“Kameron, mag-usap nga tayo,” seryoso niyang wika sa binata. Nagkaroon na rin siya ng pagkakataon na makausap ito dahil abala ito kanina sa kaniyang ama at kapatid. Kaya lang, naamoy na rin niya ang alak dito dahil nakipag-inuman nga ito. “Bakit hindi mo sinabi sa mga magulang ko ang totoo? Akala ko ba, you won’t tolerate this thing. Mukhang nagbago yata ang ihip ng hangin.” Ito na lang ang naiwan sa pool side habang kaharap pa rin ang natirang alak sa bote. She still doesn’t believe what it said earlier. Hindi rin niya naiintindihan ang takbo ng iniisip nito gayong hindi na nga maipinta ang mukha nito kaninang kinomprota siya. “Maupo ka at mag-usap tayo,” utos nito habang nilalaro ang yelo sa basong may alak. Hinila naman niya ang upuan saka umupo. “Nakaupo na ako. Anong drama na naman

