TALA "AAH..." ang aking hinaing at napahawak sa aking ulo dahil sa sobrang sakit nito kasabay ng pagmulat ng aking mga mata para magulat na naman sa aking nasaksihan. Alam kong may masamang nangyari sa akin pero hindi ko akalain na mag-eeffort si Greta ng ganito. What I mean sa ganito ay ang ikulong ako sa isang malaking bird cage. I'm literally in awe at the same time wondering kung paano nagkaroon ng ganito kalaking bird cage si Greta. Bumangon ako at pinagmasdan ang paligid. The bird cage is like 20 inches high and 10 inches wide in my estimation. And what's this? May pa-spotlight pa sa taas tapos sobrang dilim sa paligid. Ginagamit ba nila 'to nila ni Martin sa magic shows nila? Baka nga. There's no way they have these stuff for personal use only. Or... no! Ayaw kong isipin na dit

