3 MONTHS LATER... DEATH is inevitable. Isa ito sa pangyayari sa buhay ng tao na hindi mo talaga aasahan. Alam nating lahat na sa kamatayan naman talaga ang ating ending. Walang permanente sa mundo. Maging sino ka pa or ano ka pa. Ang aliwalas ng paligid at maganda ang panahon ng makarating si Zareh sa kanyang unang destinasyon ngayong umaga. Marahang bumaba si Zareh sa kanyang sasakyan. Tinanggal muna nya ang kanyang sun glasses bago pinagmasdan ang kalangitan. Tumingala ito at nagtagal ng ilang minuto bago binalik ang kanyang sun glasses at tuluyan ng lumabas sa kanyang sasakyan. Naglakad ito papunta sa isang familiar na flower shop. "Magandang umaga, Zareh." Salubong ni Enri sa aktres. Nasa likod ito ng counter ng flower shop at nag-aarrange ng mga bulaklak. "Good morning, Enri," g

