I FINALLY convinced them na ako nga si Kahel or si Smiley. I mean, sila Tala at Zareh, ay naniwala na rin sa wakas sa akin na ako nga si Kahel o Smiley. It took a long answer and question portion bago talaga sila naniwalang ako nga 'to. Paano ba naman kasi ay ibang-iba ang itsura ko sa kung sino talaga ako noon at ngayon nga ay isa pa akong babae. Naiintindihan ko kung bakit ang dami nilang tanong at naiintindihan ko ang kanilang pagdududa. "So, anong plano mo ngayon?" tanong ni Tala sa akin. Nakaupo lang kami dito sa sofa ng living room ng condo ni Zareh. "Ayun nga. Please, tulungan nyo akong humanap ng 20 lost souls at paakyatin natin sa langit para tanggapin na rin ako sa langit. Please... Alam kong malaki talaga ang pagkakasala ko sa iyo dati, Ate Tala. Pero last favor na 'to. Pina

