Julianne Victoria
"So guys, ano?San tayo? It's f*****g Friday!" Hiyaw ni E habang sinusuklay ang kilay niya.
Oo sinusuklay niya talaga. Siya yung tipo ng bading na pagkagwapo gwapo, pero mas maarte pa sakin pag dating sa kilay niya. Minsan nga hindi mo maimagine na girl talaga siya deep inside kasi ba naman ang laking tao.
Natatawa nga ako sa tuwing naalala ko yung unang beses kaming nagkatabi sa interview. Ang lakas kasi ng pabango. Naka suit siya at kung papadaanan mo siya ng isang tingin lang, maloloko ka talaga.
Moreno si E. Pinoy na pinoy ang features at halata mong nag ggym (gustong gusto daw kasi ni Craig dilaan yung abs niya---I know right TMI ampucha, hindi na nakarecover ang virgin ears ko---lalo na pag sinasabayan pa ni Leslie ng mga kabastusan). Napansin ko lang siya nung nakita ko yung kamay niyang nag tatype sa phone--ang taray bagong cleaning ang nails ni ateng, may colorless pang nalalaman.
Natawa nga ako ng di ko sinasadya nung lumingon ako sa mukha niya, goodness naka lipgloss! Dinaig pa ako na nag lipbalm lang.
And then----the kilay.
Hindi pa man uso non ang kilay is life, pero ito si E kilay is everything na.
Pasalamat talaga ako at nag click kami nung pinarinig ko sakanya yung bohemian rhapsody..dahil kung hindi nakakahiya yun kung nagkataon.
Andito kami ngayon sa office namin sa RCBC tower. Medyo maliit lang yung cubicle namin compared sa ibang team na big account holders.Dati, sobrang linis nito nung bagong salta kami ni E. Halos apat na table, isang whiteboard at maliit na coffee maker lang ang makikita mo.
Ngayon,parang boarding house na ang itsura nito (not kidding). Dito na din kasi kami minsan natutulog pag may rush na campaigns. Nagdala na din ng beanbag couch dito si Les, madalas kasi nakaktulog siya habang nag reresearch ng pitch namin.
Nagdala na din ng Flatscreen na maliit dito si Andre tapos xbox. Hindi naman kasi dito strict.
Isa pa sa nagustuhan ko sa Lumineer Seventh ay hindi sila mahigpit lalo na pag kailangan ng outlet ng mga ad execs. Palibhasa, artist yung founder nito.
Sabi nga nila moody ang mga artists, at kailangan nila mag vent just to let out the inspiration.
Ang importante dito ay output--hindi lang bsta bsta. Kailangan the best/bestest(if that is even a word) at kung may mas hihigit pang output there is. Kung gaano kaluwag ang company sa policies dito, ganon din ka taas ang expectation nila sa ad execs.
Yung iba nga meron detacheable duyan dito. Tawang tawa nga ako nung una ko yung nakita. Sa lobby kasi ng office super corporate ang dating. Pero pag pinasok mo na yung mga cubicles ng team, para ng ibang lugar.
Wala rin ditong pakialaman ang mga execs, lalo na pag status wise. Level lang ang playing field dito. Advertsing is the most demanding field there is. Everything is a competetion. Kaya kahit pa old money ka or anak ng artista, you are worthless here kung wala naman ka sabor sabor ang ideas mo.
Sabi nga ni Allison sa PLL, "It's Immortality, my darlings". Lahat ng tao sa advertising world ang main goal is to have their own legacy. To own a catch phrase, to have a concept that is so carefully crafted--that no one can tell it was copied--thus setting new standards for other ad execs to look up to. Wala naman ng original na eh, everything is always based on something--unless--you are a freaking genius that you can produce something original.
That is why sa team namin we practiced skills transfer para flexible kaming lahat when needed. For example si Les, ang forte niya ay sales pero napagtiyagaan niyang matuto mag conceptualise at sketch ng kahit mga drafts lang. Si Andre na photo journ, he actually did a crash course in technical and creative writing kahit forte yun ni E. We all made each other our own back ups just in case.
Hindi man ganon kalaki ang Lumineer Seventh,pero highly respected ang company. When it comes to bidding wars pag dating sa products, lagi ng exempted ang Lumineer dahil sa prestigious awards na nakuha nito worldwide. Ibig sabihin nito, bago pa man mag bidding, naka offer na ng sales pitch ang kumpanya.
Almost three years na din ako dito kasabay ni E. Habang si Les naman na 2 years ang gap sakin ay mag se-7 years na. Si Andre naman ay 2 years pa lang dito.
Andre is a renowned photo journalist in Australia. Dati siyang nag trabaho sa Nat Geo and Reuters. Hindi na sana siya uuwi dito kung hindi lang na stroke ang papa niya.
"Well? Any ideas?" Taas kilay na sabi ni E.
Wala kasi pumapansin. Kulang pa naman to sa pansin. Ako naman busy sa pagkagat ng lapis at pag ignore sakanya, kanina pa kasi ang kulit gusto ako kilayan. May pinaglalaruan kasi akong concept sa utak ko para sa isang chocolate bar product. "Central na lang tayo? Tutal malapit lang ang Buendia. Sorry Andre, unlike you di kami rich kid para maka afford ng Gramercy." Pinatong ni Les ang siko niya sa table at sinalo ng kamay niya ang kanyang mukha.
"Hala, grabe ka naman Les. Nag pa Greygoose ka naman ah.Nakuha ko lang kasi yung royalties ng photos ko sa Nat Geo kaya yun, kaysa naman mangbabae ako sakit lang ng ulo. It's better to splurge it with my friends." Ngiting sabi ni Andre.
Lumabas tuloy yung dimples niya. Natulala nanaman tuloy ako.
"Friends my ass. Tara na nga, ano Jules buhatin pa kita?" Nakapamewang na tanong ni e habang bitbit ang shoulder bag niya.
Natawa tuloy ako kay E. Naka dress shirt kasi tapos slacks and balat, pero naka shoulder bag na LV. Wala naman kaming dresscode pero laging naka corporate. Frustrated office girl daw kasi siya, medyo na disappoint nga siya nung nalaman niya ang dress code dito nung na brief kami ng HR. Ang dami kasi niyang biniling corporate attire sa sobrang ka excitedan mag trabaho, eh kung nag divisoria na lang sana siya.
"Naku wag na Eduardo, baka madikit pa yung boobs ko sayo, tumili ka nanaman." pinipigilan kong ngumiti pero parang galante ngayon ang mukha ko.
"Jules, sandali." Pigil ni Andre sakin nung palabas na kami.
"Oh bakit?" Nakahawak siya sa siko ko!
Relax lang Julianne, wag assuming.
"Selfie tayo? Bihira lang kasi yang mga ngiti mo na yan." Napangiwi tuloy ako nung nag pose na kami. Napansin ko rin na umakbay siya sakin.
Ang bangooooo.
"Wag mo na ako i tag ha. Ang sagwa ko diyan tignan." Natatawa kong sabi. Naka direct kasi siya sa camera ng Insta. Hindi ko alam kung nagpapalpitate ako or masyado akong naexcite sa biglang lapit niya sakin.
"Ang ganda mo kaya.." Medyo pabulong niya pang sabi bago umiling. "Di naman kita matatag, hindi mo pa naman na approve yung follow request ko sa IG . Saka accept mo na din ako sa FB." hindi niya pa rin inaalis yung pag kakaakbay niya.
Eto naman si Jules sinamantala. Ganito pala pag may naka akbay...na hindi si Les or E--or kung sino man na kapamilya ko. Ang bango talaga.
"Hindi rin naman ako mahilig mag sss, yung gamit ko lang ay yung sa company pag may social media marketing." Well meron naman ako personal account pero for family lang yun.
Pwede ko naman yata I-add siya?
"Sayo ba yung J Sandoval sa sss? Yung Edgar Allen Poe ang DP?"
Hala pano niya nahanap yun?
"Are you stalking me?" Hindi ko napigilang mabahala sa tanong niya.
Napatingin tuloy ako sa baba. Di pa rin niya tinatanggal yung pagka akbay niya.
"No, no. It's not like that." Tinanggal niya tuloy yung pagka akbay.
Haay.
"Then what?" I whispered.
I can feel my cheeks flush, lalo na nung hinawakan niya ulit yung siko ko.
"I like you Jules." Sabi niya.
Medyo presko but still...
"You like me?" Para akong bumalik sa pagiging teenager sa mga kataga niyang yon.
Dapat noon ko to naexperience habang tinutubuan ng pimples. Yung mga akward years na kakalagay pa lang ng braces ko. Habang nagcocollect ng songhits.Tapos I sshare ko kay Marj habang gumagawa kami ng assignment.Tapos sabay kami bibili sa bench ng pabango para pag inakbayan ulit ako, mabango ang amoy ko.Di sana alam ko ngayon ang dapat na maging reaction ko.
If only.Napatingin ako sa mga paa ko.
Okay na sana yung crush from a distance lang eh. Yung mga ganito.. s**t. Wag lang sana ma trigger ang panic attacks ko.
"Yes Jules. Is that hard to believe?" Tanong niya habang dahan dahang hinawakan ang baba ko para magkatinginan kami.
Nakatitig lang ako sakanya.
"Am I being too forward?" tanong niya ulit habang nakangiti.
Hindi pa din ako maka sagot.
"I get it. Don't worry we will take this slow." sabay tanggal ng kamay niya sa baba ko.
He sighed then pulled my hand for us to walk forward. Sandali, **WE?** Hala ka diyan! Halos mag crack na yata pati molars ko kaka overthink ng mga pangyayari.
"Ang tagal niyo naman." Bungad ni Les ng makita kaming palapit na sa naka park na kotse ni Andre.
"Huy, ano yan?" Nakataas kilay na nguso ni E sa kamay ni Andre na naka hawak sa kamay ko.
Nagkatinginan kami ni Andre.
"Hala bakit kayo nag ba blush?" Leslie crossed her arms habang naka taas kilay pa din si E at nakapamewang.
"What? We're both adults here. Can we just drop it for now? Uncomfortable na si Jules tuloy." Saway ni Andre saka linipat sa balikat ko yung kamay niya. "Ayos ka lang?" Sabay bulong niya.
"Ay may ganun talaga? Hoy Andre ayusin mo ah, magkakatrabaho tayo tandaan mo. Kung ano man yan at kung pangit man ang kalabasan mas pipiliin namin si Jules kaysa sayo para sa team. Nako Andre, wag sa team natin." Les shook her head.
"Wait. Wait.OA niyo ha." Medyo lumayo ako kay Andre ng mahimasmasan ako.
"Okay lang ako. Andre, we'll talk about this okay? And since we are all close, I think Les is right. We have to be considerate about this. And you two, wag muna kayo mag conclude. Hindi ito account na kailangan agad ang pros and cons. For now, inom na lang muna tayo." Sabay lakad ko papasok ng sasakyan.
Thank god umandar yung utak kong lumilipadlipad na kanina pa dahil kay Andre. Napaisip tuloy ako kung bakit hindi ako nag deny. Umupo ako sa likod katabi ni Les. Kinurot niya pa ako sa bewang nung magkatabi na kami sabay titig ng matalim.
"Jules ha." Siniko niya ako ng marahan.
Sooner or later kailangan namin pag usapan to. Open naman kami sa bawat isa, pero I can feel pati siya na wiweirduhan sa mga reactions ko ngayon.
Although there are some things in my past na hindi na nila kailangan malaman.
"Les, change topic na please?" I begged. Nalingunan ko sa salamin sa dashboard na nakatitig sakin si Andre.
"Ehem." HIndi man lamang nag effort na kunwaring umuubo na saway ni E. "Tara na."
"Punta din ba E si Craig? Siya na kamo painom." Salamat naman at iniba na ni Les ang usapan.
Si Craig ay boyfriend ni E. Halos mag wa one year na din sila at isa itong lawyer na nag serserve sa PAO. Like E, hindi din to cross dresser pero ang ganda ng kilay--and naka MK na bag lagi.
------
Nkaupo na kami sa Central at dumating na din orders namin, ng maisipan kong I check ang phone ko.
10 missed calls from an unregistered number.
5 unread messages galing don at meron ding social media notification.
Binuksan ko yung message:
From: +639435647364
Please answer your phone.
_______________________
Why aren't you answering my calls?
_______________________
Julianne.
_______________________
Are you and Mr. Tan together?
_______________________
Answer your damn phone Julianne!
_______________________
15 minutes ago lang yung last 2 messages. s**t sino kaya to? Bigla ako kinabahan.Julianne. Kilala niya ako. I openened my contact list, tapped my brother's number and called him. He answered on the first ring.
"Victoria!" Masayang bati niya.
