan, hindi nito sinabi na gusto siya nito. Pinaparamdam sa kaniya nito ang pag-aalala pero iyon ay dahil naging kapatid na ang tingin nito sa kaniya. Ganoon na ganoon siguro iyon. Kahit alam niyang ganoon ang tingin sa kaniya ng binata ay nahulog pa rin siya rito. Siguro ay talagang kailangan na niyang ibalin sa iba ang pagtingin niya. Baka mawala na ang nararamdaman niya sa kaibigan niyang wala namang pagtingin sa kaniya. Nakakahiyang nagkagusto sa taong pinagtatanawan nila ng utang na loob. "Fine. We can start dating, court me all you want, if magki-click tayo, then I can give you my yes but if not, let's be friends and be sports." Tinitigan siya nang binata. "Ano? Binabawi mo na ba iyong mga drama mo kanina?" "Hell, no! I just can't believe that you will really give me a chance." Walang kaabog-abog siyang niyakap ng binata. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD