"ATE TALA, may aksidenteng nangyari malapit kung saan ako naglalakad." Agad akong tumawag kay Tala para sabihin ang nangyaring aksidente. "Ha? Ano? Kumusta ka? Anong nangyari sa'yo?" bakas ang pag-aalala sa tono ng babae sa kabilang linya. "Wala pong nangyari sa akin. Okay lang ako." Narinig kong parang narelieved ito sa sinabi ko. "What I mean is, I think, we have prospects now. Pwede ba kayo today?" "Sige, sige. Pupuntahan kita ngayon din dyan. I-text mo rin si Dream kung free sya. I will inform Zareh, too. Share mo yung location mo. I'll be on my way," pagkasabi ni Tala ng mga katagang iyon ay binaba na nito ang linya. Dumating na rin ang ambulansya at mga pulis. It was a total commotion. "Rest in peace," ang aking nasabi ng dumaan na ang isang ambulansya sa harapan ko. Hindi ko h

