WE SPENT the week helping the lost souls. Medyo nahirapan kami sa mga natirang mga lost souls pero nakayanan naman kahit papaano. Ang kaibigan ko ngang si Frank ang aming isinunod. Tawang-tawa ako sa kwinento ni Tala na kunwaring nagduduwal pa daw ang lalaki ng malaman na ako talaga si Kahel na kaibigan nya dati. Yan ang napapala ng mga m******s talaga. Yung kaso ni Frank ay hindi naging madali dahil kinailangan pa naming pumunta ng probinsya. Taga-probinsya pala kasi si Frank at mag-isa ring tinataguyod ang sarili rito sa Maynila. Sa pagtatravel naming iyon, kasama si Zareh dahil nagleave kasi talaga ito, ay doon ko pa nalaman ang buong istorya ng buhay ni Frank. Ako lang kasi lagi ang nagsasabi rito ng problema. Ngayon ko lang narealize na ang sama kong kaibigan. Ni hindi ko man lan

