"LIAR," ang mariing sabi ko kay Tala. "Sorry na, Smiley," she said. "Sorry na, baby." Humarap ito kay Zareh na nakahalukipkip ngayon. Tahimik lamang itong nakatingin kay Tala. "Ayoko lang kasi na mag-alala ka pa. Sorry na." "Patawarin mo na, te. Hindi mo rin naman sya matitiis, eh," sulsol ko. Excited na rin kasi ako sa first lost soul namin. Hindi kasi namin maasikaso yun kung mag-aaway pa 'tong dalawang 'to. Malalim na napabuntong hininga si Zareh. Napapikit at tinignan nito si Tala ng tuwid sa mga mata, at hinawakan sa magkabilang kamay. "Love, alam mong mahal na mahal kita, 'di ba?" Tumango si Tala bilang sagot kay Zareh. Hay naku, ito na naman yung drama. Hay... ang tagal matapos. "At alam mong pwede mong sabihin sa akin lahat. Kaya kong tanggapin. Kakayanin ko at susuportahan ki