"Third." Ginaya ko siya, pero medyo mahina lang boses ko at nakatakip ang kamay sa reciever para wala masyadong makaintindi ng usapan namin.
Busy pang mag usap yung tatlo.
"Miss mo nanaman ang kuya?" Medyo maingay ang background niya. Nasa capitol pa yata to.
"Yes po syempre miss na miss lagi." I sighed.
"Uwi ka na kasi dito, miss ka na ni Jade." Si Jade ang first born ni kuya, isang makulit na batang kamukang kamuka ng asawa niyang si Marnie.
Naalala ko tuloy yung sinend ni kuya nung isang araw na picture ni Jade. Naka bob cut ito at full bangs. Bilog na bilog ang itim nitong mata at naka ngiti ng maigi kaya exposed yung bungal niyang ngipin. Ang hilig kasi sa chocolates yan tuloy. Nakasuot siya ng egg costume, at ang pula pula ng pisngi. May inatendan daw silang children's party.
"Alam mo naman kung bakit ayaw ko bumalik diyan diba po?" Medyo napapikit ako ng mata para matigil ang pag flashback ng mga nangyari dati. "Anyways, pwede mo ba i pacheck yung phone ko kung na hack? May nag tetext kasi sakin at tumatawag. Kinabahan lang ako."
"s**t! Victoria, I will inform mom and dad about this. Forward mo sakin. Ipa access ko kay Clifford. Sa tingin mo katulad nanaman yan nung dati?" Worried na ang tono ni kuya.
"Hindi naman yata, but still I want to make sure. Mag sskype kami ni Marj bukas para kumustahin siya. Bukas nanaman lang kasi magiging free ang weekends ko." I let out a sigh.
"Okay, andyan lang si Clyde tapos Sarah wag kang mag alala. Pero tatawagan ko pa din sila pakatapos nito. Gusto mo conference call na lang tayo nina mom bukas para lahat tayo magkausap nina Marj? Sabi mo nga bukas ka nanaman lang free." Si Clyde and Sarah yung security detail na naka assign sakin--don't ask me about this, hindi pa ako ready.
s**t, I don't even know when I'll be ready to rip the bandage off.
Mag asawa sina Clyde and Sara at nasa harap lang ng condo unit ko nakatira just in case.
"Mas mabuti pa kuya. Sabihan mo si mom tanghali ako mag vid call tapos gusto ko habang nagluluto siya sa kitchen. Miss ko na kasi siya tignan habang nagluluto." Medyo nagpapalambing yung boses ko. Spoiled kasi ako ni Third.
Once in a while I try to let my guard down. Lalo na pag kapamilya ko. I will always be vulnerable when it comes to them.
"Ay ang baby nagpapalambing. Uwi ka na kasi matagal na din naman na yun."
Medyo napangiti ako kay kuya.7 years kasi ang gap namin kasi naharipang magbuntis si mom. I'm actually one of the products of invitro -- yup products plural-- I shared a womb with my twin sister Julianne Margaery. I know right? Kambal na nga pareho pa first name. Julianne Victoria and Julianne Margaery Sandoval. Although Victoria talaga ang nakasanayan ko, kinailangan kong mag stick sa Julianne because of what happened.
And yes, napaka cheesy ng Julianne! Galing kasi to sa pangalan nina dad and mom. Julio plus Marianne! ahahahahah! Ang kulit talaga ng naming system dito sa Pinas kahit kailan. Well okay na to kaysa naman yung parang galing sa baul, at akala mo may laging dalang itak dahil sa napaka ancient ng pangaran.
Maria Encarnacion, Maria Consuelo , Maria Jesusa. Diba? Parang laging may dalang abaniko at hirap na hirap sa paglalakad dahil sa balot na balot ng suot na saya.
"Third." Alam niya yung tonong yun.
Drop it kuya,
"Okay. Bsta update mo ako sa stalker mo. Palabas na din ako." Natigilan ako dun sa word na 'stalker'. Alam ko nagulat din siya, but then again we cannot forever walk on eggshells when it comes to this sensitive topic.
Huminga ako ng malamim at medyo siniglahan ang boses.
"Sige po. I miss and I love you. Kiss Jade for me." Haay nalungkot tuloy ako.
"You too Victoria. Mag ingat ka diyan lagi. Kuya loves you."
∴ ∵∴ ∵∴ ∵∴ ∵∴ ∵