GRETA SINO ba ang babaeng 'to? Sabi nya'y pinadala daw sya ni Martin dito. Paano nya nakilala si Martin? Babae ba sya ni Martin? Kung babae man sya ni Martin, humanda sya sa akin. Pinapasok ko ito kahit na hindi ako sigurado kung tama man ang desisyon ko. Pero bahala na, hindi ako natatakot sa kanya. Matangkad ang babae at mukhang maganda kahit pa nakamask ito. Walanghiya ka, Martin! Isa ba 'to sa mga pinagmalalaki mong kabit?! Galit na galit ang kalooban ko pero I made sure na hindi makikita yun ng babae. "Maupo ka," sabi ko ng makapasok kami sa living room. Sumunod naman ito at umupo sa couch. Hindi ko makita ang expression sa mukha nito dahil sa mask nya. I wanted to see her face as well. Tignan natin kung maganda ba ang pinagpalit sa akin ni Martin. "Kaano-ano ka ba ni Martin?"

