CHAPTER 4

1079 Words
Alexis' POV I felt a cold rays touching my entirety. I looked up and saw a beautiful woman standing on an invisible thing; on air I guess. She was six feet above me. She was wearing a glowy white enchanted dress and threw her sweet smile on me. "You've grown a lot, Queen," an echoing words came out of her mouth. Did I heard it right? She called me Queen? I stood up and dealt with the air, I don't know how I made it but yeah, I'm flying like a fairy—without wings. I drew near her; it was six feet away from the ground. Her face became more clearer when I was inches away from her, "D-Diwata?" I doubtfully asked. Was it her? Gosh, it really looked like her. Her lips curved and nodded, "The name is Karma," she said. I don't know what happened next, everything got blurred... Dinilat ko nang dahan-dahan ang aking mga mata, umupo ako at napahawak sa aking dibdib, panaginip lang pala. Nakakamangha naman ang panaginip ko, ingles ang pananalita ko tapos lumilipad pa ako na parang isang diwata tapos... tapos... tapos... nakausap ko ang diwata. NAKAUSAP KO ANG DIWATA! Agad akong tumayo, "Kira!" pagtawag ko sa prinsipe. Ibabalita ko sa kaniya ang napanaginipan ko. "Kira!" ulit ko pero walang sumasagot. Nasaan na naman kaya iyon? Hinanap ko siya at natagpuan na naglalaro sa umaagos na ilog. May ilog pala na malapit doon sa tinulugan namin. Nga pala, sa damuhan kami natulog, no choice na kami e. Nilapitan ko siya, "Ba't parang tuwang-tuwa ka sa ilog?" tanong ko. "Dahil ngayon lang ako nakaligo ng ilog," sagot niya na siyang ikinagulat ko. "Sa buong buhay mo ngayon ka lang nakaligo ng ilog?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Bingi ka ba? Bingi ka ata e, ay wala ka pala. Bingi, bingi, bingi," panunukso niya tapos winisikan ako ng tubig. Nagtagpo ang dalawa kong kilay. Naghiganti ako sa wisik na ginawa niya. Winisikan ko rin siya nang maraming beses at winisikan niya rin ako pabalik hanggang sa nauwi kami sa water fight. Hanggang paanan ko lang 'yung tubig, baka kapag pumwesto kami sa malalim e malunod 'tong pusa. Kawawa naman haha. "Tanggapin mo ang aking water balls, hyah! hyah! hyah! hyah!" sigaw niya habang tumitira ng tubig gamit ang kaniyang mabibilis na braso. Mga pusa nga naman. Inangat ko ang aking braso upang maprotektahan ang sarili laban sa mga water balls niya, "Shield!" sigaw ko. "Heto paaaaa!" umakyat siya sa puno na malapit sa ilog saka tumalon sa tubig na siyang naging sanhi ng isang napakalakas at napakaraming wisik sa akin. Alam kong nasaktan din siya sa pagkabagsak niya ngunit hindi niya ito pinakita sa akin. "Shielddd!" ulit ko. Para akong baliw na nakikipaglaro sa pusa. "Ha? Buhay ka pa? Dapat patay ka na, ang lakas no'ng power ko tapos may pa-dive pa ako." salaysay niya. Napangiwi na lamang ako, "Naprotektahan ko naman ang sarili ko," wika ko. "Ay ang daya mo. Kanina pa ako water balls nang water balls tapos nag-dive pa ako tapos hindi ka man lang namatay?!" wika niya sa naiinis na tono. "Matibay 'tong shield ko," banat ko saka pinakita ang braso kong walang muscle. "Madaya ka! Bilis, magkunwari kang patay para mapatunayan na ako ang nanalo." utos niya. Natawa na lamang ako, sineseryoso niya ba ang laro? Hahaha. "Ayaw ko nga, hindi ako basta tumatanggap ng pagkatalo e." pang-aasar ko. "Bahala ka na, ayoko na maglaro. Madaya ka," naiinis siyang umahon sa ilog at naglakad pabalik sa spot kung saan kami natulog. Tingnan mo 'tong baliw na 'to. Parang timang. Naglalaro lang naman kami tapos biglang magagalit dahil 'di lang ako namatay sa mga water balls niya. Nakakamatay ba 'yun? Hahaha. Umahon na rin ako at sumunod sa kaniya. Ang basa ko. Kinuha ko ang mga damit ko sa bag at naghanap ng lugar kung saan pwede magpalit, "Huwag mo ako susundan," sabi ko. "Ew, hindi ka naman sexy para worth it silipan." napakawalang hiya talaga 'tong prinsipe na 'to. So ayon, nakahanap ako ng perpektong lugar at dali-daling nagbihis. Bumalik rin ako kaagad pagkatapos non. --- "Karma raw ang pangalan niya," wika ko. Ikinwento ko na sa kaniya ang naging panaginip ko. "What if witch ka talaga?" nagdududa niyang tanong. "Baliw ka naman po, Kira." "Paano nga kung witch ka talaga? O baka naman nagkukunwari ka lang na hindi mo alam," Napakunot na lamang ako ng noo, "Kung witch ako edi sana kinain na kita." sabi ko sa diin na tono. "Baliw! Sabi ko witch hindi cannibal, duh." wika niya sabay ikot ng mata. Parang babae naman 'to. Magsasalita pa sana ako pero biglang dumilim ang paligid. Napalibutan kami ng itim na usok, ngunit hindi ito masakit sa ilong,alamunan at mata. Ako at ang prinsipe ay parehong naging alerto, "Ano ang nangyayari?" tanong ko sa sarili. At walang anu-ano'y isang halakhak ang namuo sa itim na usok, "Nandito pala ang maharlikang pinuno." at isang pigura ng babae ang nalantad mula sa usok. Suot niya ay itim na bestida, buhok niya ay kulot, mahahaba ang mga kuko, at nakakatakot siya pero hindi ko maipagkakailang maganda rin, sa kabila ng mga iyon. Agad na nagtago sa likuran ko ang prinsipe. "Tila nalilito ka kamahalan, ano ang bumabagabag sa inyong isipan?" tanong ng babae ngunit sa akin nakapokus ang kaniyang tingin. "Hindi ako nalilito!" sigaw ng prinsipe mula sa aking likuran. Napakunot ng noo ang babae at napadpad ang kaniyang paningin sa likuran ko, "Kaninong hayop iyan?" nagtataka niyang tanong. "S-Sino ka? Anong kailangan mo sa amin?" balik na tanong ko sa kaniya. Muli siyang humalakhak, "Mukhang ikaw ay nagkamali sa iyong salamangka, gusto mo bang tulungan kita?" deretsyuhan niyang tinanong. Paano niya nalaman? Nabaling ang tingin ko sa nanginginig na pusa sa aking likuran, "O-Opo," walang alinlangan kong sinagot. "Ika'y makinig, bumalik ka sa kastilyo, sa lugar kung saan ang salamangka'y nabuo, ibuklat ang libro, tingnan ang totoo at makakalaya ang prinsipe niyo." wika nito at tumalikod. Ilang segundo pa ay naglaho siya kasama ng itim na usok. "S-She is the r-real witch!" nauutal na sinabi ng prinsipe. Hindi namin kilala ang babaeng iyon, hindi ko alam kung maniniwala ba ako o ano, ngunit ang pintig ng puso ko'y sumisigaw at ang isinisigaw nito ay sundin ang sinabi ng babaeng iyon. Humarap ako sa pusa at umupo, "Alam ko na ang gagawin ko upang makabalik ka sa anyong tao, Kira."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD